Krizza's POVMasaya lang kaming kumakain dito sa restaurant. Kung makapagkwentuhan kami ay parang kami lang dalwa ang nandito, haha.
"Mas masarap parin talaga ang luto mo," malakas na sabi ko sa kanya.Ngumiti siya sabay pa tahimik sa akin.
"Wag kang maingay, baka marinig ka NG manager ng restaurant. Baka kuhanin pa akong chef dito," nakangiting bulong niya kaya nagtawanan kami.
"Bagay ka naman talaga maging chef ah!," sagot ko sa kanya at mas lalo ng nilaksan ang boses ko.
"Talaga?," naka ngiti niyang tanong. Hinawakan ko ang kamay niya. Ang akala lang niya ay kukuja ako ng tissue na nasa tabi niya, baliw. But I love it.
"Oo. Promise! Ako ang una mong customer! Promise!," maligaya Kong sagot sa kanya at tinaas pa ang kamay ko na parang bata. Ngumiti siya na parang baliw.
"Edi lagi kang busog pag nagkaroon ako ng sariling restaurant?," parang nagrerelamo siya sa tono niya kaya siniringan ko siya.
"Bakit??," tanong ko at uminom ng juice.
"Syempre, lagi kitang ililibre!," sagot niya at ngumiti ng pagkaganda ganda. Napatigil ako bigla.Luko luko talaga.
"Masaya nga Kung libre pero hindi naman pwede yun! Malulugi ka pag lagi akong libre!," masayang masaya Kong sigaw.
Wala kaming pakialam sa mga nakaka rinig ng usapan namin.aa naman kaming masama g pinag uusapan eh.
"Bakit kailangan mo pang mag bayad? Tandaan mo, asawa na kita kaya bakit kailangan mo pang magbayad!?,Kung ano ang meron ako, meron ka din, " sigaw niya.
Napatigil ako bigla.Bakit parang tumatalon ang puso ko dahil sa saya? Ohmygod!!Parang hindi ko ata manguya ang isda.
"Edi wow!," yun lang ang nasabi ko dahil naging speechless ako.
"Kinikilig!," sigaw ni Cedrick. Lumuha ako dahil sa saya kaya napakuha uli ako ng tissue at pinunasan ang pisnge ko.
"Sobrang nakakakilig. Pwede bang wag naman sobrang sweet?," biro ko sa kanya.
"Ayaw ko, gusto ko lagi kang kinikilig!," sagot niya kaya pinalo ko siya ng kutsara. Para kaming mga bata.
"Cheers!," sigaw niya at tinaas ang kutsara.
"Cheers!," tinaas ko din ang kutsara ko at hinampas sa kutsara niya tapos nagtawanan kami.
"May challenge ako sayo," sabi niya kaya kumunot ang noo ko. Ano na naman ang pakana ng lalaking to?
"Ano?," pagtanggap ko sa hamon niya..
"Paunahan tayong humigop ng sabaw! Ano? Game? Kung sino ang unang makaubos ng sabaw, siya ang panalo! " natatawa niyang hamon sa akin. Ngumiti ako na parang baliw. Akala ata niya ay mag papatalo ako sa kanya, bleeh!
"Game!!!," malakas Kong sigaw sabay siring sa kanya.
Nagpaunahan nga kami humigop ng sabaw ng bigla akong nasamid. Bwisit!! Bakit naman ngayon pa? Wrong timing naman to eh!
"Tubig oh!," abot niya sa akin ng isang basong tubig na muntikan ng matapon dahil sa bilis ng pagkakaabot niya sa akin.
Kahit hindi matapos ang pagkakasamid ko ay napapatawa parin ako. Mga baliw talaga kami.
Ininom ko ang tubig at tumawa..
"Dapat pala hindi na natin ginawa yun," pailing iling na sabi ni Cedrick. Ngumiti ako.
"Ayos lang, ang saya nga eh!," sagot ko.
"Baliw!Masaya kahit muntikan ka ng mamatay? ," sabi niya sa akin na para siyang nanenermon. Sinungitan ko lang siya.
BINABASA MO ANG
Still, I Love You 3000 (Completed)
Teen FictionNaranasan mo na ba yung magko Comfort ka sa isang tao kahit na mas wasak na wasak ka?Here is my story that you can relate and I promise you that you will gain learnings from it. Iloveyou😘 Ang lahat po ng mababasa ninyo ay pawang galing lahat sa ak...