Angela
"Handa kana ba?"
Kinakabahan man ay tumango ako sa tanong ni Celine. Nandito kami ngayon sa gymnasium ng baranggay dahil dito gaganapin ang pageant. Noon ko pa ito pinaghandaan pero hindi ko parin maiwasang kabahan. It's been so long since I tried this one. Nasa school pa ako nun pero alam ko naman sa sarili ko na kaya ko ito.
Naging busy din kami kanina dahil sa malaking handaan na ginanap sa bahay. Dalawang lechon ang niluto ni Tito at hindi pa kasali dun ang niluto ni Tita. Maraming tao kanina sa bahay kaya sobrang busy namin. Halos hindi ko nga nahawakan ang phone ko dahil sa sobrang busy.
"Kanina pa ako handa. Hindi ko lang talaga maiwasang kabahan." Sagot ko naman kay Celine habang inaayos niya ang buhok ko.
Nandito kami sa backstage ng gym kasama ang iba pang mga kandidata. Si Chelsea ang taga-pamaypay sa akin dahil sobrang init dito sa loob. Base na din dami namin dito.
"Ayos lang yan. Alam ko namang sanay kana sa ganito diba?" Tanong pa niya.
Tumango ako. "Matagal-tagal na din kasi akong hindi nakasali sa ganitong paligsahan. Kinakabahan ako na nae-excite."
Nagtawanan pa kaming tatlo sa sinabi ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakakarasan ng ganitong pakiramdam. Siguro dahil iba ang pagkakakilala ng mga tao dito sa akin.
"Kaya mo yan Ate Angela. Sigurado akong mapapanalo ma 'to. Sa ganda mong yan?"
Napangiti ako sa sinabi ni Chelsea sa akin. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Panghuli ako sa mga kandidata na pinagpapasalamat ko.
Ang suot kong dress ngayon ay yung dress kung kailan ako tumakas. Hindi ko nalang sinuot yung dress na binili namin ni Celine sa Isla dahil baka totohanin pa ni Rix ang kanyang banta sa akin.
Hindi ko tuloy maiwasang mapanguso. Hindi naman sa naniniwala ako sa kanya, sadyang hindi din talaga ako komportable na suotin yun sa harap ng maraming tao lalo pa't revealing ang dress na yun. Maybe I can wear that some other time.
"Basta tandaan mo, ngumiti ka lang sa maraming tao kahit kinakabahan kana. Malay mo, mawawala lang yang kaba mo." Paalala sa akin ni Celine.
"Yeah. Susubukan kong ipanalo ang pageant na 'to."
"Wag mong subukan Ate. Ipanalo mo talaga." Singit ni Chelsea dahilan para mapangiti ako.
Huminga ako ng malalim nang marinig ko ang boses ng emcee sa labas. Hindi sinasadyang mapadako ang tingin ko kay Angelic na isa din sa makakalaban ko. Siya ang unang rarampa sa stage dahil siya ang una sa listahan.
She looks pretty on her tube red dress that fits on her body. Maputi si Angelic at kung tutuusin maganda naman talaga siya. Sadyang hindi lang talaga kaaya-aya ang kanyang ugali.
"And let's all welcome the candidate of this pageant!"
Nataranta ang iba naming mga kasama dahil sa anunsiyo ng emcee. Napalunok ako saka huminga ng malalim para pakalmahin ang aking puso.
"Oh siya, maiwan kana namin dito. Alam mo naman siguro ang gagawin diba?"
Tumango ako kay Celine. "Oo, alam ko na. Salamat at sinamahan niyo ako dito."
"Iche-cheer kita Ate."
Pinisil ko ang pisngi no Chelsea dahil sa kanyang sinabi. "Dapat marinig ko ang boses mo kapag chini-cheer mo ako ah? Aasahan ko yan."
Nag thumps up lang siya sa akin bago sila umalis ni Celine sa backstage. Tanging mga kandidata nalang ang naiwan dito dahil nagsisimula na ang rampa.
YOU ARE READING
Black Mafia 9: Rix Navarro
Romance-I live like a princess. Not until I met him and become his slave- Rix Navarro known as a typical playboy. He seldoms talk to others aside to his friends. Pero sa pagdating ni Angela Velasco, ang babaeng piniling takasan ang kanyang realidad at isan...
