Chapter 29:Still Waiting For Our Dreams

12 0 0
                                    


Krizza's POV

"Alam mo, dito ko gusto ikasal. Kung maikakasal tayo," sabi ko kay Cedrick Habang hitak hitak siya papasok sa Gate ng simbahan. Tumigil siya kaya tumigil din ako.

"Wag kang mag alala, dito tayo ikakasal. Wait lang, bago tayo pumasok sa simbahan, picture muna tayo!," masayang sigaw ni Cedrick kaya nag picture taking muna kami.

"Kuya, pwede po bang pakuhanan ninyo kami ng picture?," tanong ko sa lalaking nakaupo dito sa may tabi namin. Pumayag  naman siya.

Nakakahiya mna pero kinikilig ako dahil nagustuhan na din ni Cedrick na mag picture kaming dalwa.

"1...2...3...,smile!,"sabi ng lalaki kaya niyakap ko si Cedrick at nag smile.

" Kuya, madaming pictures ha! Pwede po ba?, "nahihiya Kong tanong sa lalaking to na may dala dalang helmet.

" Pwedeng pwede po. Kinikilig nga po ako sa inyo eh! Sana all may jowa!,"natatawa niyang sagot kaya napangiti kami ni Cedrick.

Uso talaga ang sana all. Pasensya na ha pero sana all no more na ako, hehhe

"1....2...3...,smile!,"sigaw uli ng lalaki. Binuhat ako ni Cedrick kaya sa picture ay sobrang saya namin. Nag pose pa siya na nagpo propose siya sa akin sa pangatlong picture taking.

Nagtinginan sa amin ang mga tao. Nahihiya na may halong  sobrang saya ko sa mga oras na yun. Bakit ba ang swerte ko sa kanya!?

"Tumayo ka na nga diyan, baka isipin ng mga tao, nagpo propose ka NG tunay! !," sabay hitak ko sa kanya.

"Nakaluhod ako dito sa harap mo at sa harap ng simbahan. Ano? Magpapakasal na ba tayo?," parang baliw na sabi ni Cedrick. May pagkaseryoso ang boses niya pero may tawa sa dulo. Bargas nito!

"Ha?? Sayo nga ako Magpapakasal! Kailan mo ga gusto?," natatawa Kong tanong sa kanya pero seryoso padin ako. Nakaluhod parin siya sa akin kaya hinihitak ko siya para tumayo.

"Kiss muna!," parang bata niyang sabi kaya lumuhod din ako kaharap siya.Parehas na kaming baliw ngayon. Tumawa kaming dalwa. Hinalikan ko siya ng mabilis tapos tumayo na kaming dalwa.

Pag si Cedrick talaga ang kasama ko, parang nawawalan ako ng hiya, hahaha. Baliw kaming tumayo.

"Magiging asawa ko na to!," sigaw ni Cedrick sa crowd kaya nagpalakpakan ang mga taong nakatingin sa amin. Niyakap ko nalang si Cedrick at hinampas siya dahil sa kalokahan niya pero kinikilig ako!

"I want you to be my  husband!," sigaw ko din. Nagngitian lang kaming dalwa. Kinikilig parin talaga ako sa tuwing nagkakatinginan kaming dalwa. Enebe!Para lang kaming Elementary na kilig na kilig pag tumitingin si crush, haysst

"Ito na po ang phone ninyo. Marami pong pictures yan! Congrats po sa inyong dalwa!," masayang ibinalik sa amin ng lalaki ang phone ko.

"Thankyou. Ipagdadasal ko na sana magka girlfriend ka na!," sabi ni Cedrick sa lalaki bago umalis. Kumaway lang siya sa amin bago umalis.

"Pasok na tayo sa bahay ng Diyos!," anyaya ko kay Cedrick. Masayang pumasok na kami sa simbahan.

"I love you, Krizza," bulong ni Cedrick Habang naghahanap kami ng bakanteng mauupuan.

"I love you more, Cedrick," bulong ko din sa kanya.

Tahimik kaming nakinig sa misa.Ang dami sa simabahan kaya Nakakatuwa.

Thankyou Lord for giving Cedrick in my life. Thankyou for the people who sorrounds me.Thankyou.Your plan is always the best!

"Ang ganda ng simbahang to," bulong ni Cedrick kaya napatango ako. This is the best place talaga.

Still, I Love You 3000 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon