Naalimpungatan ako dahil sa nararamdamang hapdi at kirot sa aking buong katawan.
Ginalaw ko ang aking kamay ngunit parang may pumipigil sa aking magawa ang gusto kong gawin.
I slightly opened my eyes. Everything was vague. Pilit kong inaalala ang nangyare kagabi. Agad sumagi sa isip ko na may mga bampirang nais akong dakpin.
Anong kailangan nila sa akin? At nasaan ako ngayon?
Naipikit ko ang aking mata nang maramdaman ulit ang hapdi na parang sinasaksak sa aking likuran. Ngayon naaalala ko na, nakipaglaban ako sa mga bampira at biglang may sumaksak sa akin sa aking likuran!
Iminulat ko ang aking mga mata. Unti-unti nang lumilinaw ang aking paningin. Nasaan ako? Anong lugar itong pinagdalhan nila sa akin? Parte pa ba ito ng palasyo? Alam ba ni nanay at tatay ang lahat ng ito?
Hindi ako makagalaw. Ngayon ko lang napansing nakatali pala ang magkabilang kamay at paa ko. Anong kailangan nila sa akin at kailangan pa akong itali ng ganito?
"AHH! Shit!" Pilit kong kinakalas ang lubid na nakatali sa aking kamay ngunit sadyang mahigpit ang pagkakagawa no'n. "Damn it!"
Nakarinig ako ng mga yapak ng mga taong paparating. Mabilis akong humiga at nagtulog tulogan. Mas lalong lumalapit ang mga yapak ng paa hanggang sa naramdaman ko nalang na nasa ilang pulgada nalang ang layo ko sa kanila.
"Magandang Araw sa inyo, Mahal na Hari..." rinig kong boses ng lalake.
Kumunot ang noo ko. Hari? Ang Hari ang may pakana ng lahat ng ito? Naalala ko kagabi, sinabi nga iyon ng isa sa mga bampira pero hindi ko inaasahang totoo talaga nga iyon.
"Natapos mo na ba ang ipinapagawa ko sa iyo?" boses ng Hari.
"Opo, Mahal na Hari. Sa katunayan, isa itong magandang balita sa inyo. Ang babaeng 'yan, na akala natin ay ang huling Reyna na si Reyna Thalia. Hindi po siya 'yon, maaaring kawangis lamang ng Reyna ngunit hindi ang babaeng ito."
Ako ba ang tinutukoy nila? Ano't bakit inihahambing nila ako kay Thalia? Sa Reyna?
Nagpatuloy ako sa pakikinig.
"Maaari mo bang patunayan ang lahat ng sinasabi mo, Matias?" ang Hari.
"Kinuhanan namin siya ng dugo. Ngunit nakapagtataka, ang kaniyang dugo ay hindi maihahalintulad sa ating lahi."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ang babaeng ito... ay hindi ang Reyna Thalia. At mas lalong... hindi siya kalahi natin! Isa lamang siyang mortal, Mahal na Hari. Kaya't nakakapagtatakang siya'y anak ni Corazon at Tomas!"
Gusto kong imulat ang mga mata at samaan ng tingin ang kung sino ang nagsalita. Alam kong ako ang tinutukoy niya subalit bakit sinasabi niyang isa daw akong Mortal?
BINABASA MO ANG
The Mighty Luna✅
General FictionWhen Thalia lost her memories, her life encountered a lot of challenges on how to cope up with her new life, along with her non biological and known parents. Curious about her past, Thalia will do everything just to regain her lost memories. And th...