CHAPTER 3

1.6K 54 0
                                    

Napakurap kurap ako. Confused with the name the woman just called me.

She's pretty and familiar, I also assume she's kind but the thing is... I don't know her.

"Thalia.." ulit nito kasabay ng bahagyang paglapit. I know she's pertaining to me, wala namang ibang tao rito bukod saming dalawa.

Napaatras naman ako. "Uh, Miss... You're mistaken. Hindi ako yung Thalia na tinutukoy mo, I'm.. Lily." kahit ako ay parang naiba ang naramdaman ng bigkasin ang pangalan.

Lily...

Minsan, nakakalimutan kong Lily ang pangalan ko pero sabi ni nanay dulot lang daw ito nung aksidente ilang taon na ang lumipas, malakas daw ang impact nun sa katawan ko most especially in my head dahilan para malimutan ko ang tungkol sa nakaraan. Kaya hindi ako sanay pa noon kung tatawagin akong Lily.

"Hindi! Hindi ako nagkakamali! Ikaw 'yan! Kahit ilang taon na ang lumipas at kahit... nabulag ako, hinding hindi ko makakalimutan ang boses mo at nararamdaman ko sa tuwing malapit ka--"

"Pasensiya na, Miss. Pero nagkakamali ka lang talaga!"

I don't want to be rude. Pero nakaramdam ako ng sakit ng ulo nung ipagpilitan niya saking ako daw yung... babae.. na Reyna? Iniwanan ko ang babaeng 'yon doon, naglakad ako palabas ng silid at nagpalinga linga kung saan ang daan papunta sa pulong.

Sobrang laki ng palasyo, pwedeng maligaw ako kung ipipilit kong hanapin kung saan nagpupulong sina nanay.

Naupo nalamang ako sa isang silyang gawa sa ginto, parang nakakahiyang umupo ang mahirap na tulad ko sa ganito kamahal na bagay. Kung pwede lang bumalik sa silid na iyon, pero ayaw ko makita 'yong babae.. para kasing may ibang idudulot siya sakin, nararamdaman ko iyon.

Isang oras yata akong naghintay, nakita ko pa ang mumunting sulyap ng mga dumadaang nakaitim na tao. Sobrang creepy nila as they gaze my way. Mas lalo akong kinikilabutan habang may nakakatitigan akong tao rito.

I sighed in relief when I saw my parents not so far. Humakbang ako papalapit sa kanila, nakita kong malamig ang muka ni nanay na may kunting pagsisisi. Nilingon ko si tatay, ganoon rin siya... I wonder why?

"How's the meeting with the King, po?" I asked gracefully to enlighten the mood.

Kahit natatakot ako sa paraan ng titig sakin nung Hari kanina, hindi parin maikakailang siya ang Hari! The most respected person in this town, San Martin Dela Costa.

Honestly, hindi naman talaga ako naniniwala sa mga gani-ganito, pala-palasyo... pero noong isang buwan ko lang nalaman when I accidentally heard my parents talking about this palace kaya ayun, I initiated to come with them!

Pero di ko naman alam na ganito pala ka-weirdo ang mga tao rito!

"Dito na muna tayo maninirahan, pansamantala." sambit ni tatay nang makalabas kami sa palasyo.

Ngayon ko lang natanto kung gaano kalaki ang kahariang 'to! Napakaswerte ng mga namamahala kung ganitong sobrang laki at tapat pa marahil ang mga nasasakupan! Oh, How I dreamt to manage a kingdom, What's the feeling.... pero malabo  'yon.

The Mighty Luna✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon