Angela
Second turns into minutes. Minutes turns into hour. Hour turns into days. And days turns into weeks. Wala parin pagbabago. Naghihintay parin ako sa taong hindi ko alam kung babalik pa ba. Ang taong sinaktan ko, iniwanan ako at hindi man lang hinayaan na pakinggan ang paliwanag niya.
Kahit miss na miss ko na siya, hindi ko parin maitatangging naiinis ako sa kanya. Akala ko ba mahal niya ako? Akala ko ba kailangan ko pang marinig ang paliwanag niya? Pero bakit ganito? Bakit mas pinili niyang iwan ako?
Ilang linggo na ang nakakaraan pero pakiramdam ko taon na ang bilang nito. Bawat segundong lumilipas palagi siyang nasa isip ko. Bawat segundo nag-aalala ako sa kanyang kalagayan. Bawat minuto mas na mi-miss ko na siya.
Kung alam ko lang sana kung saan siya eksaktong nasa Amerika, pupuntahan ko siya. Kahit malayo, basta makita ko lang siya, sapat na sa akin.
"Hija, kumain ko muna."
Pagod kong tiningnan si mommy nang pumasok siya sa kuwarto dala ang pagkain ko. Ilang araw na akong ganito. Nananatili sa kuwarto at ayaw lumabas. Hinahatiran na lamang ako ni mommy ng pagkain dahil hindi ako bumababa. Si daddy naman ang pansamantalang namamahala sa kompanya. At kahit sandali lang, gusto ko munang mapag-isa.
"Ilagay niyo lang po diyan mom." Turo ko sa bedside table.
Sinunod naman niya ang sinabi ko at nilagay ang pagkain sa side table. Naupo siya sa kama at pilit na ngumiti sa akin habang hinahaplos ang buhok ko. Nakahiga kasi ako habang nakaharap sa kanya.
"Anak, alam naming nasaktan ka. Pero wag mo namang kalimutan yung sarili mo. Nangangayayat ka na dahil konti lang ang kinakain mo. Hindi kana lumalabas ng kuwarto mo kaya nag-aalala na din ang daddy mo."
Napabuntong hininga ako. Alam ko namang nag-aalala silang lahat sa akin dahil sa kalagayan ko. Palagi din kasi akong nakakatanggap ng text galing sa mga Kuya ko kung kumusta na ako. Sinasabi ko namang ayos lang ako pero ang totoo, hindi ko alam.
"A-Ayoko munang pag-usapan yan mommy." Halos pabulong kong sabi.
Gusto ko nalang matulog. Nitong mga nakaraang araw wala akong ibang ginawa kundi matulog ng matulog. Hinahayaan naman nila ako dahil alam nila kung ano ang pinagdadaanan ko.
Napabuntong hininga siya saka niya ako halikan sa noo. "Fine. But I want to see you eat. Alam kong kapag lumabas ako ng kuwarto mo, baka hindi ka kumain o baka konti lang ang kainin mo."
Dahan-dahan akong tumango sa kanya. Maingat akong umupo sa kama saka kinuha ang tray ng pagkain. Scrambled egg, fried rice, bacon, hotdog, at mainit na gatas ang breakfast ko.
Kinuha ko ang kutsara at akmang susubo ng kanin nang manuot sa ilong ko ang kakaibang amoy. O mas tamang sabihin na mabahong amoy.
"May masama ba anak? Ayaw mo ba nito? Sabihin mo lang at ipagluluto kita ng bago."
Umiling-iling lang ako sa kanya bago ulit amuyin ang friend rice. Pero sa pagkakataong ito ay sumama ang sikmura ko kaya dali-dali akong tumakbo patungo sa banyo at duon sumuka ng sumuka.
Puro tubig lang ito dahil wala naman akong ibang kinain. Naramdaman ko ang kamay ni mommy na hinahaplos ang likod ko habang nagpupunas ako ng aking bibig.
"Ayos ka lang ba anak? Hindi mo ba nagustuhan yung niluto ko?"
Umiling ako sa tanong ni mommy bago tumayo. Pakiramdam ko nanghina ang buo kong katawan kahit sumuka lang ako.
"A-Ayos lang po ako. Hindi ko lang gusto yung amoy ng fried rice. P-Pwede po bang paki-alis nalang yun? Mabaho po kasi." Sagot ko sa kanya.
Nagtataka naman ang mukha ni mommy habang nakatingin sa akin. "Okay. Maghintay kana lang dito. Aalisin ko lang yung fried rice."
YOU ARE READING
Black Mafia 9: Rix Navarro
Romance-I live like a princess. Not until I met him and become his slave- Rix Navarro known as a typical playboy. He seldoms talk to others aside to his friends. Pero sa pagdating ni Angela Velasco, ang babaeng piniling takasan ang kanyang realidad at isan...
