Angela
"Sabihin mo nga sa akin. May something ba kayo ni Rix?"
Mabilis kong sinamaan ng tingin si Celine habang inaayos ko ang aking uniporme sa mini Mart. Hindi ko alam kung bakit nakatambay siya ngayon dito sa kuwarto. Pero ngayon mukhang alam ko na ang dahilan.
"Wala akong sasabihin sayo dahil wala naman kaming something."
Umikot ang mata ko nang magtama ang paningin namin sa salamin. Sinusuklayan ko din kasi ang buhok ko habang inaayos ang aking damit.
Kahapon lang nangyari ang pagsagip ni Rix sa aso ko at pag aakusa ni Tita na nobyo ko siya. Hanggang sa makuwi siya ay hindi na talaga ako lumabas ng bahay dahil alam kong marami na namang makikichismis sa nangyari. Mga judgemental, mga epal at laitera.
Habang kumakain nga kami ay puro si Tita lang ang dada ng dada. Mabuti nga at pagkauwi ni Rix ay siyang pagdating ni Tito. Naku, mahirap na.
"Eh ano yung sinabi ni Nanay na dito daw siya nananghalian? Ui Angela sinasabi ko sayo ah. Wag na wag kang magpapaloko sa lalaking yun. Binabalaan lang kita. Alam ko ang likaw ng bituka ng mga lalaki katulad niya. Kapag sawa na sila sayo, itatapon kana lang nila na parang basura."
Tinapos ko muna ang pag suklay ko bago siya hinarap. Nakaupo kasi siya sa kama ko.
"Hindi ko naman talaga kinakalimutan ang lahat ng sinabi mo, Celine. Tsaka, dito lang naman yun nananghalian dahil ginamot ko siya." Sagot ko sa kanya.
Napatigil siya sa pagtingin-tingin sa kuwarto ko at pinaningkitan ako ng mata.
"Sa pagkakaalam ko may kamay naman ang Rix na yun. Bakit pa kailangang ikaw ang gumamot sa kanya? Hindi kaya.. may gusto ka sa kanya?!"
Ibinato ko sa kanya ang una kong nahawakan na bagay na isang pulbo pala. Pinaikutan ko lang siya ng mata para itago ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi sa hindi malamang dahilan.
"Pwede ba? Tigilan mo na nga yang kalokohan mo. Alam kong may kamay si Rix pero kailangan ko yung gawin para na din pasalamatan siya."
"Pasalamatan saan?"
Humugot ako ng malalim na hininga at naupo sa tabi niya. "Muntik na kasing masagasaan yung aso ni Kuya. Kung wala siya duon, paniguradong wala na akong maiiuwi na aso kapag bumalik ako. Tumama kasi ang noo niya sa bumper ng kotse kaya para pasalamatan siya, ako na mismo ang gumamot sa kanya."
Naalala ko na naman tuloy ang huli niyang sinabi sa akin bago ako tuluyang hinila ni Tita para maluto. He mouthed 'I'll punish you'. For what reason? Wala naman akong ginawa sa kanyang masama. Naipaliwanag ko din naman kay Tita ang katotohanan na muntik pa niyang hindi paniwalaan.
Kung galit siya dahil nagkasugat siya sa pag ligtas sa aso, sana hindi nalang niya iniligtas. Hay, ewan ko sa kanya. Dinaig pa ang buntis sa mood swings.
"Ah, ganun pala yun? Teka, matanong nga kita. Ano ba talaga ang totoo mong dahilan kaya ka nagpunta dito? Sigurado ka bang alam ng parents mo na nagpakalayo-layo ka muna?"
Malalim akong napabuntong hininga sa tanong niya. I wonder kung kamusta na kaya sila duon? Hindi naman porke't tinakasan ko ang responsibilidad ko ay hindi na ako nag-aalala sa kanila. Lalo na kay mom at dad. Paniguradong alalang-alala sila sa akin.
"I don't want to take the company. Palaging iginigiit ni Dad na kailangan ko na itong i-handle dahil malapit na siyang mag retire. Alam mo namang nag-iisa lang akong anak. He told me that he wants to give me time so I could think. Then aksidente kong narinig ang pag-uusap nila Kuya Phill at Kuya Loren kasama sila Nanay at Tatay na pinoproseso na ni Dad ang turn over ng kompanya sa akin. Kapag nailipat na yun, wala na akong kawala. Hindi ko na ito magagawa at palaging trabaho nalang ang aatupagin ko. Kaya nagpakalayo-layo muna ako. And don't worry, alam ni Dad ito. Pero hindi niya alam kung nasaan ako."
YOU ARE READING
Black Mafia 9: Rix Navarro
Romance-I live like a princess. Not until I met him and become his slave- Rix Navarro known as a typical playboy. He seldoms talk to others aside to his friends. Pero sa pagdating ni Angela Velasco, ang babaeng piniling takasan ang kanyang realidad at isan...
