I opened my eyes.
Naniningkit ang mga mata sa sobrang liwanag ng paligid. Nasaan ako?
Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit inaalala ang nangyare. Ininom ko ang sariling dugo! Tapos ay bigla nalang ako nakaramdam ng pamamanhid at hindi maipaliwanag na init ng katawan.
Teka, nasan si Sean?
Iminulat ko ulit ang aking mga mata. Pinakiramdaman ko ang aking katawan, wala ni isang bakas ng sakit at hapdi.
Kumunot ang noo ko bago binalingan ang aking mga sugat. Nanlake ang aking mata nang makitang wala na akong sugat sa aking braso. Kinapa ko ang likod ngunit wala na rin akong nararamdamang sakit!
Inilibot ko ang paningin sa paligid. Ako ngayon ay nasa.. teka nasaan nga pala ako? Ang aking kinalalagyan ngayon ay isang malaking silid na pinalilibutan ng mga magagandang gamit!
Kumikinang ang sahig dahil sa crystal na nagrereflect sa ilaw ng tanglaw. Sobrang daming magagarbong gamit na makikita sa paligid na iisipin mo nalang na silid ng isang prinsesa o di kaya'y Reyna.
Anong ginagawa ko sa silid na ito? At nasaan si Sean? Paano ako nakarating dito?
"Oh come on, Grace-Fella. I don't want to attend in that ceremony! Don't push me, heck!"
Tumagilid ang muka ko nang may marinig, nanggagaling sa isang katabing silid nitong silid na ito.
Kumunot ang noo ko nang napagtantong parang... kaboses ko pa yata. Naglakad ako palapit sa silid na pinanggalingan ng boses.
"Mahal na Prinsesa, hindi maaaring hindi ka dumalo. Isang maliit na salo-salo lang iyon para sa magkabilang panig, kailangang naroon ka!" anang pamilyar na boses.
Pumasok ako sa silid at halos manlake ang mga mata nang makita ang dalawang magkausap, harap ng isang malaki at magarbong salamin na may iba't ibang uri ng pampaganda.
Ilang beses akong napalunok habang nakatingin sa bulag na babae, na ngayon ay magandang maganda at parang nakakakita pa nga! Bumaling ang tingin ko sa babaeng nakaupo na inaayusan noong babae.
I almost choked when I recognized her. "What the hell?" I cussed.
Parang nakatingin lang ako sa salamin habang nakatitig sa babae. Hindi ako nagkakamali, it's... me. She really looks like me. Kaya lang nakabusangot ang muka niya at parang malditang version ko pa.
"Grace," tawag ko pero walang sumasagot. Ni hindi nila ako nilingon. Hindi ba nila ako nakikita? "Hello?"
Hindi nila ako nakikita! Patay na ba ako? O baka... ito ang nakalimutan kong.. nakaraan..
I swallowed hard and heard their conversations.
"No way! I'm not going anywhere! Hindi ako dadalo sa salo-salo o whatso-freaking-ever ceremony is that. And Grace, how many times do I have to tell you? Cut the formality, okay? Just call me Thalia, simple as that!"
"Pero Mahal na Prin--"
"Nah!" Umirap ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
The Mighty Luna✅
General FictionWhen Thalia lost her memories, her life encountered a lot of challenges on how to cope up with her new life, along with her non biological and known parents. Curious about her past, Thalia will do everything just to regain her lost memories. And th...