CHAPTER 20

1.6K 45 0
                                        

Angela

"Wala ka bang planong mag celebrate ng pagkapanalo mo sa pageant?"

Nag-angat ako ng tingin kay Celine mula sa pag-aayos ng buhok ko dahil papasok na kami mamaya sa trabaho. Nakatambay na naman siya ngayon dito sa kwarto ko dahil tapos naman siyang magbihis. Inaayos ko nalang din ang buhok ko at patapos na din ako.

"Hindi na. May trabaho pa naman ako at wala akong oras. Siguro sa next rest day ko nalang. Na miss ko ang magtrabaho." Sagot ko sa kanya.

"Kahit kailan ang weird mo talaga. Ako nga gusto nalang magpahinga buong magdamag dahil napagod ako sa pag-aasikaso kahapon sa mga bisita, tapos ikaw gusto ng magtrabaho? Pambihira! Anong lakas meron ka?"

Napahalakhak na lamang ako sa kanyang sinabi bago itinigil ang ginagawa ko saka ko siya tuluyang hinarap.

"Gusto ko lang talagang magtrabaho. Miss ko na sila manager at ibang kasamahan natin duon. Wag kang mag-alala, mag ce-celebrate din tayo kapag may oras ako. Ayos lang ba yun?" Pangungumbinsi ko pa sa kanya.

Medyo malayo-layo pa ang rest day namin kaya kailangan pa naming maghintay. Mag fu-fucos nalang siguro ako sa pagtatrabaho dahil wala naman akong ibang gagawin dito maliban sa pagiging slave ni Rix.

Speaking of him, hindi ko na siya nakita matapos ang pageant. Marami kasing sumalubong sa akin nun at nag congratulate sa akin kaya hindi ko na siya nakita. Kahit man lang sa text hindi niya ako kinongratulate pero masaya ako dahil nasaksihan niya ang pagkapanalo ko.

"Oo na. Wala naman akong choice dahil totoo naman. Ano ng gagawin mo ngayon sa napanalunan mo?" Pag-ibaba niya sa usapan.

Kinuha ko muna ang bag ko na naglalaman ng importante kong gamit saka siya ulit hinarap.

"Ibibigay ko yun kay Tita. Kung gusto niya, pwede siyang magtayo ng maliit na negosyo dito gamit ang perang napanalunan ko. Kayo naman din kasi ang dahilan kung bakit ginusto kong manalo." Sagot ko saka siya nginitian ng pagkaluwag-luwag.

Tumayo siya galing sa pagkakaupo niya sa kama at hinawakan ako sa balikat. "Malaking pera yun, Angela. Paniguradong hindi naman tatanggapin yun ni Nanay dahil ikaw parin ang naghirap nun. Malaking tulong na nga sa amin ang pagbili mo ng kanakailangan dito sa bahay. Sobra-sobra na kung pati ang napanalunan mo ay ibibigay mo sa amin."

I smile reassuringly at her. Naiintindihan ko kung bakit ganito nalang ang reaksyon ni Celine. Pero ito nalang ang paraan kung paano ko sila matutulungan kapalit ng pagpapanatili nila dito.

Tinapik ko ang kanyang balikat. "My decision is final. Tsaka, wala naman akong ibang gagawin sa pera na yun. Mas mabuting ipang-negosyo nalang yun ni Tita para ay pagkaabalahan naman siya dito."

Her lips thinned and I know she wants to complain but couldn't. Napabuntong hininga na lamang siya saka ako nginitian.

"Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan. Kung tutuusin, marami ka ng naitulong sa amin. Salamat at dumating ka dito."

Saglit pa kaming nag-usap ni Celine bago kami lumabas ng kuwarto. Naabutan namin duon si Tita na nag-aayos ng gamit sa sala.

Cash ang fifty thousand na napanalunan ko at nasa kwarto ko iyon. Binigay iyon kagabi matapos ang pageant para iwas salisihan o kaya naman nakawan. Thankfully ay wala namang masamang nangyari.

"Tita, may gusto po ba kayong ipatayo na negosyo?" Tanong ko nang makalapit kami sa kanya.

Napansin kong natigilan si Celine at napalingon sa akin pero hindi ko nalang iyon pinansin. Napag-usapan naman namin ito at wala ng makapagpabago sa desisyon ko.

Black Mafia 9: Rix NavarroWhere stories live. Discover now