Salamat sa mga readers ng story na umabot dito (meron ba?) Haha! So this is it, Epilogue na. Again, thank you. Kapunka🥀
________________________
"Mom, they're here!"
Yvonne approached me while panting. Nilingon ko siya at kinunotan ng noo.
"Sino?" I asked. Ngumuso siya at tumabi sa akin sa malambot na kama. Umisog naman ako para mabigyan siya ng espasyo.
"Ang aking ama, mom. Ang aking ama." she enthusiastically said.
I took a heavy sigh. Yeah, we're expecting them here in San Martin Dela Costa.
We're gonna celebrate the victory and triumph of our palace after that bloody battle.
It's been a week since that war between San Martin Dela Costa and El Realingo happens.
Matapos naming paslangin si Bridgette at Marcos, bumalik na ulit sa sigla ang palasyo.
Marami man ang namatay sa sagupaan, dalawa lang ang dapat sisihin doon, ang mag-amang sakim.
A day after that bloody battle, El Realingo planned to celebrate with us. Pero ngayon lang ako pumayag na magdiwang kasi...
Huminga ako ng malalim. Nahihiya parin ako. Ewan ko ba. Sa lahat ng nangyare, doon lang ako nahiya ng sobra. When I confessed my feelings... ugh!
"Mom, you're not listening, e!"
Napakurap kurap ako at nilingon si Yvonne. Nasa may pinto na pala siya, I didn't notice she moved.
Umayos ako ng upo. "Hmm?"
"Sabi ko, nandito na sila! Mom, nandito na sina dad." she said, annoyed. "Get up and fix yourself, you look like a mess!"
Then she left. I was left speechless. Ngumuso ako kalaunan. Hindi ko sinasabing nagmana siya sa akin, pero parang gano'n na nga.
I sigh and get up. Tumingin ako sa salamin. I cringed when I saw my reflection.
Damn. What a mess. Sabog na sabog ang buhok ko at gusot gusot pa ang aking damit. Ngumiwi ako.
I badly need Grace for now but... I sighed. Damn you, Sed! Binakuran talaga, sino nalang ang mag-aayos sa'kin? Tss.
Wala akong nagawa kundi mag-ayos ng sarili using my ability. Matapos kong mag-ayos at magbihis, I looked again to my reflection on the mirror.
Pwede na kaya ito? I'm pretty, though. But, I don't know why I'm so conscious now for my appearance.
I shook my head. Okay na 'yan, maganda na ako. I flipped my hair, after that, I used my sprint to go outside.
Ang daming palamuti na makikita ngayon sa loob, lalo na sa labas. Bumalik na ulit ang buhay ng palasyo after decades from Marcos' hand.
Nakita ko agad ang mga royal sa mahabang lamesa na inihanda para sa pagdiriwang. They're all already seated except me.
Nagkakausap lang sila but they stopped when they saw me. Umangat ang kaliwang kilay ko at dumako ang mata sa nag-iisang upuang bakante katabi ni....
Sean Yvo.
Napansin kong naghihintay sila sa akin at sa aking pag-upo. Nang maglandas ang paningin namin ni Sean Yvo, agad akong nag-iwas ng tingin.
Bumalik ulit sa aking isipan ang near death confession ko. Ugh! As much as I wanted to forget it, I can't, whenever I thought about him. Damn.
Pero, bakit ba ako mahihiya? Eh, totoo naman talaga! Sinabi ko lang ang nararamdaman ko! Oo nga, hindi dapat ako mahiya.
BINABASA MO ANG
The Mighty Luna✅
General FictionWhen Thalia lost her memories, her life encountered a lot of challenges on how to cope up with her new life, along with her non biological and known parents. Curious about her past, Thalia will do everything just to regain her lost memories. And th...