Angela
Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ng sigawan sa labas at mga bagay na parang binabato sa kung saan. I roamed my eyes inside the room I slept. It looks simple and tiny. Kaunti lang ang gamit maliban sa hindi kalakihang salamin na nakasabit sa dingding. Isang maliit na cabinet na mukhang wala pang damit.
Madaling araw na akong nakarating dito at mabuti pinagbuksan pa ako ni Celine. Dumeretso agad ako dito dahil ito ang itinuro niyang maging kuwarto ko. Agad din akong natulog dahil sobrang pagod ng katawan ko.
"Mahal na prinsesa—este Angela! Bumaba kana diyan at malapit ng magtanghalian!"
Tuluyan nang nawala ang aking antok sa kaliwa't kanang sigawan na naririnig ko. Hindi na ako nagtaka nang bumukas bigla ang pinto at pumasok si Celine na nakapameywang.
"Rule number one. Kailangan mong maagang gumising dahil maraming gawaing bahay pa tayong tatapusin. Pinapaalala ko lang sayo Angela, hindi ito ang buhay na iyong kinagisnan kaya sana matandaan mo. Ito ang gusto mo diba?"
Sunod-sunod akong tumango sa kanya. "Gigising naman talaga ako. Naninibago lang ako sa paligid."
"Ito ang pinili mong kahahantungan ng buhay mo kaya magtiis ka. Oh siya, bumaba kana diyan para makakain na." Tumalikod na siya bago buksan ang pinto pero muli siyang humarap sa akin. "Siya nga pala, may nasama ka yatang alaga dito."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya ngunit hindi ko na siya nagawa pang tanungin nang tuluyan na siyang makalabas ng kuwarto. Nadalang alaga? As far as I remember wala naman akong dinala.
Nagkibit balikat nalang ako bago tumayo at inayos ang aking higaan. Dederetso sana ako sa banyo nang maalala kong wala palang banyo dito at mas lalong wala akong damit. Itong suot ko ngayong t-shirt at shorts ay pinahiram lang sa akin ni Celine.
Pagbukas ko ng pintuan ay sumalubong agad sa akin ang hapagkainan. Nakaupo na si Celine at ang nakababata niyang kapatid kasama ang kanyang Nanay at Tatay.
"Hi miss ganda!"
Alanganin akong ngumiti nang tumingin silang lahat sa akin. Nakakailang man ngunit masaya ako dahil tinanggap nila ako dito sa pamamahay nila.
"Magandang umaga sayo hija. Halika na't kumain kana dito." Anyaya sa aking ni Tita Liza na Nanay ni Celine.
"Salamat po."
Tumabi ako nang upo sa nakababatang kapatid ni Celine na si Chelsea dahil iyon nalang ang natitirang bakanteng upuan. Lahat sila kumakain na habang nagkakamay. Tuyo, hotdog at piniritong Isda ang almusal nila.
"Ayaw mo ba ng pagkain miss ganda?"
Napatingin ako kay Chelsea. Pinagtitinginan na tuloy ako ng buong pamilya dahil sa kanyang tanong. Iwinasiwas ko ang aking kamay. Tanda na mali ang kanyang sinabi.
"Hindi Chelsea. Sa totoo na miss ko ang ganitong almusal. Sige kumain kana."
Nagpatuloy nalang din sila sa pagkain kaya sumunod ako. Kadalasan naman kaming nagkakamay kapag kumakain kela Nanay Prisita. Naging magana ang kain ko kahit sobrang tahimik. Siguro ganito lang talaga sila kapag kumakain. Walang nagsasalita. Seryoso din naman kasi si Tito Greg. Mamaya mamamasada na siya dahil iyon ang kanyang trabaho.
"Tulungan ko na po kayo Tita."
Matapos naming kumain ay napag-isipan kong tulungan si Tita sa paghuhugas ng plato. Kahit man lang sa pagtulong ay makabawi ako sa kanila sa pagpapatira nila dito sa akin.
"Naku hija wag na. Asikasuhin mo nalang iyong alaga mo duon. Mukhang nagugutom pa yata. Pinakain naman namin kanina."
Napakamot ako sa aking noo. Tinulungan ko nalang siya na iligpit ang mga plato bago nilapitan si Celine na nasa maliit na sala ng kanilang bahay. Si Chelsea mukhang lumabas yata para maglaro sa kaedaran niyang siyam na taong gulang.
YOU ARE READING
Black Mafia 9: Rix Navarro
Любовные романы-I live like a princess. Not until I met him and become his slave- Rix Navarro known as a typical playboy. He seldoms talk to others aside to his friends. Pero sa pagdating ni Angela Velasco, ang babaeng piniling takasan ang kanyang realidad at isan...
