R-18
Angela
"Hoy, ayos ka lang?"
Nag pilit ako ng ngiti kay Celine nang makita niya ako dito sa kusina. Umiinom ng alak para kahit papaano mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Pero wala namang epek. Bumabalik-balik lang sa isipan ko ang mukha niya kaninang nasasaktan.
Sa totoo lang, hindi ko siya maintindihan. Hindi ko maintindihan kung bakit niya yun sinabi. Kung bakit nasasaktan ko daw siya ulit. Sa pagkakatanda ko naman hindi ko siya sinaktan. Baka nakakalimutan niyang siya ang nanakit sa akin kaya lumayo ako.
Hindi ko din maintindihan ang sarili ko. Pakiramdam ko lumambot yung puso ko kanina habang nakatingin sa kanya. Pero kasi, mali ito. Sobrang mali. May mahal na siyang iba at wala akong balak na maging kabit niya. Natuto na ako noon, hindi ko na uulitin ang nangyaring kahihiyan sa buhay ko dahil sa kanya.
"Mukhang hindi ka okay. Ayos ka lang ba talaga?" Tanong muli ni Celine nang matahimik ako.
Marahas akong napabuntong hininga at nilagok ang alak. Napangiwi ako ng konti nang bumalatay ang kakaibang hapdi nito sa lalamunan ko.
"Sa totoo lang, hindi ako okay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naguguluhan ako."
Naasabunot na lamang ako dahil sa frustration. Bumibigat yung ulo ko sa dami ng problemang kinakaharap ko yun. Dumagdag pa yung sinabi niyang mas lalong nagpagulo sa akin.
Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Ano bang nangyari kaya ka ngayon naguguluhan? Tungkol ba ito kay Rix?" Tanong pa niya sa akin.
Napasandal ako sa sink sa tabi niya. "Paano kung sabihin ko sayong oo?"
Napalingon siya sa akin kung kaya't tiningnan ko siya. Halatang nagulat siya pero alam kong inaasahan na niya ito.
"Ano ba kasing nangyari?" She ask.
Nag-iwas ako ng tingin bago bumuntong hininga. "Naguguluhan ako sa ipinapakita niya. N-Nagkausap kami kanina sa garden. Alam kong narinig niya ang usapan namin ni Noah. Tapos bigla nalang siyang nagtanong kung gusto ko ba daw si Noah. Alam naman niyang kaibigan ko lang siya. Tapos ayun, bigla nalang siyang umiyak sa harapan ko. He said I'm hurting him again. Eh alam naman niyang sa aming dalawa, siya yung nanakit sa akin."
Napapikit ako ng mariin nang maalala ko na naman yung mga panahon kung kailan kami masaya. Kung kailan wala kaming iniisip na iba. Pero kalokohan kang pala yun. Ilusyon at pilit niya akong pinapaniwala.
Nagsalin muli ako sa baso ng alak at inisang lagok ito. Hindi ko alam kung nakakailang baso na ako pero hindi pa naman ako natatamaan. Gusto ko munang magpakalasing ngayon.
"Okay, medyo naguguluhan din ako. Hindi ko naman kasi alam yung totoong istorya ninyong dalawa. Pero bakit hindi mo siya pakinggan?"
Umiling ako sa kanyang sinabi. "Ayoko. Hindi ko kayang marinig ang paliwanag niya. Masasaktan lang ako kapag nalaman kong totoong niloko niya lang ako noon at pinaglaruan."
Wala talagang alam si Celine tungkol sa totoong nangyari maliban nalang na niloko ako ni Rix at nasaktan ako. Hindi niya alam na ginamit lang niya ako at pinaglaruan. Hindi alam ni Celine kung sino yung babaeng mahal ni Rix kaya niya yan nasasabi ngayon. Naiintindihan ko naman siya pero ayoko. Ayoko munang makipag-usap sa kanya.
"Ikaw ang bahala. Basta sinasabi ko sayo, lahat ng problema at pasakit, may rason yan. Buksan mo naman kahit papaano yang puso mo. Alam kong may kaunti pang pagmamahal diyan sa puso mo para kay Rix."
Napalunok at natigilan ako sa huli niyang sinabi. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kanyang sinabi. Posible pa kaya? Pero hindi. Kung meron pa man, kailangan ko itong pigilan dahil mali ito at para na din sa akin. Para sa ikabubuti ko.
YOU ARE READING
Black Mafia 9: Rix Navarro
Romance-I live like a princess. Not until I met him and become his slave- Rix Navarro known as a typical playboy. He seldoms talk to others aside to his friends. Pero sa pagdating ni Angela Velasco, ang babaeng piniling takasan ang kanyang realidad at isan...
