CHAPTER 10

1.8K 57 0
                                        

Angela

"Hoy, yung customer mo naghihintay."

Napaigtad ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Celine sa aking tabi. Agad kong nginitian ang isang customer na mukhang kanina pa ako hinihintay dahil masama na ang mukha. I nervously gulp. Ilang araw na akong ganito at hindi ko alam kung paano ibabalik ang dati kong sarili.

Why the hell he said those words? Gusto niya akong maging alipin niya? Of course I said yes rather than a no. Kahit gawin niya akong alila, tatanggapin ko basta't hindi lang niya sabihin sa parents ko kung nasaan ako. 

Nang mawala ang customer sa paningin ko ay napabuntong hininga ako. Mabuti nalang at wala na din si Celine dito sa tabi ko kaya hindi siya magtatanong kung napano ako. But knowing her. Kapag kaming dalawa nalang ang magkasama, paniguradong tatanungin niya ako.

I didn't saw Rix in two days now. Huling nakita ko siya ay nang magkasama kami sa parke. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng gusto niyang gawin ko ay maging alipin pa niya ako. Ganyan ba siya sa mga babae? O sadyang ito yung sinasabi niya he'll punish me?

Mabilis akong umiling para mawala siya sa isip ko. Nag fucos nalang ako sa trabaho dahil dumarami na ang customers. Malapit na kasing mag lunch kaya naging busy na din kami.

Nauna ng kumain ang iba pa naming mga kasama bago kami ni Celine. Pareho kaming  tahimik habang tinatahak namin ang daan patungo sa restaurant.

Iginiya kami ng waiter sa pandalawahang lamesa saka kinuha ang order namin. Nasa gilid kami ng bintana kung saan tanaw ang magandang tanawin sa labas.

"Sabihin mo nga sa akin Angela. May problema ka ba?"

Napatingin ako kay Celine dahil sa sobrang seryoso ng kanyang boses. Kahit kinakabahan ay ngumiti ako sa kanya.

"Wala naman—"

"Kakasimba mo lang nuong nakaraang linggo pero nagsisinungaling kana? Diba sabi ko sayo kapag may problema ka sabihin mo sa akin. Tungkol na naman ba ito kay Angelic? Nilait kana naman ba niya?"

Kahit papaano ay lumawak ang ngiti ko sa pag-aalala niya sa akin. "Wala namang kinalaman dito si Angelic. Sanay sa ako sa katulad niya. Sadyang matalim lang talaga ang dila ng babaitang yun."

"Eh ano nga ang problema mo? Tsaka bago mo sabihin na wala kang problema, siguraduhin mong hindi ka mahahalata. Mukha mo palang na parang pinagsakluban ng langit sobrang halata na." Pabiro pa niya akong inirapan na tinawanan ko lang.

Kalaunan ay naging seryoso din ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Mas makabubuti kasing wala siyang alam. Ayokong mas pinag-aalala siya. Mairaraos ko din ito.

"Miss ko lang yung naiwan kong pamilya. I wonder if how are they?" Instead I said those words.

Totoo namang miss ko na sila. Sadyang hindi ko lang talaga kayang sabihin sa kanya ang totoong dahilan kung bakit ako nagkakaganito. I already decided na ako at si Rix lang ang nakakaalam sa kasunduan naming dalawa. Ayokong pag-aalalahanin ang pamilya ni Celine. Ayokong maging problema nila ako.

"Kung miss mo naman pala, magtiis ka. O bumalik kana lang para lagi mo na silang kasama."

Lihim akong napangiti sa sinabi niya. "Gusto mo ba talaga? Hindi mo ba ako mami-miss?" Pang-aasar ko pa sa kanya.

Hinampas niya ng mahina ang braso ko. "Tumahimik ka nga. Hindi kita mami-miss noh. Baka si Chelsea oo."

Tinawanan ko nalang siya dahilan para mapasimangot ang kanyang mukha. Hindi nga pala vocal si Celine sa kanyang totoong nararamdaman. Pero ipinapakita naman niya ito. Hindi nga lang niya derektang nasasabi.

Black Mafia 9: Rix NavarroWhere stories live. Discover now