CHAPTER 31

892 33 0
                                    

"Wala.."

I look away. I know he's still staring at me but I don't give a damn. No way I would admit those words.

Isa iyon sa pinaka nakakahiyang pangyayare sa near death experience ko. Damn.

"Matagal na iyon. At saka, hindi naman importante.." nilingon ko siya.

Bakas na bakas sa muka ni Sean Yvo na hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Nagkatitigan kami.

"Maaari ko bang malaman kahit para sa iyo ay hindi na importante?"

Teka, bakit parang may pinaghuhugutan siya roon? Pinilig ko ang ulo bago tinanaw ang nagkakagulong palasyo.

"Let's go. Huli na tayo," pinal na sabi ko.

Sa pagkakataong ito ay hindi niya na ako pinigilan. Ewan, pero may bumalatay na kirot sa kalooban ko. Is it normal? I don't know.

I used my sprint to enter my ruined palace. Nabato ako sa aking kinatatayuan nang makitang pulos naghihingalo na ang mga lobo rito.

Naikuyom ko ang aking palad. Tumingala ako pero lalong kumuyom ang aking kamao nang makitang sobrang kapal ng mga ulap.

Shit.

"Go and save those humans and your other consanguine."

Napatalon ako sa biglang pagsulpot ni Sean Yvo sa aking tabi. Seryoso siyang nakatingin sa mga kalahing malapit nang mamatay.

Nakita ko ang pagporma ng kuyom sa palad. He clenched his fists so tight. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit na may bahid ng... sakit?

Nakaramdam ako ng bahagyang sakit sa loob ko habang pinagmamasdan siya sa ganitong sitwasyon. Napalunok ako.

I'm about to say something when a vampire appears in front of me, ready to attack me. But in a split of second, wakwak na ang katawan noong bampira.

Tumalsik ang maraming dugo sa aking damit. I swallowed hard. Nakita ko si Sean Yvo na walang emosyong nakatitig sa dinamba niyang bampira.

Mas lalo akong napalunok. Yvo...

"Go..." nanlamig ako sa sobrang lamig ng pagkakasabi niya noon habang nakatingin sa gawi ko.

Gusto kong dumito nalang muna, parang ayaw ko siyang iwanan pero kailangan ako ng mga tao roon. I need to save them.

Sa huli ay tanging buntong hininga ang nagawa ko. Nagkatitigan kami ni Sean Yvo sa huling pagkakataon bago ako tumalikod. Nag-umpisa akong maglakad.

"Keep safe, My Mate."

Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Napalunok ako kasabay ng pagbilis ng kung anong parte sa loob ko. His voice, I won't forget how it gives shivers to me.

Nakagat ko ang labi at nilingon siya. I flash my remarkable sweet smile to him. I saw him stunned.

"You too," Tinitigan ko siya sa mata. "My Mate."

Pagkatapos ko iyong sabihin ay agad na akong tumalikod. Naramdaman ko nalang ang isang butil ng luha na lumandas sa aking pisnge.

Ngumiti ako kasabay ng pagbilis ng aking takbo. I made him realize what my feelings were, right? I hope so.

Parang kinukuryente ako sa tuwing inaalala ang maamong muka ni Sean Yvo. Pinilig ko ang ulo bago nagpatuloy.

Nakarating ako sa likod ng palasyo. Fortunately, no guard there. Pabor iyon sa akin. Lumapit ako sa isang napakalaking tarangkahan na gawa pa sa metal.

The Mighty Luna✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon