Angela
"Rix!"
Mabilis akong tumawid sa kabilang kalye dahil nahinto na din ang ibang mga motorista dahil sa nangyari. Nabitawan ko ang hawak kong dalawang plastik bag nang makita si Rix.
The guy and the dog.
"Oh shit. My head hurts."
Napatakip ako sa aking bibig at napaluhod sa harap nila. Hawak-hawak ni Rix ang aso na walang alam sa nangyayari. Mabilis kong dinaluhan si Rix nang makitang hinawakan niya ang kanyang ulo.
"A-Ayos ka lang ba?"
Nag-aalinlangan ako kung hahawakan ko ba siya o hindi nalang. Sa huli ay hinawakan ko ang kanyang mukha para tingnan ang kanyang noo.
Napangiwi ako. "May sugat ka sa noo mo."
"It's okay." Inilayo niya ang kanyang mukha sa pagkakahawak ko kaya ibinaba ko nalang ang aking kamay.
Kinuha ko ang aso sa kanya at ininspeksyon din ito. Sa awa ng diyos ay hindi naman nabalian ng buto ang aso. Pero ang nagligtas nito mukhang napuruhan dahil nakita kong tumama ang kanyang ulo sa bumper ng kotse kanina.
"Sir ayos lang po ba kayo? Dadalhin ko po kayo sa hospital."
Bumaba ang driver ng kotse na sa tingin ko ay minor de edad. Napalingon ako kay Rix nang tumayo siya at umiling.
"I'm okay. This is just a little scratch. Just be careful next time."
Tumayo na din ako habang hawak ang aso ko. Napakagat ako sa aking labi dahil alam kong nagsisinungaling si Rix. He seems not fine at all. Napapangiwi siya habang hinahawakan ang sugat sa kanyang noo na nagiging violet na.
"Sigurado ba kayo sir?" Tanong muli ng driver. Namumutla ito dahil sa nangyari.
"Yes. Gagamutin ko nalang ang sarili ko sa bahay."
Bahagyang nanlaki ang mata ko nang marinig ko siyang nagsalita ng tagalog. I know he's a Filipino because of his eyes. It's pure black and also his skin. Nakakapanibago lang na marinig ko siyang nagsalita ng tagalog. He looks.. hot.
"Pasensya na po talaga kayo. Hindi ko napansin yung aso na tumatawid."
"That's fine. Sa susunod mag fucos kana ulit sa daan. Mukha ka pa namang minor de edad."
Paulit-ulit na humingi ng tawad ang binata na paulit-ulit din naming pinapatawad. Nakisali na din ang guard pero pinigilan na ito ni Rix. Hanggang sa umalis siya kasabay ng pag-alis ng mga tao sa paligid. Binitbit ko ang dalawang plastik bag kanina sa isang kamay nang makitang naglakad na paalis si Rix.
"Rix sandali lang!"
Parang wala man lang siyang narinig at dere-deretso lang sa paglalakad patungo sa parking lot ng store na nasa bandang gilid. Napanguso ako at binilisan ang paglalakad kahit mabigat ang dala ko.
"Bingi ka ba?! Sabing hintayin mo ako! Ang bastos mo talaga—"
Napahinto ako sa pagdada nang huminto siya malapit sa kanyang kotse. Nilingon niya ako at sinamaan ng tingin.
"My head is fvcking hurt so don't shout. Mas pinapasakit mo lang ang ulo ko."
Pinigilan kong hindi mapanguso sa kanyang sinabi. "G-Gusto ko lang namang magpasalamat sayo. T-Tsaka kung gusto mo, gagamutin na din kita sa bahay. Malapit lang naman yun dito."
Sinabi ko yun nang hindi nakatingin sa kanya. Ang sama-sama kasi ng tingin na para bang ilang segundo nalang sasakmalin na niya ako.
Napahigpit ang hawak ko sa dalawang plastik bag ng mapansin kong naglakad siya palapit sa akin. Kumahol si Rix habang kumakawag ang kanyang buntot. Hindi ko na nagawang umatras nang tuluyan na siyang makalapit sa harapan ko. Sa sobrang taas niya ay napayuko ako. Mataas naman akong babae pero sadyang mas mataas siya. Hanggang kili-kili niya lang ako kung magtatabi kami.
YOU ARE READING
Black Mafia 9: Rix Navarro
Romans-I live like a princess. Not until I met him and become his slave- Rix Navarro known as a typical playboy. He seldoms talk to others aside to his friends. Pero sa pagdating ni Angela Velasco, ang babaeng piniling takasan ang kanyang realidad at isan...
