CHAPTER 8

1.1K 48 0
                                    

Kinabukasan, maaga akong nagising sa pag-aakalang panaginip lang ang lahat ng impormasyong nalaman ko.

Pero dumating ang umaga at agad isinaisip na totoo iyon. Totoong may lahi daw akong bampira.

Napabalikwas ako ng bangon nang sumagi sa aking isipan ang narinig ko sa pag-uusap ni nanay at tatay kagabi.

Thalia is Alive? Paanong alam nila na buhay nga ang Reyna? Don't tell me, nandito lang siya sa paligid nagmamasid? Pero bakit naman magtatago kung pwede naman siyang lumitaw at magpaliwanag nalang na hindi siya ang pumatay sa magulang?

Lumabas ako ng silid, nakita ko pang naghahanda si nanay ng agahan. Dumako ang tingin ko sa pagkaing hinanda niya. Ginisang gulay ang ulam namin ngayon kapares ng puting kanin.

Kumunot ang noo ko. Kung totoong bampira nga kami, bakit kami kumakain ng ganitong normal na pagkain ng tao? Oh.. Before I forgot, Ako lang pala ang pinaghahandaan nila ng ganito. Di ko pa sila nakitang kumain ng ganitong pagkain.

I wonder what they always have in breakfast, lunch or dinner? Napalunok ako nang maisip na baka... tao pala ang kinakain nila sa ilang taong paninirahan!

Tahimik akong kumakain, nagpaalam na si nanay na mauna nang pumunta sa palasyo. Kung di ko lang pansin, umiiwas siya sa posibleng tanong ko dahil sa pagtatago nila saking tunay na katauhan.

Natapos akong kumain, naligo at nagbihis. Harap ko ngayon ang di kalakihang salamin, hanggang balikat ko lang ang kita.

I stared at my reflection, examined every detail on my face. I caressed my face afterwards. "Maputi ako, pero 'di naman kasing puti nung mga taong nakakasalamuha ko dito! Hindi ako bampira."

Ibinuka ko ang aking bibig at pinagmasdan ang pantay-pantay kong ngipin. Baka kasi may tumubong pangil na pala hindi ko lang napansin.

"Rawr!" kunwaring bampira.

Nanlisik ang aking mga mata pero walang pangil na nagpakita!

"Sure. Hindi ako bampira"

Umayos ako ng tayo at pinagmasdan ulit ang aking repleksyon. Kumunot ang noo ko. "Kung bampira nga ako..." hinaplos ko ang aking mukha. "Ang gandang bampira ko naman.." I winked at  my reflection as I flipped my hair.

Natawa ako. Heck, if someone caught me laughing they might think I already lost my mind!

Nag-ayos ako ng sarili sa huling pagkakataon bago lumabas ng bahay. Isinarado ko ang pintuan at nag-umpisa nang maglakad.

Ngunit hindi pa man ako nangangalahati sa daan ay agad akong natigilan noong may nasagi ang aking mga mata.

"The nerve?" naiirita kong bulong.

The man with his black suit comfortably leaning towards a post. Nakahalukipkip siya, naka pandekwatro ang mga paa habang nakatabon ang mga mata sa itim na shade.

Sa simpleng pwesto niyang ganiyan, I conclude, lots of women may lose their undergarments just by seeing him!

Umiling ako. I should stop fantasizing him! Ngayon ko lang napagtanto, akala ko may power siya but I think it's just natural for a vampire like him o kung bampira ba siya?

Teka.. Kung bampira siya, paanong nandito siya sa labas, naarawan siya! But no sign of melting on his body.

Dumiretso ako sa paglalakad, tuloy-tuloy not minding him calling me "Hey", The nerve! Err, After that "I missed you" word from him, hindi niya alam kung gaano akong naapektuhan doon kahit wala akong ideya kung bakit! 

The Mighty Luna✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon