"Saan ka galing? Ba't pawis na pawis ka?"
I'm so exhausted because of that high run. Hihingal hingal akong nagtungo sa kusina at naghanap ng maiinom. I fetch water through a drinking glass and immediately drink it.
Nasa isip ko parin ang muka ng lalaking iyon. It shivers the hell out of me thinking how his look intimidates me.
Ngayon pa ako nakakakita ng ganoong klaseng lalake, nakakapanlambot ng tuhod... but I can't hide the amazement I feel whenever I think about the handsome face of that man. He also seems.... familiar.
Pinilig ko ang ulo ko. Lahat nalang napapamilyaran ko. Hindi ko alam kung bakit ganito!
"Lily, may nangyari ba? Sabihin mo!" nag-aalalang wika ni nanay. Sinundan niya pala ako sa kusina.
Umiling ako. "Wala po.. uh.. a-akala ko kasi tinatawag niyo ako.. kaya.." huminga ako ng malalim. "..Tumakbo ako.."
Naningkit ang mata niya, tila hindi kombinsido sa sagot ko. Ibinalik ko ang baso sa lalagyan at hinarap siya.
"Totoo?"
"O-Opo, nay. Tumakbo lang..." I smiled, assuring her.
Nagtagal ang titig niya sakin, naninimbang pero base sa muka niya, hindi siya naniniwala. Pero kalaunan ay nakita ko ang pagbuntong hininga niya, sumusuko.
"Bukas, babalik kami ng tatay mo sa palasyo. Dito ka lang, 'wag na wag kang lalabas ng bahay." she said, strictly.
Kumunot ang noo ko. "Po? Bakit naman?"
Umiling siya bago ako hinarap. "Sundin mo nalang, Lily. 'Wag na maraming tanong!"
Kahit nalilito, tumango nalang ako kay nanay. Eksaktong dumating si tatay galing sa paghahanap ng aming makakain. Bitbit nito ay tatlong manok, nakatali ang mga paa habang dala-dala niya.
"Salamat naman at dumating ka na!" si Nanay, at naglakad palapit kay tatay bago kinuha ang mga manok na dala. "Anong gusto mong gawin dito, Lily?" nilingon niya ako.
Naglakad ako palapit sa kanila. "Uh.. Sinigang nalang po." habang nakatingin sa mga manok.
All my life, I never been cooked a dish. Wala akong natatandaang ako ang nagluto, si nanay talaga ang gumagawa noon. She just asked me what dish I would prefer to eat then she'd cook it.
Hindi ko alam kung bakit inaako nila ang mga trabaho which is supposed to be my doings. Pero hinahayaan ko nalang, bilang nag-iisang anak nila, this is their way to spoil me.
Pero malaki na ako, kung hindi nga lang ako nagpumilit na magtrabaho sa bayan noon baka hanggang ngayon nakadepende parin ako sa kanila. Heck, I'm already twenty-five, I should know how to do household chores!
"Anak, kumain kana," kasalukuyang inilalatag ni nanay ang mga plato at kubyertos sa hapag. Naaamoy ko na ang masarap na sinigang sa mangkok.
Si tatay ay nandoon lang sa sala, may kung anong ginagawa. Kumunot ang noo ko nang makitang isang plato, isang kutsara't tinidor lang ang nasa harap.
"Nay... Ba't--" Nakita siguro niya ang pagtataka ko kaya pinutol niya ang sasabihin ko sana.
"Mauna ka na, mamaya na kami kakain ng tatay mo."
"Bakit naman po? Oh come on, wala akong naaalalang araw na sabay tayong kumain, lage niyo nalang sinasabing mamaya na!"
She calmed herself down. "Kumain ka na, mamaya na kami." ayan na naman ang strikto sa boses niya.
Wala na akong nagawa kundi ang kumain. Iniwanan akong mag-isa ni nanay sa hapag, hanggang sa matapos.
Natapos ang araw na iyon ng mabilis. Dumating ang hapon at gabi, napagdesisyonan kong matulog na lang. Wala naman akong gagawin, ganoon din sina nanay at tatay.
Ngunit ilang oras na yata akong mulat, hindi parin ako dinadalaw ng antok! Ipinikit ko ang mga mata baka sakaling antukin pero hindi tumalab!
Gumalaw ako at nag-iba ng posisyon, hindi naman kalakihan ang kama na hinihigaan ko ngayon kaya hindi ako masyado makagalaw. Hinilot ko ang aking sintedo bago ipinikit ulit ang mata.
Pero nang maipikit ko na ang aking mata, ang muka ng lalake kanina agad ang bumungad sakin. He's looking at me intently that gives an unfamiliar feeling to my system.
I swallowed hard when I saw a smirk plastered on his lips. His dark yet red eyes give shiver to my spine. I can't help but to stare in his cold reddish eyes!
Agad akong napamulat. Heck, Why am I thinking that man? He's creepy like the other!
Nasapo ko ang noo. Bakit ko ba iniisip ang lalakeng iyon? Yes, he's familiar yet I don't know him. And.... Why is it I have this unfamiliar and weird feeling whenever I have him in mind?
Napatda ako sa kinahihigaan nang makarinig ng malakas na alingawngaw sa paligid.
What was that?
Tumayo ako at sumilip sa maliit na siwang ng bintana. Nanlake agad ang aking mga mata kasabay ng pagtatakip ng bibig nang masaksihan ang isang karumaldumal na bagay sa labas.
"Oh.... my.. " I uttered silently.
My knees wobbled as I witnessed how the man with a black suit there been slain violently by a.... Wolf?
Nanginig ang mga kamay ko, I felt a big lump in my throat unable myself to utter a word.
Is it... really happening?
How could it be.. possible? A wolf?
Alam kong sa sitwasyong ito, sobrang namumutla na ako! Lalo na noong masaksihan ko kung paano kitlan ng buhay ang lalake!
Muntik na akong mapatili noong unti-unti ay kumuha ang hayop ng isang matulis na bagay galing sa kung saan at itinapat ito sa leeg nung wala ng buhay na lalake, the wolf cuts the man's head off!
Agad nagsitalsikan ang mga dugo nito. Hindi pa nakuntento ang lobo, hiniwa hiwa pa nito ang buong katawan ng lalake hanggang sa magmistulang karne ng baboy. Pagkatapos, dinilaan pa ng lobo ang mga nagsitalsikang dugo sa muka niya.
I can't get my sight away from that scenario. Nanunuyo ang lalamunan ko, I think I'm gonna faint in this very moment.
Nagulat ako nang unti unting lumingon ang ulo ng lobo tungo sa kinaroroonan ko. Bago pa ito makalingon ng lubusan, agad kong tinakpan ng tela ang nakasiwang.
Bumalik ako sa kama at agad nagkumot, my knees were trembling, my hands were numb! Para akong hinahabol sa sobrang bigat ng hininga ko!
Totoo ba iyon? Narinig kaya iyon nina nanay at tatay? Nakita rin kaya nila? Shit!
No, this is just a nightmare! A fucking nightmare!
"It's just a dream... a n-n-nightmare... perhaps."
Pilit kong kinukumbinsi ang sarili na masamang panaginip lang ang nasaksihan hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
BINABASA MO ANG
The Mighty Luna✅
General FictionWhen Thalia lost her memories, her life encountered a lot of challenges on how to cope up with her new life, along with her non biological and known parents. Curious about her past, Thalia will do everything just to regain her lost memories. And th...