Chapter 13:You Are Beloved

21 1 0
                                    


Krizza's POV
Nakaharap lang ako sa study table ko dahil kailangan kong mag aral. Nananakit na ang ulo ko sa dami ko ng nabasa at napag aralan.

Nasa sofa lang si Ate Lea at kausap ang boyfriend niya. Ako lang ang nasa kwarto,umiinom ng kape para hindi antukin dahil marami pa akong ibang pag aaralan.

"Krizza! Tatawag daw sa iyo si Cedrick!," sigaw ni Ate Lea sa salas.

Simula nung nakilala ko si Cedrick, araw araw nalang Cedrick ang bungad sakin and guess, masaya ako. Nagbago lahat nung dumating siya.

Hindi ata buo ang araw ko pag walang Cedrick na mame-mention.

Agad kong hinablot ang cellphone ko para hintayin ang tawag ni Cedrick. Naubos na ang kape ko bago pa siya tumawag.

"Oh, bakit ka napatawag?," tanong ko.

"Alam kong busy ka sa pag aaral kaya sorry. Tumawag lang ako para mag goodnight. Geh, Goodnight!," inaantok niyang tugon.

Nagpigil ako ng tawa. Yun lang pala, Hhaha. Pero aaminin ko, nakaramdan ako ng kilig.

"Yun lang naman pala! Akala ko pa naman ay may chika ka sa akin. Ano ba yung event na pinaghahandaan ninyo diyan sa resort Sir Cedrick?," natatawa kong tanong.

"Chismosa mo talaga!," biro niya.

Na isulat ko tuloy ang pangalan ni Cedrick sa notebook ko kahit hindi naman dapat yun ang isusulat ko. Kainis.

"Babatukan kita bukas! Wag mo lalong pasakitin ang ulo ko!," sigaw ko sa kanya.

"Bukas ko nalang sasabihin basta matulog kana. 11:00 na pero nag aaral ka pa din.Makinig ka!," saway niya sa akin.

"11:00 na NG gabi pero gising ka parin at tumatawag sa akin! Sasawayin din kita! Matulog kana! Gabi na, nakakapaghintay naman siguro ang gawain diyan sa resort!," para akong nanay na nagse sermon sa anak na hindi pa na tutulog dahil sa kaadikan sa Wattpad.

Tumawa muna siya bago sumagot.

"Opo nanay, tutulog na," boses bata niya kaya tumawa ako. Parang nawala ang sakit ng ulo ko.

"Bye! Magkita nalang tayo sa panaginip!," sigaw ko na natatawa.

Puro kalokohan.

"See you sa panaginip!," sabay patay ko sa cellphone.

Mas ginanahan ako mag aral.Masipag naman talaga ako mag aral. Nag aaral ako para sa sarili at pamilya ko. Hindi ako nakikipagkompetensya kay Karylle dahil sabi nga ni Cedrick, may kanya kanya naman talaga tayong galing. Wag natin ikumpara ang sarili natin sa iba. Basta gawin nalang natin ang best natin sa lahat ng bagay.

Natulala ako sa loob ng ilang minuto. Ano na bang nangyayare?Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

"Tutulog na ako, bye!," sabay higa ni Ate Lea sa kama ko.

Natauhan bigla ako.

"Sleep well Ate Lea!," sabi ko kay Ate Lea na antok na antok na.

"Merong handaan bukas kina Karylle. Lahat ng kamag anak natin ay pupunta.Agahan mo  ang pag uwi bukas galing school," paalala ni Ate Lea bago natulog.

I forget bukas na pala ang birthday ni Karylle.

"Okay," sagot ko. OhmyGod!! Bukas na pala yun! Haysst. Birthday nga pala ni Karylle. Paniguradong isa ako sa walang dalang jowa sa pamilya. Atleast masaya naman ako sa buhay!

Kinaumagahan ay nag text agad si Cedrick na bilisan ko daw. Nagmamadali na naman ang lalaking to. Nabadtrip tuloy ako.

Binilisan ko talaga kumilos at agad na lumabas. Paglabas ko, nakita ko si Karylle at Cedrick na nagkukwentuhan sa kotse.

Still, I Love You 3000 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon