"Kelsie, pinapatawag ka ng daddy mo sa loob." Bigla akong napabaling sa kung saan direksyon nanggaling ang boses na 'yon.
Wearing his stern yet handsome face, he was looking at me intently making my heart to beats fastly.
Mabilis kong nasalubong ang mga mata niya at kitang-kita ang sakit doon.
Puno ng pag-iingat kong inalis ang pagkakayakap sa akin ni Royce habang ang mga mata ko ay nasa kanya lang.
"S-sige susunod na ako," utal kong saad dulot ng kaba. Nakita ko naman ang kanyang pagtango kasabay ng pagpasok niya sa loob ng bahay.
I huffed my breath and throw dagger look at Royce. He chuckled and lifted his arms signalling himself that he was surrendered.
Humakbang ako paakyat para tuluyan ng makapasok sa loob ng bahay. Panandalian ang pagkatigil ng tibok ng dibdib ko at kusa itong tumambol ng malakas nang maabutan kong nakatigil ang pamilyar na bulto malapit sa pinto.
"Happy family," he sarcastically mumbled before continuing his walk.
Magsasalita na sana ako bilang sagot pero hindinko na nagawa dahil sa pagpapatuloy niya sa paglalakad.
I bit my lower lip and pursed it, preventing myself from talking. Tahimik lang akong sumunod sa kanya at naabutan ko naman si Daddy na nakaupo sa mahabang sofa. Nasa magkabilang gilid niya pa rin ang kanyang pamilya.
Hindi ba sila mapaghiwalay? Can't they see that me and my father needs to talked about the family that they ruined?
Muntik na akong maparolyo ng mata sa aking naisip pero naudlot 'yon ng masalubong ko na ang malamig ngunit puno ng katanungang mata ni Daddy.
Malalim akong bumuntong hininga, inunahan ko na sa paghakbang si Khielve pero ramdam ko naman ang kanyang pagsunod sa aking likuran. Prente akong umupo sa harapan ng masayang pamilya. I even spread my arms at the backrest of the sofa. I crossed my legs before looking at them. "Fire them up,"simpleng saad ko—I want this done. Alam ko na may mga tanong sa utak ni Daddy tungkol kay Ashton at alam ko rin naman na may mali ako. Pero kahit anong kapa kong pagsisisi ay wala akong mahinuha.
"How did that happen?" Napataas ang kilay ko bago ko ito kamutin ng marahan habang nasa kanila ang paningin.
I shrugged my shoulder and laughed sarcastically. "I guess you and mom had sex before you leave."
Kita ko ang marahang pag-igtad ni Beatrice sa nadinig. Siguro ay hindi sanay sa mga gan'ong salita. Bahagya ring yumuko si Vlaire, iniiwasan talaga na mapatingin sa akin.
What are you scared of? Sa tingin mo ba aagawin at tatakutin kita na ibalik sa akin si Khielve kapag nagtama ang mga mata natin?
Itinukod ko ang aking isang braso sa sandalan ng upuan at pinatungan naman 'yon ng aking ulo. Habang nasa ganoong posisyon ay hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanila.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" madidinig ang sakit at panghihinayang sa kanyang tinig. Pero may kaunti ring tinig ng paninisi.
I smirked. Tumaas pa ang kilay ko sa kanyang sinabi. Bakit hindi ko sinabi? "Bago mo tanungin yan, tanungin mo muna ang sarili mo kung bakit iniwan mo ang pamilya mo para sa panibagong pamilyang meron ka? "malamig na pagkakasabi ko.
Umiling-iling si Daddy,tila hindi na kaya ang panunumbat. "Kaylan mo ba ako mapapatawad sa nagawa ko, Princess?"
Umarko ang labi ko habang nakatingin sa kanya. I pointed my index finger on my lips—parang nag-iisip. "Maybe kapag bumalik dito si Mommy. Maybe kapag makikita ko ulit siya." Tumango-tango ako. "Ayon, siguro kapag nagawa mo iyon, doon pa lang kita mapapatawad... At kung umalis kayo sa bahay ni Mommy."
Napaltan ng kawalan ng pag-asa an makikitang emosyon sa mga mata niya. Kahit na anong pagkapa ng emosyon ay tanging galit at poot lang ang aking nararamdaman. Hindi lang galit mula sa akin kung hindi galit din na para sa aking kapatid.
He clasped his both hands. Hindi niya pa rin nilulubayan ng tingin ang aking mga mata at dahil sa lakas ng loob ay hindi ko iyon iniwasan. He nodded his head and slightly tilted his head. "Okay, aalis kami rito pero sana alagaan mo ang sarili mo at ang kapatid mo. "
"Matagal ko ng ginagawa, dad. Kasi iyon ang responsibilidad mo na hindi mo na kayang panindigan," I sternly said.
Kita ko ang pag-angkla ni Vlaire sa braso ni Khielve kung kaya't ginawa ko ang lahat upang hindi mapatingin sa kanila. I can sense how still Khielve was as his eyes diverted on mine. Nilabanan ko ang sakit sa dibdib at bahagya pang umiling para mawala sa aking paningin ang simpleng interaksyon nila.
Pinili ko ang ngumiti sa harapan niya habang pilit pa rin n'yang tinatanggal ang braso na nakakapit sa kanya.
Huminga ng pagkalalim-lalim si Daddy habang nasa akin ang malungkot niyang mata. "We will leave, now."
Kumurot ang dibdib ko ang muling pagtalikod niya sa akin—sa amin. Bumabalik sa aking alaala yung araw kung saan mas pinili niyang maging masaya sa piling ng iba kaysa makasama ang totoo niyang pamilya.
Ang pamilyar na kirot ay nadagdagan ng pamilyar din na paglandas ng luha habang pinapanood kong alalayan niya ang bagong asawa. Gusto kong magtanong, gustong gusto kong malaman kung ano ang naging mali ni Mom, kung ano ang hindi niya nagawa para maghanap at sumama sa iba.
Mahigit dalawang oras silang nanatili sa taas, ako ay nanatiling nakaupo sa sofa kung saan nila ako iniwan. I wore my stern face as they passed by me.
"I wanna be the father that you had. Gusto ko sanang bumawi lalo na kay Ashton pero naiintindihan ko na hindi ka pa handa." I saw his sad smile whilst holding two luggages on both hands.
I stalked and my eyes begun to water as I felt the familiar heat of his body. Puno ng kasabikan ang kanyang pagyakap. Mabilis siyang kumalas matapos niya ring halikan ang aking noo. "Sana mapatawad mo ko," mahina at puno ng pagsusumamong saad niya.
Nang walang makuhang sagot ay nadinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga bago siya alalayan ng bagong asawa. Ang anak naman ay nakakapit din ng mahigpit doon sa ama. Khielve on the other hand, looked at me for the last time. Kita ko ang kagustuhan n'yang manatili ngunit nginitian ko na lang siya.
"You will again?" Mabilis na napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.
Kita ko sa pinto ng bahay Si Ashton na malamig na nakatingin kay Daddy. His smirked was evident. "Tama lang si Ate, I also want to hurt myself for wanting you in the first place, "Parang punyal na tumutusok sa akin ang kanyang sinasabi. Napatutop ako sa aking bibig nang makita ang pagtulo ng luha n'ya mula sa kanyang mga mata.
"A-anak, " di pa tapos si Daddy ay mabilis na itinulak ni Ashton ang pinto para bumukas ito ng malaki at mabilis na humakbang papasok.
Natagpuan niya ako agad kung kaya't may kalakihan at kabilisan ang naging paghakbang niya hanggang sa makalapit sa akin.
Ibinaon niya ang mukha sa bandang tiyan ko, ramdam ko ang pamamasa ng bahagi na iyon ng aking damit. My hands automatically carresed his head. Tumingin si Daddy sa aming dalawa ngunit malungkot ding tumalikod kasama ng bago niyang pamilya.
Sa muling pagtalikod niya ay muli kong naramdamam ang masakit na nakaraan.
Wala na si Mommy, oo. Pero ganoon pa rin ang naging dulo ng kwento. Sumama si Daddy sa iba at hinayaan ang kanyang legal na pamilya.
***
To be continued...
BINABASA MO ANG
Dela Cuesta Series #2: Captured By You [COMPLETED]
RomanceHindi sang-ayon si Kelsie sa idelohiyang karapatan ng lalaki ang maghanap ng babae na magbibigay ng kaligayahan bukod sa asawa. She was fascinating with a thought of a man being family-centered man. Pero hindi iyon ang nasa isip ng mga tao na naka...