Krizza's POV
"Si James, magiging tatay na," bulong ni Jane sa akin.What??? Tunay?Si James? Magiging Tatay na?
"Tunay ba yan?," Di makapaniwalang tanong ko.Na curious ako bigla.
"Oo nga, kaya nga nagbago na eh para sa kanyang anak,"chismosang sabi ni Jane.
" Nabuntis niya yung babaeng..,? "Di ko natatapos sasabihin ko ay tumango tango na agad si Jane.
" Tama Best friend! Ang Nabuntis ni James ay yung pinalit sayo dati!, "malakas na sabi ni Jane na akala mo naman ay hindi ko maririnig.Hampasin kita diyan eh!
"Sana nga ay maging Mabuti at responsableng ama si James sa magiging anak niya," seryoso Kong tono.
Masaya ako para sa kanya.
"Nung nalaman ko yun, naiisip ko agad na kayo talaga para sa isat isa ni Cedrick. Ang galing ng tadhana! Buti nalang at nag break kayo!," parang baliw na sigaw ni Jane. Haysst.
"Beshhy, andiyan na ang manliligaw mo!," masaya Kong sabi kay Jane sabay turo sa isang lalaking naka sakay sa motor.
"Yes!! Sa wakas, may boyfriend na din ako!," baliw na sagot ni Jane at sumayaw pa.
"Bye!! Goodluck!," sigaw ko at kumaway sa kanya habang palayo siya.
"Bye beshhy!!," sigaw niya.
Sobrang lakas ng boses niya. Hindi ako makapaniwala na ang isang siga at palaban na si Jane ay kikiligin dahil may boyfriend na. Nagpaparinig lang yun sa Facebook sa Crush niya tapos ngayon, boyfriend na niya yung crush niya. Galing!!naol!
" Huli ka!," gitla sa akin ng isang lalaki na niyakap ako. I knew it, alam ko ang bango ng cologne niya at yung boses niya.
"Hello! Na miss agad kita! Halika nga rito, yayakapin ulit kita!," paglalambing ko.
"Ang sweet ah, anong gusto?," parang nagbibiro niyang tono. Hinampas ko siya ng kaunti.
"Gusto ko??? Ikaw lang!," masayang masaya Kong sagot sa kanya. Kinikilig ako dito sa harap ng madamimg tao.Wsla ako pake.
"Tara na nga!Wag kang magpakilig!," ngingiti ngiti niyang sagot.
Pumasok na kami sa kotse at kanya kanya kaming kwento.Hindi muna niya pinaandar ang kotse. Kinuwento ko muna ang nangyare sa mag hapon ko sa school at kiniwento naman niya ang mga ginawa niya sa resort kaya nainis ako sa kanya.
"Dibe sabi ko, wag kang magpapagod!," naiirita Kong saway sa kanya.Nakakabadtrip tuloy.
"Hindi naman ganon kadami ang ginawa ko," mahinahon niyang sagot sabay yakap sa akin.
"Siguraduhin mo lang!," sermon ko na parang nanay lang ang peg.
"Ang cute mo magalit! Nakaka in love lalo!," kinikilig niyang sabi kaya napatigil ako. Haysst, nakakakigil kang lalaki ka!
Maingay kami sa byahe papunta sa di ko alam Kung saan.
"Saan nga pala tayo pupunta? Hindi naman ito ang papunta sa resort eh!," nagtataka Kong tanong habang nagpupulbo.
"Sa bahay namin, magmemeryenda tayo!," naka ngiti niyang sagot.
"Yieeee, talaga??," excited Kong tanong.For the first time!!
"Patay gutom ka kase kaya pinaghanda kita ng meryenda. First time mo pang makikita ang bahay naming mala mansyon," biro niya sa akin.
"Excited na ako!," parang baliw Kong sigaw dito sa kotse.
Ang mga oras na ito, ang tanging gusto ko lang,ay kasama siya. Parang ang lakas lakas ko pag siya ang nandito sa tabi ko. Feel ko lagi na safe ako kahit saan ako pumunta basta siya ang kasama.
Nakangiti lang ako hanggang sa nakarating na nga kami sa bahay nila.
Pag pasok palang ng Gate ay namangha na agad ako.Gate palang yun ha!
"Mala mansyon naman pala talaga ang bahay ninyo!," manghang mangha Kong sabi habang pinagmamasadan ang paligid.
"Tara na sa loob ng bahay," sabay abot niya ng kamay niya sa akin.Agad Kong hinawakan ang kamay niya at sabay kaming pumasok sa makulay nilang bahay.
"Good afternoon Maam Krizza," bati sa akin ng isang babaeng hindi ko naman kilala. Ngumiti ako sa kanya.
"Hello po," naka ngiti Kong bati din sa kanya.
"Kinukwento po kayo lagi sa akin ni Sir. Minsan nga po, nakikita ko nalang po si Sir na nakatulala, iniisip po kayo," kinikilig niyang kwento kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Ate Maring, ang daldal po talaga ninyo," biro ni Cedrick. Si Ate Maring pala ito.
"Pasensya na, kinikilig lang talaga ako Sir," ngiting ngiti si Ate Maring kaya ngitian ko din siya.
"Krizza, Tara Don!," sabay turo ni Cedrick sa isang napaka kulay nilang hardin.Para tuloy akong nasa isang palasyo.Kitang kita ko na agad ang makukulay na bulaklak.
"Ang ganda ng mga bulaklak! Dito mo ba kinukuha ang bulaklak na binibigay mo sa akin?," tanong ko dahil feel ko dito talaga siya nakupit ng mga bulaklak.
"Special ang mga bulaklak na ito kaya para sa special na taong katulad mo dapat ibigay," malambing niyang sabi kaya agad ko siyang nilingon at niyakap ng hindi niya inaasahan.
"I love you so much," yun lang ang nasabi ko.
"I love you more," sagot niya at hinalikan ako sa noo dito sa gitna ng napakaraming bulaklak.
"Ayaw ko na kumain ng meryenda," kulbit ko sa kanya.
"Bakit?," takang taka niyang tanong. Ngumiti ako na parang baliw.
"Busog na ako sa pagmamahal mo,"natatawa Kong sabi pero seryoso yun.
" Hindi kita gugutumin sa pagmamahal, tandaan mo, "seryoso niyang sabi kaya nawalan ako ng ekspresyon.
" Thankyou, "sabi ko na nakatulala.
" Ang ganda mo lalo pag kasama ang mga tulad mong bulaklak, "nakatitig siya sa akin habang sinasabi iyon.
" Wag kang ganyan! Baka hindi na ako umalis dito sa bahay ninyo!, "biro ko sa kanya.
" Edi dito ka nalang!, "sabi niys kaya pinalo ko siya.Baliw!!
" Tara na nga uminom ng tubig! Baka sumakit na ang lalamunan ko dahil sa sweetness!, "sigaw ko at hinitak siya.
Makalipas ang ilang oras ay nandito kami ngayon sa kwarto niya.
" Ang lambot ng kama mo! Sana all!, "sigaw ko Habang tumatalon sa kama niya.Psra akong naging sano ngayon.
" Edi matulog ka dito Kung gusto mo! Sa salas nalang ako tutulog, "sabi niya Habang nakaupo lang sa upuan.
Pinagmamasadan lang niya ako. Nag mukha naman akong bata na binabantayan ng ina. Hahhaha
"Ayaw mo akong katabi matulog?," parang bata Kong tanong da kanya.
"Gusto syempre," agad niyang sagot.
"Halika rito, higa tayo. Yayakap lang naman ako tapos magkukwentuhan lang tayo," seryoso Kong sabi sa kanya.
Agad siyang tumalon sa kama at parehas kaming tumalon na parang mga bata sa kama niya. Nagtawanan lang kami.
"Haysst," reklamo ko. Humiga ako sa kama at ganun din siya.
"Sana dumating pa yung araw na sabay tayong gigising sa umaga," lingon niya sa akin
BINABASA MO ANG
Still, I Love You 3000 (Completed)
Teen FictionNaranasan mo na ba yung magko Comfort ka sa isang tao kahit na mas wasak na wasak ka?Here is my story that you can relate and I promise you that you will gain learnings from it. Iloveyou😘 Ang lahat po ng mababasa ninyo ay pawang galing lahat sa ak...