EPILOGUE

2.8K 78 7
                                    

Angela

I know there is no perfect family in the whole world. Lahat may pagkukulang o kaya naman kamalian. Pagsisisi at galit. But for me, I'm contented on what I have right now. Akala ko hindi pa ako makokontento sa kung anong meron ako. Pero nang dumating siya, sila, duon ko nalamang perpekto na ako.

Wala na akong hahanapin pa bukod sa kanila. Wala ng mas sasaya habang pinapanood silang tumatawa. Wala na akong mahihiling pa bukod sa kasiyahan nila.

"Ready?"

Nag-angat ako ng tingin nang pumasok si Rix sa kuwarto. Inaayusan ko pa kasi ang malikot naming anak na si Yna. Three years old at sobrang kulit. Pero kahit ganyan siya, mahal na mahal namin siya ng daddy niya.

"Susunod nalang kami. Malapit na ako dito." Sagot ko sa kanya.

"Where are we going by the way dad?" Pahabol na tanong ng aming anak nang akmang lalabas na si Rix.

"In your favorite place baby."

Napasinghap pa si Yna dahil sa sinabi ng kanyang ama. "Beach!"

Pinandilatan ko ng mata si Rix dahil mas lalo lamang naglilikot ang anak namin. May patalon-talon pang nalalaman kaya wala na sa ayos ang buhok niya.

"Lumabas kana. Susunod na kami sayo." Pagtataboy ko sa kanya. Narinig ko pa ang paghalakhak niya bago tululuyang lumabas ng kuwarto.

Hinawakan ko naman ang anak ko sa balikat para pumirmi sa kanyang kinauupuan.

"Yna, stop it. Gusto mo bang mas tumagal pa tayo dito? Diba you want to go in the beach?" Tanong ko.

Sunod-sunod siyang tumango. "Yes mommy. I really want to."

"Then behave. Patapusin mo muna si mommy para makaalis na tayo."

Tumango siya sa akin kaya tinapos ko nalang ang pag-aayos ng buhok niya. Ewan ko ba kung saan nagmana itong si Yna sa kakulitan. Wala naman akong naalala na pinaglihi siya sa bulateng binudburan ng asin para hindi mapirmi sa kinauupuan.

Well, hindi ko naman maitatangging makulit din ako noon. Pero malay ko ba sa ama niya? Baka sa kanya pala nanggaling yun.

Nang matapos ako sa kanyang buhok ay pinulbuhan ko lang kanyang mukha. Nakuha ni Yna ang kulay ng mata ko pero karamihan ay namana niya sa kanyang ama. Mula sa makakapal na kilay, makapal na pilik-mata, matangos na ilong at mapupulang labi.

Minsan napapaisip ko na bakit parang ang unfair naman? Ako yung naghirap magluwal tapos kamukha lang pala niya ang ama niya? Sa bagay, parang pinaglihian ko kasi si Rix noon.

"Okay, were done. Let's go."

Kinuha ko muna ang maliit niyang back pack saka ito isinabit sa kanyang likod. Naka terno kaming mag Ina ng dress na bulaklakin. Kulay dilaw ito at parehong spaghetti. Sa ama naman niya ang polong bulaklakin din na kulay dilaw na pinaresan ng khaki shorts.

Paglabas namin ng bahay ay naabutan namins siya sa garahe na inaayos ang gamit sa back compartment. Napatigil din siya sa kanyang ginagawa nang makita kaming dalawa.

"Wala kaba talagang balak mag invite? Sure akong magtatampo sila Tita at Tito kapag nalaman nila ito." I said referring to his parents.

"Daddy, carry me!"

Yumuko naman siya para buhatin ang kanyang makulit na anak. Kung ipagtatabi silang dalawa, aakalain mong girl version ni Rix si Yna. Pasalamat nalang sa kulay ng kanyang mata kaya hindi sila napagkakamalan.

"Gusto ko munang tayo-tayo lang. Pwede naman akong bumawi sa susunod na taon." Sagot niya habang pinipigilan si Ina na hinihila ang kanyang buhok.

Black Mafia 9: Rix NavarroWhere stories live. Discover now