Angela
Pucha ang sakit ng ulo ko!
Halos tawagin ko na ang lahat ng santo na kilala ko mawala lang itong sakit sa ulo ko. Kakagising ko lang at gusto ko ulit matulog dahil sa bigat ng ulo ko. Pag iminumulat ko ang mga mata ko ay umiikot lang ang paningin ko.
Nasapo ko nalang ang noo ko habang binabalik tanaw ang nangyari kagabi. Uminom lang naman ako ng isang bote ng alak. Pumunta dito sa kuwarto tapos pumasok si—
Holy shit!
Napamulat bigla ako ng mata nang mapagtanto ang nangyari kagabi. Nawala bigla ang pagkahilo ko nang mapatingin ako sa tabi ko.
Hindi ko alam kung makakahinga ba ako ng maluwag nang makitang wala akong katabi o ano dahil alam kong may nangyari sa amin kagabi.
Pesteng alak kasi yun! Kung hindi sana ako uminom hindi ito mangyayari. Nagpadala na naman ako sa init ng katawan ko at nagpakatanga ulit sa kanya.
Kagat ang labing tiningnan ko ang katawan ko sa loob ng kumot. Ganun nalang ang pagdiin ko ng kagat sa aking labi nang makitang wala akong saplot kahit isa.
"Ang tanga-tanga mo talaga kahit kailan Angela." Mariin kong bulong sa aking sarili sabay hampas ng noo.
Bumangon ako sa kama kahit naramdaman ko ang kirot sa aking pagkababae. Medyo matagal na nung may nangyari ulit sa amin at inaamin kong—
Stop! Ano ba 'tong iniisip ko? Nahihibang na ako. Mabilis akong pumasok sa banyo at naglinis ng katawan. Habang nasa ilalim ng malamig na shower, naalala ko na naman ang huling binulong niya kagabi dahilan kung bakit ako natigilan.
Hear my explanation
Pero para saan pa? Kung alam ko naman ang katotohanan at wala na akong dapat malaman.
Pero wala naman masama diba?
Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko bago tinapos ang pagligo. Mabuti nalang at kasya parin ang damit na iniwan ko dito kung kaya't iyon nalang ang sinuot ko.
Pagkalabas ko ng kuwarto ay dumeretso ako sa kusina. Naabutan ko duon si Celine na tinutulungan si Nanay na maglinis.
"Nasaan sila Kuya?" Mahinang tanong ko sa kanilang dalawa.
Nag-angat ng tingin sa akin si Celine. "Nasa trabaho na sila. Aware ka ba kung anong oras na?" Nakataas ang kilay niyang tanong habang si Nanay ay napapailing nalang.
Kunot ang noong napatingin ako sa wall clock sa dingding. Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makitang malapit ng mag alas-nuebe.
"Ganun ako katagal natulog?" Nanlalaking mata na tanong ko.
"Siguro dahil naka-inom ka kagabi." Sagot ni Celine habang tinutulungan si Nanay.
"Oh siya, kumain ka muna dito bago ka umuwi. Paniguradong hinahanap kana nila madam. Tumawag siya kanina at pinapasabing umuwi ka dahil may sasabihin sila sayo."
Tumango-tango nalang ako kay Nanay bago umupo sa hapagkainan. Alam ko naman kasing hindi dahil sa alak kung kaya't nagising ako ng matagal. Dahil iyon sa nangyari sa amin ni Rix.
Tumikhim ako at nginitian si Nanay nang ilapag niya sa harapan ko ang breakfast. Tahimik lang akong kumain habang malalim na nag-iisip tungkol sa sinabi niya kagabi.
Nagdadalawang isip ako kung gagawin ko ba yun o hindi. Kapag nalaman ko ang katotohanan, baka mas lalo lamang akong masaktan. Kapag narinig ko ang eksplenasyon niya, hindi ako sigurado kung kakayanin ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/241964414-288-k440309.jpg)
YOU ARE READING
Black Mafia 9: Rix Navarro
Romance-I live like a princess. Not until I met him and become his slave- Rix Navarro known as a typical playboy. He seldoms talk to others aside to his friends. Pero sa pagdating ni Angela Velasco, ang babaeng piniling takasan ang kanyang realidad at isan...