CHAPTER 26

1.4K 46 2
                                    

Angela

"Be careful anak."

Tumango ako kay mommy na ilang ulit na yatang akong pinagsabihan na mag-iingat. Katabi niya si dad na nakaakbay sa kanya at marahang hinahaplos ang balikat para kumalma.

It's been two days since the firing incident happened. Hindi na muna ako pinagtrabaho ni dad kinabukasan at mas dinoble niya ang security sa loob at labas ng bahay.

Hindi ko na din muna inistorbo si Noah dahil ayokong mapahamak siya. Kahit dalawang araw na ang nakakalipas ay hindi parin mawala dito sa puso ko ang takot at kaba. Pero dapat kayanin ko. Para sa pamilya ko at kompanya.

I softly smile at my mother. "Wag kang mag-alala mom, may kasama naman akong mga body guards na itinalaga ni dad para sa proteksyon ko."

"But still hija, be careful. Kung maari wag ka munang masyadong lumabas ng kompanya para mapanatag ang kalooban ko. Ng daddy mo."

Nakakaintinding tumango ako. "I will mom. Mag-ingat din kayo ni daddy dito."

"Call us if you need help okay?"

Tumango ako kay dad bago ko sila halikan sa pisngi at lumabas ng bahay. Namuo na naman ang kaba dito sa aking dibdib pero pinilit kong iignora yun. May kasama naman akong tatlong body guards at ayon kay daddy ay eksperto na sila sa pakikipaglaban. Kahit papaano ay napanatag ako. Simula kasi nang malaman ko ang tungkol sa threat ng pamilya namin ay hindi ko na maiwasang mangamba. Mabuti nalang talaga at umuwi ako dito para matutukan ko sila mom at dad.

Kahapon pa natapos ang proseso para sa turn over kaya ako na ngayon ang bagong CEO ng Velasco Empire. Mas mabuti na din yun para hindi na lumabas si dad sa bahay para iwas pahamak na din. Si mom naman ay sanay ng manatili sa bahay at mag bake nalang.

Habang bumabiyahe ay kinuha ko ang aking cellphone para tawagan sila Kuya Phill. Miss na miss ko na sila. Lalo na si baby Rix na nasa pangangalaga na ngayon ni Kuya.

Napabuntong hininga ako nang maalala na naman ang pangalang yun. Mabilis kong ipinilig ang aking ulo at dinial ang numero ni Kuya. Makalipas ang ilang ring ay sinagot na niya ito.

"Hello? Sino 'to?" Sagot niya sa kabilang linya.

Sa tingin ko ay kakagising palang niya dahil na rin sa kanyang boses. Mukhang hindi niya tiningnan ang caller ng kanyang phone kaya hindi niya alam na ako ang tumatawag. Sa bagay, masyado pa kasing maaga.

"Ako ito Kuya Phill. Si Angela." Kalmado ang boses na pagpapakilala ko.

"Ah, Angela. Teka—Angela?!"

Nailayo ko bigla ang telepono sa aking tainga sa kanyang sigaw. Kapagkuwan ay binalik ko din ito.

"Ano ka ba Kuya. Pwede namang hindi ka sumigaw. Nakakaistorbo ba ako sayo?"

"Naku. Sorry. Hindi ka naman nakakaistorbo sa akin bunso. Bakit ka napatawag? Na miss mo ba ang gwapo mong Kuya?"

Mahina akong natawa sa huli niyang tanong. Pero totoo namang na miss ko si Kuya dahil ilang araw na akong hindi nakakabisita sa kanila.

"Sobrang na miss kita Kuya. By the way, nandiyan ba sila Tatay at Nanay? Gusto ko silang makausap."

"Sure. Sure."

Narinig ko pa sa background ang tunog ng pagbukas sara ng pinto. Sa tingin ko lumabas na si Kuya papunta sa kusina dahil ilang minuto lang ang nakakalipas ay narinig ko na ang boses ni Nanay sa kabilang linya.

"Angela anak? Kamusta kana? Ayos ka lang ba? Narinig ko kay madam ang nangyari diyan sa inyong bahay." Bakas sa boses niya ang pag-aalala dahilan para mapangiti ako.

Black Mafia 9: Rix NavarroWhere stories live. Discover now