CHAPTER 15

1.6K 41 0
                                        

Angela

"Ang laki ng ngiti natin 'ah? May maganda bang nangyari?"

Napa-angat ang tingin ko kay Celine galing sa pagwawalis dito sa labas nang magsalita siya. Nginitian ko lang siya ng mas maluwag. Hindi ko din alam kung bakit pero simula nung gabi na sinorpresa ako ni Rix ay hindi na mawala ang ngiti sa labi ko. It's been three days but it seems that it happened yesterday. Sariwang-sariwa parin sa isipan ko ang nangyari ng gabing yun.

Hanggang ngayon nga ay hindi parin ako makapaniwala na nagawa niyang mag research para gawin lamang iyon. And it seems it worked. Dahil kahit pansamantala, nawala sa isipan ko ang problema na kinakaharap ko ngayon.

"Bawal na bang ngumiti ngayon? Masaya lang naman ako kaya ako ngumingiti. Bakit ba?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Kasama ko siya ngayon dito na nagwawalis sa labas dahil maraming tuyong dahon na kailangan naming linisin. Hindi naman siya nagreklamo dahil wala din naman siyang gagawin sa loob.

"Alam mo ang weirdo mo. Sa totoo lang weirdo ka naman palagi. Para ka kamong baliw diyan na ngumingiti mag-isa tapos hahagikhik. Malala kana Angela. Tuluyan ka na talagang nabaliw."

Inirapan ko nalang siya at nagpatuloy sa pagwawalis. I bit my inner cheek to stop my self from smiling. Hayy. Baliw na nga siguro ako kagaya ng sinabi ni Celine dahil ngumingiti nalang akong mag-isa. Pero bakit ba? Masaya lang naman talaga ako.

"Anong plano mo ngayong rest day? Mag de-date ba ulit kayo ni Aldro?" Tanong ko sa kanya na may paghalong tukso.

Lihim akong natawa nang makita ko siyang namula. Kinuha ko ang dust pan para ilagay duon ang mga tuyong dahon.

"B-Bakit ba unang pumasok sa isip mo ay mag date kami? Kayo ba ni Rix walang plano ngayon?"

Nginisihan ko siya. "Bakit iniiba mo ang usapan? Tama ako 'no?"

Sinamaan lang niya ako ng tingin pero tinawanan ko lang siya. Tinapos nalang namin ang pagwawalis dahil malapit naman kaming matapos.

Hindi ko alam kung anong plano ko ngayon dahil hindi naman ako sinabihan ni Rix kung may pupuntahan ba kami. Ite-text lang naman niya ako para ipaalam sa akin kung may lakad kami.

Wala din naman akong planong mag groceries dahil kaka-grocery lang ni Tita nung nakaraan.

"Angela! Angela!"

Napatayo ako ng tuwid at nilingon si Ditdit na humahangos na lumapit sa akin. Habol pa niya ang kanyang hininga kaya hinayaan ko muna siya. Napakunot ang noo ko. Bakit parang nagmamadali yata siya? May masama bang nangyari?

"Kumalma ka lang. Hinga ng malalim." Sabi ko sa kanya na hinihingal parin.

"Anong sadya mo dito at parang nagmamadali ka yata?" Tanong ni Celine na nasa tabi ko.

Huminga ng malalim si Ditdit saka ako kinausap. "May darating na pageant dito sa baranggay sa fiesta. Kung gusto mo, sumali ka. May ibubuga ka naman at mukha ka namang matalino. Malaki ang makukuha mong premyo kapag ikaw ang nanalo. Kakasabi lang kahapon ni Kap ang tungkol dito kaya sinabihan agad kita. Plano ko sana kagabi pero nakatulog na ako."

Napaisip ako sa kanyang sinabi. Pageant dito sa baranggay? Hmm. It looks interesting. I've been in a pageant when I was in college. Dalawang beses lang akong nakasali nun at ako palagi ang nananalo. Why not try it here? Hindi naman masama at mukhang mag e-enjoy ako.

Nakangiting tumango ako kay Ditdit na naghihintay sa magiging sagot ko. "Sige ba. Saan ba pwedeng magpalista?"

Napatili si Ditdit sa sinabi ko. "Sasamahan kita kung gusto mo. Sa sekretarya ni Kap tayo magpapalista."

Black Mafia 9: Rix NavarroWhere stories live. Discover now