CHAPTER 5

1.7K 59 0
                                    

Angela

"Basta tandaan mo lang palagi ang sinabi ko sayo okay? Para iwas gulo na din."

Panay lang ang tango ko kay Celine habang ipinapaliwanag niya sa akin ang dapat at hindi dapat kong gawin sa loob ng bar. Wala naman akong balak suwayin siya o kaya hindi siya sundin dahil iyon naman ang makabubuti sa akin. Tama lahat ng kanyang sinabi at para iwas gulo na din, ako na mismo ang iiwas.

"Ayos lang ba talaga na iwan ko si Rix sa locker room natin sa mini Mart? He might be lost or someone might take him away from me. Wala akong balak na bumalik at hindi siya kasama."

Tinapik niya lang ang balikat ko. "May tiwala ako kay manager. Tsaka may pagkain namang nakahanda na kay Rix kaya hindi na yun aalis. Tulog mantika ang asong yun kaya wag ka ng mag-alala."

Pilit akong kinukumbinsi ni Celine pero hindi ko parin maiwasang kabahan. Alam ko namang mabait si Rix pero minsan pa naman may pagkapasaway ang asong yun. Next time talaga hindi ko na siya isasama. Ihahabilin ko nalang siya kay Tita dahil mas safe siya duon.

"Oo na. Oo na." Sinang-ayunan ko nalang siya dahil wala paring tigil ang kanyang pagdada.

Nasa dressing room kasi kami ng bar para hintayin si manager Ray at para na din nakausap siya ni Celine tungkol sa pagtatrabaho ko dito. The bar looks really fame. Mula dito sa kinaroroonan ko ay dinig na dinig ko ang sigawan at hiyawan ng mga tao habang malakas ang tugtog ng stereo.

Alas siyete kinse palang ng gabi pero sobrang dami na ng tao sa bar. Indeed a famous one. Malaki ang bar kaya paniguradong marami ding tao sa loob. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan dahil dun. But I think again what Celine told me about. Kailangan kong mag-ingat.

"Good evening manager Ray!"

Napatayo ako bigla dahil sa biglaang pagsigaw ni Celine. Tumayo din siya at sinalubong ang isang bakla na may dalang pamaypay at niyakap ito.

"As always. Maganda ka parin katulad ko Celine. Anong maipaglilingkod ko sayo my dear?"

I stand still while watching at them. Hindi man siguro maldita itong tinatawag nilang manager Ray? He looks good naman at pakiramdam ko mabait siya.

"May kasama ako. Pinsan ko nga pala si Angela."

Ngumiti ako ng tipid sa manager nang tumingin siya sa akin. "Good evening."

Naglakad palapit sa akin ang bakla kaya unti-unting nawala ang aking ngiti. Pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa at umikot pa sa akin.

"Mag a-apply ka?" Tumaas ang mataas na niyang kilay kaya napalunok ako. Mukhang nagkakamali ang hinala ko kanina.

Bago pa man ako makasagot ay naunahan na ako ni Celine. "May bakante pa ba sa waitress? Wala kasing trabaho itong pinsan ko kaya isinama ko na. Pwede naman diba manager?"

Tiningnan pa ako nito ng ilang sandali kaya nginitian ko siya ng tipid. Lumingon muli siya kay Celine habang nakataas parin ang kilay. Hindi ba siya nangangalay? O sadyang sanay na siya?

"Maaasahan ba yang pinsan mo?"

"Oo naman! May pinag-aralan po yang pinsan ko kaya kayang-kaya niya yan. Diba Angela?" Pinandilatan pa ako ng mata ni Celine kaya agad akong sumagot.

"Yes. Kung pwede nga po maging bartender ako nitong bar. K-Kung may bakante po."

Mas lalong nanlaki ang mata ni Celine sa sinabi ko. Nakapag decide na ako. Magiging bartender ako imbes na waitress dahil kahit papaano may alam ako sa pagiging bartender. Kung magiging waitress ako, pwede akong makasalamuha ng ibang tao na posibleng kilala ako.

Black Mafia 9: Rix NavarroWhere stories live. Discover now