Angela
"Nag date kayo ni Aldro?" Tanong ko kay Celine nang nasa locker room kami ng mini Mart.
Naging mailap ang kanyang tingin sa akin dahil sa aking tanong. Maaga kasi kaming nakauwi kahapon ni Rix dahil gusto kong tumulong kay Tita. Sobra nga akong nag-enjoy sa beach kahit tampisaw lang ang ginagawa ko.
Pagdating ko kasi sa bahay kahapon, hindi ko naabutan si Celine sa bahay at ayon kay Tita, may nilakad daw ito kasama si Aldro. That's why mas lalo akong nanghihinala sa kanilang dalawa.
"Ano bang sinasabi mo diyan? Kami? Mag de-date?" Tumawa siya ng sarkastiko pero nanatiling stoic ang mukha ko.
Napansin yata niya iyon kaya natahimik siya at tumigil sa pagtawa. "Walang saysay kung magsisinungaling ka sa akin. Sinabi ni Tita na lumabas ka kasama si Aldro."
Pinaningkitan ko siya ng mata matapos kong sabihin yun. Gusto kong matawa sa kanyang itsura na namumutla at hindi mapirmi ang paningin. Parang nagkabaliktad kami ng sitwasyon ngayon. Imbes na siya ang bumubunganga sa akin, ngayon ako naman.
Napabuntong hininga na lamang siya kapagkuwan ay sinalubong ang aking tingin. "Fine. Nililigawan ako ni Aldro."
Literal na nanlaki ang aking mga mata kasabay ng pag-awang ng bibig dahil sa kanyang sinabi. Who would have thought na tama naman talaga ang hinala ko? Na may namamagitan sa kanilang dalawa.
Napakurap-kurap ako nang maka recover sa pagkagulat. "Kailan pa?" Tanong ko pa sa kanya.
"Kamakailan lang. Tsaka bakit ba ako lang ang tinatanong mo? Kayo ba ni Rix? Saan kayo nagpunta?"
Nginisihan ko siya sa pag-iiba niya ng topic. Halatang hindi niya gustong pinag-uusapan ang sa kanila ni Aldro. Kung makapag advice sa akin tungkol sa love life, wagas. Pero ngayon lumalove life na ang lola niyo.
"Nag drive thru kami tapos pumunta sa beach. Libre niya lahat kaya sino ako para tumanggi?" Nginitian ko siya pagkasabi ko nun at lumabas na ng locker room.
Narinig ko pa siyang bumubulong bulong pero hindi ko alam kung ano. Nagsimula na kaming magtrabaho dahil may mga customers ng dumadating. Hindi na din ulit kami nagkausap ni Celine dahil naging busy siya.
Though, I'm happy for the both of them. Noon pa man may napapansin na akong kakaiba sa kanilang dalawa. Bagay sila at alam kong sila ang magkakatuluyan hanggang sa huli.
Nginitian ko ang isang customer na nagtanong sa akin. I was about to turn my back when I heard a very familiar voice.
"Angela?"
Mabilis akong lumingon sa kinaroroonan ng boses. Napasinghap ako kasabay ng panlalaki ng mata nang makita ko kung sino ito.
"Johanna? Anong ginagawa mo dito?"
Mabilis ko siyang hinila papunta sa parte kung saan walang masyadong tao. He looks so gorgeous right now! Mas tumangkad at sumeksi siya kaysa noon. She's my bestfriend way back in highschool ti'll now. Nag migrate ang family niya sa America at wala siyang choice kundi sumama sa kanila at duon mag-aral kaya napahiwalay kami.
"Should I be the one to ask that question? Anong ginagawa mo dito? God! I miss you so much!"
Mahigpit kaming nagyakapan sa isa't isa bago kumalas. Malaki ang ngiti ko sa labi dahil nakita ko siya dito pero kinakabahan din dahil baka may sabihin siya sa parents ko.
"I miss you too! Bakit hindi mo ako kinontak na uuwi kana pala dito?" Tanong ko pa sa kanya.
"I tried to call you but it seems you chnage your number. Sinubukan din kitang ikontak through social media accounts mo pero deactivated kana. What happen ba kasi? May nangyari ba? Bakit ka nandito?"
![](https://img.wattpad.com/cover/241964414-288-k440309.jpg)
YOU ARE READING
Black Mafia 9: Rix Navarro
Romance-I live like a princess. Not until I met him and become his slave- Rix Navarro known as a typical playboy. He seldoms talk to others aside to his friends. Pero sa pagdating ni Angela Velasco, ang babaeng piniling takasan ang kanyang realidad at isan...