CHAPTER 30

925 38 3
                                    

Tanaw na tanaw mula sa kinatatayuan namin ang nagaganap na pagtatanghal sa bagong Reyna. 

Nakikita ko na sa bawat sulok ang mga kasapi namin na handa nang lumusob ano mang oras. Senyas lang ng hari ang kanilang hinihintay bago lumusob.

I'm so uncomfortable. Sean Yvo is beside me and I feel so uneasy. Nag-iiwas nalang ako ng tingin para hindi magkrus ang mga mata namin.

I breathed heavily. Pinakiramdaman ko ang paligid, bukod sa naririnig kong mga dahon ng puno at rumaragasang hangin, naririnig ko rin ang pagtatanghal.

"Let us all bow our head to the newly crowned Queen, Bridgette." anunsyo no'ng lalake sa tabi ni Marcos at Bridgette.

I rolled my eyes heavenward. Crowned Queen, my ass! Wala paring magbabago, I am still the Queen on this palace!

Nakita ko ang pagtaas ng kanang kamay ni Lord Steffan, hudyat na maaari na kaming lumusob.

Napuno ng ungol at atungal ng mga lobo ang buong San Martin Dela Costa. Nakakabingi. It's deafening I can't help but to cover my ears.

Nakaluhod pa ang mga bampira nang biglang umatake ang panghilagang pulong ng lobo.

Kami ang huling aatake kaya sa mga oras na ito ay nakatanaw lang kami sa mga kalahi kong kawawang pinaglalapa ng mga lobo.

Nakakaawa sila. Pero ayaw ko namang higitan ng aking awa ang galit na nararamdaman. Of course, they deserve it for betraying me.

"Malalakas man ang puwersa natin, hindi maitatangging mas marami ang mga bampirang sumanib kay Marcos." sambit ng Hari.

Narinig ko ang malutong na mura ni Bridgette hindi kalayuan. Nabaling ang atensyon ko sa kaniya.

"Damn it! They betrayed us. Hindi pa ito ang oras!" naaaligagang aniya habang lumalaban sa mga lobo.

Sadyang mahusay makipaglaban si Bridgette, hindi ko iyon maitatanggi, ilang lobo  na rin ang napaslang niya.

Habang ang kaniyang amang si Marcos ay pilit pinoprotektahan ng mga kawal ko noon. Fool.

Tumingala ako at nakitang sobrang kapal ng ulap, mukang uulan pa nga yata. Naikuyom ko ang kamao. Huwag naman sa ganitong sitwasyon.

"Sa dami ng bampira, nahihirapan na sila." si Sean Yvo. Nilingon ko siya. Seryoso lamang siyang nakatitig doon sa naglalabang panig.

Nakita ko ulit ang pagtaas ng hari sa kanang kamay nito, hudyat na pwede nang umatake iyong nasa mga sulok.

Lalong lumakas ang mga ungol sa paligid. Nakakalito na ang pinapanood namin. Sobrang dami na ng dugong nasa lupa.

"Mukang nakapaghanda rin ang mga bampira. Nahihirapan ang ating panig na talunin sila lalo na ngayong ilang libo pa ang kanilang bilang..." si Sed.

I nod. They're so many of them. Hundreds lang ang bilang ng panig ng lobo at ang iba ay patay na.

Sobrang nagkalat ang mga itim na dugo sa lupa at ang amoy nito ay sobrang nakakasuka.

Binuka buka ko ang aking palad. "Dumbshits! Kating kati na akong pumatay!"

The Mighty Luna✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon