Krizza's POV
Ito na ang pinakahihintay ko. Nakaka kaba pero nakaka excite. Sabado na!!"Krizza, hindi ka daw masusundo ni Cedrick," bungad sa akin ni Ate Lea. Napasimangot ako pag bukas ko palang ng pinto dahil sa narinig.
Pero, still, I understand. Alam ko namang Maraming ginagawa yung lalaking yun. Ayaw ko siyang istorbohin kaso parang namiss ko yung mukha niya na bubungad sa akin sa umaga.
"Ah, okey. Ako nalang ang magbabyahe pa punta don,"sagot ko habang nagaayos ng gamit na gagamitin ko para pamaya.
" Punta kami sa resort pamaya para suportahan ka. Nakaka excite naman yan!, "masayang sigaw ni Ate Lea.
Nag ayos na ako ng gamit at naligo. Sinuot ko ang isang up shoulder at palda tapos sumakay na sa isang tricycle. Habang nasa byahe ako ay tumawag bigla si Mama.
" Mama!, "masaya Kong bungad sa tawag.Hindi ako magkaintindihan dahil sa ingay ng tricycle ni Manong.
" Anak, bakit ang ingay ingay diyan?! Nasan ka ba?, "malakas na tanong ni Mama. Buti nalang at naintindihan ko naman ang sabi ni Mama.
Hindi kami magkarinigan ng ayos dahil sa ingay ng tricycle. Parang pamaya maya ay masisira na itong tricycle. Medyo luma na kase ito kaya maingay na din. Tapos matanda na yung driver.Natakot naman ako dahil baka pamaya ay magkalasan itong tricycle. Hindi naman sa namumula ako pero parang ganun narin. SORRY.
" Mama! Hello? Mama, nasa tricycle ako. Pamaya nalang po ako tatawag sa inyo. Loveyou sa inyo ni Papa!," sagot ko kay Mama habang kapit na kapit sa gilid ng tricycle dahil parang gumegewang gewang itong tricycle.
"Sige sige, pamaya nalang. Ingat ka. Good luck sa contest! Kaya mo yan!,"cheer up ni Mama sa akin bago niya pinatay ang tawag.
Habang nasa byahe ay dasal ako ng dasal. Ohmygod, parang mangangalas na itong tricycle. Help!!chaar
"Andito na po kayo Maam,"magalang na saad ni Manong driver. Sa wakas!, Nakarating din.
Kahit ganon ay naka ngiti akong nagpasalamat kay Manong driver. Dinagdagan ko pa ang bigay kong pera.
Huminga muna ako ng malalim at pumasok sa Gate ng resort. Ang daming tao dito.
Napangiti naman ako nung makitang nagpe prepare na ang lahat para pamaya. Agad Kong pinagmasdan ang paligid para hanapin si Cedrick.
Pagtingin ko sa likudan ko, hindi mawala ang malaki Kong ngiti nung nakita Kong kaharap ko na si Cedrick na parang pugto ang mata. Puyat ang lalaking to for sure!
"Hi!," ewan ko pero kinilig ako nung bumati ako sa kanya.
"Hello. Goodmorning. Sorry Kung hindi na kita nasundo,"nakasimangot niyang sabi sabay gulo sa buhok niya. Parang ang laki ng problema ng isang to.
" Ayos lang yun!Naiintindihan kita! By the way, Goodmorning!, "naka ngiti ko paring saad sa kanya.
" Puyat ka no? Hampasin kita diyan eh!,"dagdag ko sabay tuktok sa kanya.
" Ang saya mo ha! Are you ready?," maangas niyang tanong.Tumawa nalang ako. Hindi ako sinagot!
" Ready na ready na po ako Sir!, "natatawa Kong sagot sa kanya. Hinitak lang niya ako basta kaya pinalo ko siya.
" Bilisan mo maglakad! Para kang pagong, ang bagal bagal!, "natatawa niyang reklamo habang unti unti Kong pinagmamasdan ang buhok niyang hinahanpas ng hangin.
" Tinatamad akong maglakad lakad!, "
kunyare Kong naiiyak na reklamo sa kanya. Ninerbyos ata ako sa tricycle na sinakyan ko kanina, HAHAHTumawa lang siya habang hitak hitak ako. Nagpapahitak nalang ako.
BINABASA MO ANG
Still, I Love You 3000 (Completed)
Genç KurguNaranasan mo na ba yung magko Comfort ka sa isang tao kahit na mas wasak na wasak ka?Here is my story that you can relate and I promise you that you will gain learnings from it. Iloveyou😘 Ang lahat po ng mababasa ninyo ay pawang galing lahat sa ak...