CHAPTER 13

1.6K 49 0
                                        

Angela

"So ano na?"

Kumunot ang noo ko sa tanong ni Celine. Rest day namin ngayon at nagbibihis ako ng desenteng damit dahil maya-maya ay susunduin na ako ni Rix dahil sa usapan namin. Hindi ko nga lang alam kung bakit dito nakatambay si Celine. Pero mukhang alam ko na dahil sa tanong niya.

Nilingon ko siya habang inaayos ang pagka messy bun ng buhok ko. "Anong ano na? Pwede ba deretsuhin mo ako? Hindi ko alam ang sinasabi mo."

Napa-asik siya sa aking sinabi at sinirangan pa ako ng mata. "At pwede ba wag kang mag maang-maangan? Ano ng ganap niyo ni Rix? Palagi pa talaga kayong magkasamang kumain ng lunch huh?"

Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya at inabala nalang ang aking sarili sa harap ng salamat. We've been busy this past few days kaya hindi nakapagtanong sa akin si Celine. Pero ngayong rest day namin, may pagkakataon siya para tanungin ako.

"Libre lang daw niya yun sa akin. Hindi ko naman mahindian yung tao dahil wala naman siyang ginagawang masama sa akin kaya pumayag ako. Wala namang mali diba?"

Since that day ng pag-uusap namin ay palagi na akong tinitreat ng tanghalian at dinner ni Rix. At sino ba naman ako para hindian ang kanyang offer? Mas mabuti na nga yun para may malaking pera pa akong itatabi para sa groceries dito sa bahay.

"Wala ngang ginagawang masama, sa ngayon. Paano nalang sa susunod? Next week, next month, o kaya next year? Paano nalang kung ang intensyon pala niya sayo ay masama kaya niya yun ginagawa?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin.

Gusto kong sabihin sa kanya ang totoong dahilan ng kanyang sinasabi pero hindi pwede. Kung matagal ko ng sinabi sa kanya ang katotohanan at baka matagal na din niyang naiintindihan ang nangyayari ngayon. Pero hindi talaga pwede. I don't have the guts to tell her the truth.

Huminga ako ng malalim at nilingon siya. "Celine, hindi mo na kailangang sabihin yan dahil pinapakisamahan ko lang yung tao.  Kung ang intensyon naman pala niya sa akin ay masama, sana noon pa niya ginawa sa akin. Playboy si Rix. Kapag gusto niyang mapasakanya ang babae, matagal na siyang gumawa ng paraan para mapasakanya ako. Pero wala siyang ginawa. Maybe he just want to make friends with me." Mahinahon ang boses na sabi ko sa kanya.

Gusto kong kahit papaano ay makita naman ni Celine ang kaunting kabutihan na meron si Rix. Kung hindi nga dahil sa kanya, wala na ngayon si baby Rix.

Usually kasi kapag masama ang isang tao, hindi na nila nakikita ang mabuting side nito. Ang mabuting ginawa nito. Kasi mas naka pukos sila sa masamang ginawa nito. Which is unfair. Kaya yung mga ibang masasamang tao ay walang balak na magbago dahil ang tingin parin ng iba sa kanila ay masama.

Tumayo siya sa pagkakaupo sa kama at tinitigan ako sa mata. "Angela, alam kong matino kang babae at may pinag-aralan. Pero sinasabi ko sayo, marupok din tayo pagdating sa mga lalaking katulad ni Rix. Kung hindi ko lang kayo kilala, noon ko pa inakalang may tinatago kayo." Pinaningkitan pa niya ako ng mata ng sabihin niya yun.

Kahit may sumibol na kaunting kaba sa aking dibdib dahil sa huli niyang sinabi ay nginitian ko parin siya. "Diba sabi ko sayo pagkatiwalaan mo ako kahit ito lang? Just trust me. Hindi ako lalagpas sa linya." Makahulugan ko pa siyang tiningnan.

Napabuga siya ng marahas na hiningi kapagkuwan ay nilapitan ako at tinapik sa braso. "Matigas ang ulo mo. Kapag umuwi ka ditong luhaan dahil sa lalaking yun, tatawanan talaga kita."

I chuckled on what she said. "Asahan mong hindi ka tatawa kapag umiiyak akong umuwi dito dahil hindi iyon mangyayari."

She just rolled her eyes to me. "Maniwala ka sa akin Angela. May sumpa ang bawat salitang sinasabi ko."

Black Mafia 9: Rix NavarroWhere stories live. Discover now