CHAPTER 10

1.1K 45 2
                                    

Kumurap ako ng dalawang beses bago naproseso ang sinabi ng lalake.

Hindi ko masasabing nagbibiro lang sya dahil sa itsura niya ngayon, sobrang seryoso! Hindi mo kakikitaan ng anumang pahiwatig na nagbibiro lang sya.

Tumikhim ako, trying to suppress a laugh.  "Why would I need a protection? Wala namang nagbabanta sa buhay ko ah.." I smirked.

"You don't know. We don't know. Baka may gustong manakit sayo." He said, convincing me to believe him.

I chuckled a bit. "Why would they do that? Wala naman akong ginagawang masama,"

"Wala nga, pero kayang kaya ka nilang gawan ng masama! I won't let them hurt you."

Natawa ako sa sobrang seryoso ng muka niya.

Little did I know... "Gano'n ba?" ngumisi ako. Tumango siya. "O baka..." I smirked even more. "Sinasabi mo lang 'yan para... para mapalapit sa'kin."

"What?" kumunot ang noo niya.

"Well... hmm" nagkibit ako ng balikat. "I know that tactics, Fella. In our hometown, stalking, following or whatsoever were  man's way to express their feelings! Just like what you're doing.... May gusto ka ba sa'kin?"

Natahimik siya at matagal bago nakasagot. He stared at me, without blinking. Umismid ako.

Ang lagkit ng titig ah, feeling ko tuloy may kababalaghan na siyang iniisip.

"No." simpleng tugon nito.

Nakaramdam ako ng bahagyang pagkadismaya. He's looking at me the same cold eyes like I used to see since the first day. Bahagyang kumirot ang puso sa hindi malamang dahilan. 

"Stop chasing me, then. You're creeping the hell out of me. Stop following me, I don't need your whatsoevers!" malamig na wika ko.

Hinarap ko siya. His face softened like a tamed boyfriend from his girlfriend. "Why?"

"Why? Simple lang. Hindi kita kilala, I don't have any idea who you are. Bigla ka nalang lumilitaw sa harap ko, that's so creepy! Also.. Hindi ko kailangan ng proteksiyon against bad creatures! Wala pa namang nangahas, so far."

Bumuntong hininga siya. "I need to keep your Safety--"

"Don't need that. Atsaka, pwede ba? Wag ka nang magpakita, umiinit ang ulo ko sayo eh!" naiiritang sabi ko. Natigilan ang lalake, parang nasasaktan siya sa sinabi ko.

Tumikhim ako.

"If that's what you want, fine!" ang baritonong boses niya ay nababakasan ng hinanakit, o baka guni-guni ko lang. "But if you need help or want to ask questions. Just call my name, and I'll be there."

"Uh.. Ano nga palang--" Hindi paman ako tapos magsalita, bigla nalang siyang naglaho. "--pangalan mo?"

The Mighty Luna✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon