Krizza's POV"Gising na, Gising na, Gising na magandang dalaga," kanta ng isang tao na katabi ko ngayon dito sa kama.
Minulat ko ang aking mga mata at isang ngiti ni Cedrick ang bumungad sa akin. Niyakap ko siya agad.
"Good morning,"malambing Kong bati sa kanya.Pag ganito ga naman ang bubungad sayo sa umaga,natutuwa ka talaga.
" Goodmorning, I love You, "malambing niyang sagot sa akin.
Umupo ako sa kama at nag unat.
" I love you too. Bakit nga pala parang ang aga mo ata pumunta dito?, "tanong ko sa kanya na boses antok pa.
" Namiss agad kita kaya maaga akong pumunta dito.Galing ako sa ospital, "sagot niya. Unang rinig ko sa ospital ay agad akong nabuhayan.
" Anong sabi sayo ng doctor? . Sinasabi ko sayo ha, magpapahinga ka nalang dapat lagi. Wag matigas ang ulo!, "sermon ko agad sa kanya kahit Wala pa naman siyang sagot.
Ngumiti siya sakin bago nagsalita.Magakharap na kami ngayon.
" Magpahinga daw ako ng husto. Kumain ng masusustansiyang pagkain, at mag ehersisiyo. Kailangan na daw ng dobleng ingat para sa sarili ko, "sagot niya bago siya tumayo at umalis sa kama.
Na lungkot ako bigla. Napapatulala nalang ako bigla. Agad Kong hinabol si Cedrick at niyakap siya.
" Sa susunod, sasama na ako sayo sa ospital para mabantayan kita atsaka para alam ko yung mga pinapaalala ng Doctor sayo. Andito lang ako palagi para sayo, mahal kita," malambing Kong sabi sa kanya Habang yakap siya. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Siya na ang yumayakap sakin ngayon.
"Ang sweet talaga ng girlfriend ko! Baka pamaya magkaroon na ako ng diabetes sa sobrang sweet ah!," biro niya at niyakap ulit ako. Tumawa ako dahil sa mga corny niyang thoughts, HAHAHA
"Tara, mag almusal na tayo. Sasama ako sa resort!," sigaw ko dahil sa saya. Binuhat niya ako kaya hinampas hampas ko siya kahit kinikilig talaga ako.
Ang ganda ng umaga.
"Sa kusina po tayo pupunta mahal na prinsesa," mala kawal niyang boses kaya pinagtawanan ko siya. Ngiti palang ni Cedrick ay buo na ang araw ko. Sana ay wag ng matapos to.
Naranasan mo na din ba to? Yung parang tumutigil ang paligid dahil siya lang ang focus mo. Yung habang pinagmamasdan mo siya ay parang ayaw mo ng matapos ang oras.
"Ang bait naman ng boyfriend ko! Bakit may mga pagkain na dito sa lamesa?," naka ngiti Kong tanong dahil napansin Kong ang daming pagkain na nakalagay sa lamesa. Halos lahat NG favorite Kong pagkain ay Narito sa lamesa.
"Tumawag sa akin ang Mama mo kaninang umaga, hindi mo daw sinasagot ang tawag nila sayo," biglang sabi niya.
Haysst, nakalimutan ko nga pala I charge ang phone ko kagabi kaya lowbat parin ngayon.Sorry Mama. For sure, nag aalala na yun sakin
"Pwede bang pahiram ng phone mo? Tatawag lang ako kina Mama. Mag so sorry lang ako. Atsaka dahil sa puyat ako kagabi, hindi na ako nakatawag sa kanila," kwento ko.
Ibinigay niya sa akin ang phone niya bago siya maghanda ng mga plato at tasa para magtimpla ng gatas.
" Maintindihan ka naman nina Tita at Tito atsaka kasalanan ko din naman Kung bakit ka puyat, "saad ni Cedrick. Tumawa ako bigla. Sobrang gabi na kase kami umuwi kagabi.
" Ayos lang, parehas naman tayong puyat eh!, "natatawa kong sagot sa kanya.
" Last na nating puyat yun Cedrick ha! Bawal kana magpuyat!, "dugtong ko.
BINABASA MO ANG
Still, I Love You 3000 (Completed)
Novela JuvenilNaranasan mo na ba yung magko Comfort ka sa isang tao kahit na mas wasak na wasak ka?Here is my story that you can relate and I promise you that you will gain learnings from it. Iloveyou😘 Ang lahat po ng mababasa ninyo ay pawang galing lahat sa ak...