Angela
"Hoy! Ano bang nangyayari sayo? Bakit ganyan ang mukha mo? Tsaka, para kang balisa."
Ilang ulit akong napakurap-kurap nang mapansin kong nasa harapan ko pala si Celine. Linggo ngayon kaya wala kaming trabaho. Tinutulungan lang namin ang kanyang Nanay sa gawaing bahay para maaga kaming matapos at makapag simba na.
Nasa kuwarto ako ngayon at naglilinis. Hindi ko man lang namalayan na pumasok pala siya sa loob. I smiled at her.
"Ayos lang ako. Wag ka ng mag-alala."
"Sigurado ka?" Nagdududa pa niyang tanong.
Nilawakan ko ang aking ngiti kahit pilit. "Oo nga. Ayos lang ako. Kulit mo talaga."
"Para kasing iba ang awra mo ngayon. Parang hindi ka mapakali nitong nakaraang araw. May ginawa ba si Rix sayo?"
Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang marinig ang pangalan na kanyang binaggit. Muli ay sumibol ang kaba sa aking dibdib dahil naalala ko naman ang kanyang sinabi sa akin noon sa bar.
Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya nun pero alam kong hindi. Alam ko ding hindi pa siya lasing nun dahil hindi pa siya umiinom. Totoong nakilala nga niya ako bilang si Angela Velasco.
Hindi na ulit kami nagkausap matapos nun na pinagpapasalamat ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya dahil ang totoo, pinangunahan ako ng takot na baka kilala niya ang magulang ko at maaari niya itong sabihin sa kanila.
Ilang araw na din kaming hindi nagkikita kaya nababahala ako. Malay ko ba, baka sinabi na niya pala sa parents ko kung nasaan ako nang hindi ko nalalaman.
I really need to talk to him.
"Wala namang ginawa si Rix sa akin. Bumalik kana nga lang duon sa labas. Tulungan mo si Tita." Pagtataboy ko sa kanya.
Aayusin ko pa kasi ang mga damit ko na kabibili ko lang. Ang maliit kong kuwarto noon na walang laman ay unti-unting nagkakalaman. Bumili ako ng mumurahing furnitures para mapaganda naman itong kuwarto ko.
"Oh siya, maiwan na muna kita dito. Basta sabihin mo lang sa akin kapag may problema ka, okay?"
Ngumiti at tumango lang ako sa kanya. Nang mawala siya sa paningin ko ay siyang pagkawala ng aking ngiti. Malalim akong napabuntong hininga at napaupo sa aking kama.
Ayokong magtago ng sekreto kay Celine pero wala naman akong magagawa. Knowing her, kapag nalaman niya ang tungkol dito, kakausapin niya agad si Rix at alam kong hindi ko siya mapipigilan.
Mas mabuti na sigurong ako nalang ang kumausap sa kanya para magkaintindihan kami at maipaliwanag sa kanya ang dahilan kung bakit ako nandito.
"Kailangan ko talaga siyang makausap."
Ilang minuto pa akong napatitig sa kawalan bago tumayo at ginawa ang dapat kanina ko pa ginawa. Nilinis ko lang ang aking kuwarto at maayos na isinalansan ang mga gamit. Inayos ko din ang kobre kama ko dahil nagusot ito.
I wiped my sweat using the back of my hand and smiled. Ayos na ang kwarto ko. Kahit simple at maliit, nagmukha namang mas maganda dahil sa simpleng design na binili ko.
"Angela kakain na!"
Mabilis kong pinunasan ang aking pawis nang marinig ko ang boses ni Celine sa labas. Inipon ko ang lahat ng aking lalabhan dahil ayokong may ibang naglalaba sa personal kong mga gamit. Kahit sa mansiyon o sa bahay nila Nanay. Ako palagi ang naglalaba ng mga damit ko.
"Hi ate Angela. Sasama ka ba mamaya na magsimba?"
Tumango ako sa tanong ni Chelsea nang makalabas ako. Umupo ako sa kanyang tabi at nginitian siya.
YOU ARE READING
Black Mafia 9: Rix Navarro
Romance-I live like a princess. Not until I met him and become his slave- Rix Navarro known as a typical playboy. He seldoms talk to others aside to his friends. Pero sa pagdating ni Angela Velasco, ang babaeng piniling takasan ang kanyang realidad at isan...
