"Grace, Ano ba?!" I shout.
Maluha luha lang siyang nakatingin sa gawi ko. I felt nervous from what she said earlier but at the same time, confused.
"What's that noise?"
Lahat kami ay napabaling sa kakarating lang na Hari at Reyna ng El Realingo. Sean Yvo and Sed are beside the two Royals.
"Ano ang nangyare dito? At... ano.." Agad natahimik ang hari nang makita ang walang buhay at wakwak na katawan ng lobo.
"May taksil na naririto!" Sigaw ng isang lalake malapit sa amin.
Isa isa kaming nagkalingunan, sino naman ang taksil? At paano niya nasabing may taksil ngang naririto?
Kumunot ang noo ko, pansamantalang nalimutan ang sasabihin kay Grace.
"We should find that traitor." malamig na sabi ni Sed, nabaling ang paningin namin sa kaniya. Naniniwala siyang may taksil dito?
Inisa isa kong tiningnan ang mga nandito, lahat sila nakakatakot ang mga muka. Galit na galit.
"Walang bampirang makakalampas sa bakod natin bukod kay Grace at Reyna Thalia. Ibig sabihin, may nakapasok na taksil rito." dagdag ni Sed.
The crowd went on and so. Namalayan nalang namin na nasa isang pagpupulong na pala kami. Sobrang blangko ng isip ko. I'm now confused.
"We need to find that traitor as soon as possible, bago pa niya maubos ang lahi natin. Uunahan natin siya," pirming turan ni Lady Margaret.
"Start the search, now. Walang oras tayong palalampasin sa paghahanap sa traydor na 'yan. Pupulongin ko ang kawal sa ibaba para mas mapabilis ang paghahanap." si Lord Steffan.
I'm just silent the whole meeting. I'm still confused about Grace's words earlier, walang ibang pumapasok sa isip ko bukod doon.
Ano ba talaga ang ipinupunto niya sa sinabi kanina? Nangangamba na ako, ang lalim kasi ng sinabi niya. Parang may malalim na kahulugan lahat.
Her last words filled my ears. 'Dadanak ang dugo, Thalia'. Napalunok ako. Ano bang ibig niyang sabihin doon.
Nagsitayuan na ang lahat kaya tumayo na rin ako. Nasa gilid ko lang si Grace, mamaya ko siya tatanungin sa sinabi niya kanina.
We're all about to leave when an exhausted werewolf runs through our ways. Natigil kaming lahat at napabaling sa lobo na ngayon ay nag-anyong tao na.
"Mahal na reyna, Mahal na Hari. Nakita ko po ito sa bandang labas malapit sa may tarangkahan." hihingal hingal na sabi nito.
Kinuha ni Lord Steffan ang pahayagan galing sa lalake. Inirolyo niya ito at binasa ang nakasulat.
"Anong nakasulat, ama?" si Sed. Lahat kami ay naghihintay sa sagot ng hari.
Ikinagulat namin nang mabitawan ng hari ang pahayagan kaya tuloy-tuloy itong dumapo sa lupa. Sinundan ko naman ng tingin iyong sulat. Anong meron doon?
BINABASA MO ANG
The Mighty Luna✅
General FictionWhen Thalia lost her memories, her life encountered a lot of challenges on how to cope up with her new life, along with her non biological and known parents. Curious about her past, Thalia will do everything just to regain her lost memories. And th...