Chapter 3:It Is My Comfort Zone?

49 10 0
                                    


Krizza's POV
Pangatlong araw ko dito sa Resort. Ngayon hapon ay seryoso lang akong pumunta sa tabi ng dagat.

Damang dama ko ang hangin ngayon dito sa tabi ng dagat na naman. Ito talaga yung gusto ko eh,pagmasdan ang matahimik na paligid. Ayos na sa akin yung ingay mula sa dagat basta ramdam ko parin yung katahimikan na gusto ko.Malayo sa mga taong toxic sa buhay ko.

Pinagmamasdan ko ang napakagandang tanawin rito.

"Krizza!!! Samahan mo ako rito!. Ligo tayo!," sigaw naman ng napakaingay na si  Cedrick.

Hindi na siya nagsawa sa kakaligo sa dagat. Wait, bakit nga pala andito parin siya hanggang ngayon?Nagbabakasyon ba siya dito? Sabi niya aalis na daw siya kanina ah. Kanina naligo din siya kahit malamig ang tubig.

Nahihiya ako sa mga taong nagsisitinginan sa akin dahil tawag ng tawag itong si Cedrick.

"Ayoko nga! Wag kana makulit!. Atsaka marami ka na namang kasama diyan ah!," sigaw ko sa kanya dahil sobrang layo naman niya. Maka sigaw lang eh, juskooo.

Kanina ko pang napapansin ang ibang mga kababaihan na naglalapitan at nakikipag usap sa kanya. Umiling iling lang siya sa akin.Tumawa nalang ako dito dahil nakita kong pinagkakaguluhan siya ng mga babae doon.

Tumayo ako para pumunta don sa isang kubo na nasisilayan ko sa malayo. Nagugutom  na ako kaya binilisan ko maglakad.

"Krizza, hintayin mo ako!," sigaw ni Cedrick sa likod ko habang naglalakad ako.

"Bakit ka umalis don? Bakit mo iniwan ang mga chix mo?," natatawa kong tanong sa kanya.

"Tskk. Dapat kase sinamahan mo ako don maligo para maipakilala kita na kunyare ay girlfriend kita para hindi na nila ako kulitin!," pagmamaktol niya.

"Wow ha! So gagamitin mo pa pala ako?.Kapal naman ng mukha mo!," biro ko sa kanya.

"Ayaw mo pa!," malakas niyang sabi. Nagtawanan nalang kami. Hinitak niya ako papunta don sa pupuntahan ko.

"Wag mo nga ako hitakin ng hitakin! Baka pamaya ay magkapasa na ako dahil sa kakahitak mo!," saway ko sa kanya.

"Bagal mo kase maglakad,"reklamo niya. Tssk.

Ngayon lang ako nakakilala ng lalaking reklamador. Si James kase, hindi naman siya ganito. Kaso nga lang, manloloko naman.

" Lumayo ka naman sa akin, basang basa ka naman eh!, "saway ko ngayong nakaupo na kami dito sa kubo.

Mag katabi kami sa upuan dahil may couple na nasa kabilang mahabang upuan.Sobrang dami kaseng nakain dito sa kubo kaya no choice kami. Parang gusto ko nalang lumipat dahil sobrang sweet ng couple na nasa harap namin. Napangibit nalang kami ni Cedrick.

Sa halip na pagtuunan ko ng pansin itong  couple na nasa harapan namin ay pinagmasdan ko nalang ang kubo na ito. Maganda ang pagkakagawa ng kubo. Marami ding disensyo na nakakatuwang
pagmasdan. Maaaliw ka sa mga nakasabit na shells na pininturahan at mga fresh na bulaklak na nakasabit sa gilid ng kubo. May mga kurtina pang ibat iba ang kulay. Ramdam na ramdam ko talaga ang freshness.

Naka order na kami ng kakainin naming dalwa. Ang daming kwento ni Cedrick tungkol dito sa kubo dahil masarap daw talaga ang pagkain dito. Siguro laging andito si Cedrick.Mukhang kabisadong kabisado niya ang lahat ng pagkain dito eh. Kahit yung toyo daw dito ay sadyang masarap. Napapatawa nalang ako sa mga pinagsasabi niya.

"Tawagan ko lang si Mama. Sasabihin ko lang na andito parin ako sa Resort," sabi ko kay Cedrick bago tumayo at lumabas sa kubo. Tumango nalang siya kaya naiwan ko siya don. Hahaha, siya nalang ang natira kasama yung couple.

Still, I Love You 3000 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon