Angela
Hindi basta-basta ang Isla kung saan nagtatrabaho si Celine. Maraming kailangang gawin para lang makapasok ka dito at sobrang higpit ng seguridad. May kailangan pa akong fill-up-an at kailangan ko pang kumuha ng ID para daw makalabas pasok ako sa Isla.
Matapos ang lahat ng iyon ay pinasakay kami sa isang speed boat na may sariling driver patungo sa Isla. The Island looks small from a far pero sa tingin ko sobrang laki nito base na din sa malaking mansiyon sa Isla.
"Ano nga palang trabaho mo?" Tanong ko kay Celine na katabi ko sa upuan. Maingay ang motor ng speed boat kaya kinailangan ko pang mas lumapit sa kanya. Nawiwili naman sa pagtingin-tingin si Rix sa paligid. Mabuti nga at pinayagan akong isama ang aso sa Isla. Basta bantayan ko raw ng maiigi at wag hayaang makagambala ng iba.
"Alas otso ng umaga hanggang alas sais ng hapon ay tindera ako sa mini Mart. Alas siyete hanggang alas diyes naman ay waitress sa isang sikat na bar."
Napatango-tango ako. Workaholic din pala itong si Celine. Pero bakit kailangan niya pang magtrabaho sa isang bar kung pwede naman siyang mag sales lady nalang?
"Yung bar ba—"
"Naku. Hindi ganun ang bar katulad ng iniisip mo. No strippers or prostitues. Ang bar na yun ay ginawa para magkasiyahan. Dj's and party's. Hindi naman mawawala yung mga manwhore na kailangang may ka table o kaya kasamang babae pangkatuwaan o mas tamang sabihin pang reserba para sa init ng kanilang katawan. Pero kapag tumanggi ang babae, walang magagawa ang mga lalaki kundi lumayo kung ayaw nilang mabugbog ng mga naglalakihang bouncer at ipatalsik sa Isla. Forever and ever."
The Island looks really strict. Mas mabuti nga kung iyon ang protocol nila para mabawas-bawasan naman ang mga manyak sa mundo. Just party's and Dj's? I think it looks fun. Mag se-serve ka lang naman ng drink at kung may nag-aya sayo ay pwede kang tumanggi. Sounds cool.
"Pwede din ba akong sumama sayo na magtrabaho sa bar?"
Mabilis na napalingon sa akin si Celine. Nakataas ang isang kilay na para bang hindi sang-ayon sa sinabi ko.
"Kaya mo ba? Kailangang paspasan ang trabaho ng mga waitress at waiter dahil maraming tao ang bar dahil sikat yun at palaging pinupuntahan ng mga tao."
"Yes. Kakayanin ko."
Ilang segundo pa niya akong tinitigan at napabuntong hininga. "Nag-aalala ako sa kalagayan mo sa bar. Baka mabastos ka. Hindi pa naman yun imposible dahil kung ganda lang naman ang pagbabasehan, lamang ka sa mga babaeng nanduon."
I feel flatterer on the last sentence she said but at the same I'm happy that she's concern about me.
"Trust me. Sabi mo nga, kapag tumanggi ang mga babae kapag inaya sila ng mga lalaki ay wala silang magagawa para duon. Promise, mag-iingat ako at gagawin ko ang lahat para hindi ako matanggal sa trabaho."
Halatang hindi sang-ayon si Celine sa sinabi ko dahil puno ng pag-aalala ang kanyang mukha pero wala naman siyang nagawa kundi tumango nalang.
"Kakausapin ko si manager Ray kung may bakante pa ba sa pagiging waitress. Kung wala, marunong ka bang mag bartender?"
Mabilis akong tumango sa kanyang tanong. "Nag-aral ako ng dalawang taon sa pagiging bartender dahil nagmamay-ari si Tito ng bar sa New York."
"Mabuti kung ganun. Kung walang bakante sa waitress, pwede kang mag bartender."
Ayos lang sa akin ang pagiging bartender dahil marunong naman ako. Kung tutuusin, mas marunong akong mag bartender kaysa sa mag waitress. It's been a long time since I tried to do it at ngayon ko lang ulit ito mararanasan. Hindi ko pa naman nakakalimutan ang mag halo ng iba't ibang drinks at mga pangalan ng sikat na inumin.
![](https://img.wattpad.com/cover/241964414-288-k440309.jpg)
YOU ARE READING
Black Mafia 9: Rix Navarro
Roman d'amour-I live like a princess. Not until I met him and become his slave- Rix Navarro known as a typical playboy. He seldoms talk to others aside to his friends. Pero sa pagdating ni Angela Velasco, ang babaeng piniling takasan ang kanyang realidad at isan...