CHAPTER 9

1.1K 50 0
                                    

"Pinakamakapangyarihang Luna? Kung siya lang ang makakapagpagaling sayo, puntahan natin siya," suhestiyon ko.

Napabuntong hininga siya at malungkot na tumitig sa kawalan. "Walang nakakaalam kung sino ang Luna. Ayon sa aklat, kadalasang pinipili na maging Luna ay ang may dugong bughaw,"

"Dugong bughaw?"

"Sila ang may pinakamataas na posisyon. Sa madaling salita, ang kadalasang nagiging Luna ay ang mga kasalukuyang Reyna."

Natahimik ako.

Kasalukuyang Reyna? Ibig-sabihin.... "So ang makakapagpagaling lang sayo ay si Thalia? Reyna Thalia, I mean..."

Malungkot siyang umiling at mapait na ngumiti. Nararamdaman ko ang sakit na nadarama niya sa mga oras na ito. I feel sorry for her.

"Wala pang itinanghal na Luna simula sa kanono-nonuan. Ang tungkol sa Luna ay isang bahagi lang ng libro na hindi pa kailan man naganap sa isang Reyna... maging si Reyna Thalia.."

Tinitigan ko ang babae. Kung wala pang nagiging Luna, ibig-sabihin hindi na rin siya gagaling? Sinabi niyang bahagi lang ng libro ang tungkol sa Luna pero hindi pa napapatunayan.

"Sa anong libro mo nabasa 'yan? Pwede ko bang mabasa kahit saglit?"

"Hindi ko alam." aniya sa maliit na boses. "Itong mga nalalaman ko ay kwento lamang ni Reyna Thalia sa akin bago siya natali sa ibang lahi,"

Kumunot ang noo ko. Natali sa ibang lahi? Kung pagbabasehan ang simpleng salita, ang ibig-sabihin ng "natali" ay "Ginapos" o "Nagapos". Pero kung malalim na salita ang ginamit, ang ibig-sabihin nito ay.... natali o nakasal sa ibang lahi?

Nakasal?

Magsasalita na sana ako pero biglang bumakas ang pinto at iniluwa doon ang nanlilisik na mata ng Prinsesa. 

"Naaamoy ko ang prinsesa." maliit na tinig ng katabi ko.

Hindi ako nakapagsalita dahil naagaw ang atensyon ko sa nakikitang muka ng Prinsesa. Pinipilit kong matakot sa kanya pero kahit kunti ay hindi ako makaramdam ng anuman.

"At sinong nagbigay sayo ng permisyon para makipag-usap sa oras ng trabaho? You lazy fucking blind!" sigaw nito ng makalapit sa babaeng katabi ko.

Napayuko ang babae saka tumayo. "P-Paumanhin po, Mahal na Prinsesa.."

"Dapat lang!" asik agad ng prinsesa. "Hindi kita pinapakain ng maayos para lang makipagchismisan sa oras ng trabaho mo!"

The Mighty Luna✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon