CHAPTER 28

1.6K 54 2
                                        

Angela

Cold treatment. Iyon ang ginagawa ko sa kanya sa ilang araw na pagiging body guard niya sa akin. Madali lang naman akong kausap. Kung napilitan lang naman pala siya, hindi na sana niya tinaggap ang alok ni dad at binigay ito sa iba. Minsan sumasagi sa isip ko na walang isip si Rix. Imbes na wala siyang trabaho, pinahirapan pa niya ang sarili niya.

But who cares? Pinili niya yun kaya magdusa siya. That's why I didn't talk to him in three days now. Bahala siyang mabaliw sa katahimikan. Tutal sanay naman siya, edeh lubis-lubusin na niya.

I'm busy too in my work kaya wala talaga akong time na kausapin siya at wala din akong balak. Inaasikaso ko kasi ang gagawin kong project sa bayan nila Celine. Mamayang lunch ay may meeting ako sa CEO ng kompanya na siyang magiging supplier ng mga materyales na kailangan sa ipapatayo kong mall.

After that is a conference meeting about the project I want to build.

"Ito na po ang hinihingi niyong report sa mga materials na kailangan ng mall at budget nito. Kayo na po ang bahalang mag approve kung ayos lang ba yan sa inyo maam."

Tumango ako kay Allan bago kinuha ang report na pinagawa ko sa kanya. "Thank you."

Tumango lang din siya sa akin bago lumabas ng opisina. Itinabi ko muna ang binigay niyang report sa akin at pinirmahan ang mga papeles na hinatid kanina ng mga assistant ng each director's ng company.

I sigh and massage my head. Ngayon alam ko na kung paano naghirap si dad bilang CEO ng kompanya. Paano nalang kaya nung mga panahon na nagsusumikap sila ni mommy para magpatayo ng kompanya? Mas mahirap pa siguro sa inaakala ko.

I sigh again. Mas malalim kaysa sa nauna. Hindi ko alam pero na gui-guilty ako sa ginawa kong pag-alis at hinayaan si dad na siya ang mag handle ng kompanya. Now I know how hard they did to reach this state of life. Mas lalo tuloy akong naging proud sa mga magulang ko.

Naputol lang ang pag-iisip ko ng malalim nang may maglapag ng kape sa lamesa ko. Nag-angat ako ng tingin sa taong naglapag ng kape sa lamesa ko. Bahagyang kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

"Anong ginagawa mo?"

He cleared his throat and stand still. "Offering you a coffee."

Napairap ako. Ang pilosopo parin pala niya talaga. "What I mean is, bakit mo 'to ginagawa?"

Tinitigan ko siya gamit ang walang emosyon kong mga mata. Sa loob ng tatlong araw, ngayon lang yata ulit kami nagkausap.

"You look so stressed. Coffee is a stress reliever." Kaswal niyang sagot habang nakatitig sa akin.

I swallowed the lump in my throat. Ngayon ko lang yata siya tinitigan ng ganito katagal. He has a stubbles on his jaw and he looks matured on it. Pero ang isip parang bata. Susog ng isip ko na sinang-ayunan ko.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin at napatitig sa coffee na binigay niya. Mainit-init pa yun dahil umuusok pa. Totoong stress reliever ko ang coffee pero hindi ko matatanggap ito. I just don't.

"Ikaw nalang ang uminom nito. Wala akong gana at baka matabig ko pa." Matabang na sagot ko bago pinagpatuloy ang pag pirma.

Ilang sandali pa ay kinuha niya ang kape sa lamesa ko at dinala ito palayo. I tried not to look at him but I can't. Sumunod ang tingin ko sa kanya hanggang sa mini kitchen ng opisina ko. I saw him sigh and pour the coffee in the sink.

Hindi ko alam kung bakit pero nanikip nalang bigla ang dibdib ko. Nagtagis ang bagang ko at binalik at bumalik sa pag pirma ng mga papeles.

There's no other reason kung bakit ko yun nararamdaman. Sadyang nasasaktan lang talaga ako kapag nakikita ko ang pagmumukha niya.

Black Mafia 9: Rix NavarroWhere stories live. Discover now