CHAPTER 29

1.6K 47 2
                                        

Angela

"Happy birthday Kuya!"

Malapad ang ngiting sinalubong ako ni Kuya ng yakap nang makarating ako sa kanilang bahay kasama sila mom at dad. But no worries, maraming inatasan si dad na nagbantay sa paligid para masiguro ang kaligtasan namin pati narin ang mga ibang tao dito.

It's just a simple party for Kuya. Hindi naman mahilig ng magarbong handaan sila except sa kanilang mga debut. Mga makalapit na pamilya lang at close friend ang imbitado.

"Thank you bunso. Akala ko hindi kana makakapunta. Kayo nila Tito at Tita." Aniya nang kumalas ako sa pagkakayakap.

"Palalagpasin ba namin ang birthday mo? Siyempre hindi."

"Happy birthday hijo." Singit ni mommy na nakalapit na pala sa akin kasama si daddy.

Balak ko sanang ayain si Noah kaya lang may tinatapos pa siyang trabaho para sa gaganapin na project. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang nangyari sa restaurant ilang araw na ang nakakaraan.

Kahit anong pikit at paglimot ko sa kanyang itsura nung araw na yun, hindi ko parin makalimutan. Kahit sa pagtulog binabagabag parin ako.

He looks.. really hurt. Pero ayokong maniwala. Dahil una palang may mahal naman siyang iba. Ayoko ng magpakatanga ulit dahil baka sa pagkakataong ito, hindi ko na alam kung paano bubuuin ang sarili ko.

Palagi kong isinisiksik sa utak ko na nasasaktan siya sa ibang dahilan. Nagseselos siya sa ibang dahilan pero hindi ko kayang paniwalaan. Pero kailangan. Dahil pagnagkataon, ako parin ang masasaktan sa huli.

Hinayaan ko nalang sila mom at dad duon na kausapin si Kuya saka ako dumeretso sa kusina. Balak ko sanang tulungan si Nanay kaya lang, isang tao ang nakita ko duon dahilan kung bakit nanlaki ang mata ko.

"Celine!"

Napasinghap din siya katulad ko nang makita niya ako. Naibaba niya ang hawak niyang sandok at tumakbo patungo sa akin.

"Angela! Haliparot ka!"

Imbes na mainis sa kanyang sinabi ay napangiti nalang ako at sinalubong ang kanyang mahigpit na yakap. Malaki ang ngiting pinagmasdan ko siya nang kumalas kami sa isa't isa.

"Grabe, parang mas gumanda ka yata!" Eksahedera niyang sabi habang pinagmamasdan ang kabuuan ko.

"Wag mo akong bolahin ngayon. Marami kang ikukwento sa akin tungkol sa love life mo."

Nangunot ang kanyang ilong pero hindi niya naitago ang pamumula ng kanyang pisngi. "Tsk. Wala kana dun. Personal na yun 'no!"

Natatawang niyakap ko ulit siya. "Hay, na miss kita ng sobra."

Sa huli ay napangiti na din si Celine. "Na miss ko na din yung kaplastikan mo."

Napahalakhak ako sa kanyang sinabi dahil alam ko namang hindi yun totoo. Nag-usap pa kami saglit bago namin napagdesisyonan na tulungan si Nanay na hindi ko napansin kanina.

Si Nanay lang ang taga luto habang kami ni Celine ay tagahiwa ng nga sangkap na kailangang gamitin. Hindi din yun nagtagal dahil kaunti nalang ang niluto ni Nanay at yung iba ay nakahain na sa lamesa.

Tinulungan muna namin si Nanay na dalhin ang mga pagkain sa lamesa kung saan nanduon na din ang iba pang mga bisita.

Nakita ko din duon sila Tita at Tito na mga magulang ni Celine. Gust ko sanang mag sorry sa kanila dahil sa pagpanggap ko pero mamaya nalang dahil busy pa kami.

Matapos ang lahat ay nag lead muna ng prayer si Nanay para kay Kuya bago namin siya kantahan ng happy birthday. After that, kanya-kanya ng kuha ng ulam at kanin para kumain.

Black Mafia 9: Rix NavarroWhere stories live. Discover now