CHAPTER 7

1.1K 55 1
                                    

Matagal akong napatitig sa babae. Binalot kami ng katahimikan, purong buntong hininga lang ang naririnig. The cold wind pushed aside some strands of my hair.

Napaisip agad ako. Kung alam niya kung sino ang may pakana ng lahat.... She should report it to the authorities! This is insane, bakit hindi niya sinabi ang lahat bago pa lang nawala ang Reyna?

"Dapat sinabi mo ito sa kinauukulan, o sa awtoridad lahat ng nalalaman mo!" I said.

Maagap siyang umiling. "Hindi kailanman pumapanig o maniniwala ang kataas-taasang posisyon sa tulad kong... katulong lamang. Walang maniniwala!"

Kumunot ang noo ko. "Each of us has the freedom of speech. Kaya paniniwalaan ka nil--"

"Noon iyon, sa panahong si Thalia at ang mga magulang niya pa ang namumuno. Buong lahi may karapatan, walang naagrabyado.. Bampira man o Lobo."

Natitigilan akong napatingin sa babae. Agad nanlake ang aking mga mata nang maproseso sa utak ko ang huling katagang sinambit niya. My lips parted.

"W-Wait... W-What?" I stuttered.

The hell, sabihin mong namali lang ako ng narinig! Sabihin mo!

"Lahat ng lahi may karapatan--"

"Sinabi mong B-Bampira at Lobo? Did I hear it right?" nanginig ang labi ko.

Nangunot ang noo niya. "Oo, Anong problema? Bakit mo natanong? Sandali lang...  sino ba ang mga magulang mo?"

"C-Corazon Lopez at Thomas Lopez.."

Agad nanlake ang singkit niyang mga mata, parang nagulat sa rebelasyong nalaman.

"Talaga? Lily... Ah Oo, tama! Naaalala ko, may anak nga sila pero masakitin iyon, ikaw na pala ang anak nila?" hindi makapaniwalang sambit niya.

Pero teka, paanong alam niyang ako ang anak nila nanay at tatay? At masakitin? Hindi ko natatandaang masakitin ako noon. Dulot siguro eto ng trahedya? Nakalimutan ko ang lahat.

"Uh.. Oo.. You know them?"

"Sila ang mayordomo at mayordoma ng naunang Hari at Reyna. Balita ko'y huminto sila sa trabaho dahil dinala nila ang anak sa mundo ng mga tao.. ikaw iyon.."

Mundo ng mga tao. Really? So it means... Damn! Don't tell me, that night I saw a wolf... totoo iyon? Hindi panaginip?

Nanuyo ang lalamunan ko kasabay ng panginginig ng aking kamay. Naramdaman iyon ng babae. "O-Okay ka lang ba?"

Hindi ako makasagot. Sariwa pa sa isip ko ang sinabi niya... That explains everything why I find this place weird. Yung mga naka-itim na parang kinulang sa dugo. Iyon ay dahil isa silang... Bampira? O Lobo?

The Mighty Luna✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon