Kabanata XXXIV

106 5 0
                                    

Abala ako sa paglilipat- lipat ng tingin sa dalawang damit na nakalatag sa aking kama. It's been a week since Royce and I get in the relationship and in that days, I can say that we are going smootly each days that had passed.

Wala na rin akong naging balita kay Dad at sa bago niyang pamilya pero balak kong makipagkita at makipag-usap ngayon sa kanya. I want to reconcile everything about my past. Siguro ay gusto ko rin magkaroon kami ng chance ni Vlaire na magsama. Afterall, she's still my sister.

"Mommy, daddy asked if I can be with him." Nabaling agad ang mga mata ko sa pinto ng bumukas iyon at humangos na pumapasok si Kennedy.

She has a smile on her face whislt holding a phone on her little hand. Nakatapat ang cellphone sa kanyang tenga na nagpataas ng kilay ko. Nakahawak ito sa saradura ng pinto at bahagyang nakatingala para matignan ako.

Nang malaman ni Kennedy at makilala ang totoo niyang Daddy ay parati na rin siyang sumasama rito na hindi ko naman pinagbabawalan. He has thr rights to know his daughter better.

Tumango ako. I lend my arms to her and she obligely walked towards me. Ikinulong ko ang maliit na katawan n'ya sa aking mga braso habang nasa tapat pa rin ng tenga niya ang telepono. Lihim kong inilapit ng bahagya ang aking tenga para madinig ang boses ng kausap niya.

Ang tagal ko na rin na hindi nadidinig ang boses niya kaya nung marinig ko ang pamilyar na halakhak sa kabilang linya ay kusang bumibilis ang tibok ng puso ko. Madiin kong ipinikit ang mga mata ko para suwayin ang sarili.

Kelsie alam mong mali na. Sobrang mali na pero alam mo rin na kahit anong tago mo ay miss mo na siya.

Sa loob ng isang linggo ng pagsundo at paghatid niya rito kay Kennedy ay di niya ako naaabutan dito sa bahay. Palagi akong tulog o may lakad kasama si Royce. Hindi ko alam kung nagkakataon lang ba o sadyang iniiwasan n'ya ako.

'Di rin lingid sa kaalaman ko na alam na niyang may namamagitan na muli sa amin ni Royce dahil na rin sa kakulitan at kadaldalan ni Kennedy.

Pinipilit na umalpas sa pagkakakulong ko si Ken saka tumingin sa akin ng nakangiti. "Mommy? Pwede po ba? "

"Huh?" takang tanong ko.

Nangunot ang noo niya at agad na natawa. "Tama nga si Daddy, makakalimutin ka,"natatawang pagsang-ayon niya sa tinuran ng ama.

Agad nangunot ang noo ko sa aking nararamdaman. Kailan pa ako naging talunan para sa anak? Ang buong akala ko ay sa akin siya kakampi pero nagkamali ako. Dahil ngayon ay kausap niya ang ama na nakangiti at natatawang nagbabaling sa akin ng minsanang tingin.

"Susunduin ako ni Daddy, mamaya po. "

Wala akong nagawa kung hindi ang tumango kaya nagtatakbo siyang lumabas ng pinto ng kwarto ko habang natatawa.

Mabilis akong napabaling sa cellphone ko na nakapatong sa kama saka ito kinuha.

Royce:
I'll be late. Nagkaaberya lang but I will try to come.

I sighed and typed a reply to him.

Me:
Don't rush things. Fixed everything. Take care.

Kailangan ko munang ayusin ang bag na gagamitin ni Kennedy kaya tumayo ako sa aking kama at nagpunta sa silid niya. Agad nangunot ang noo ko ng makita ang kalat ng kwarto niya.

Parang dinaanan ng bagyo dahil sa nga damit na naroon sa kanyang kama. Wala ito sa ayos habang siya ay nakatutok sa mga damit at bahagya pang kinakagat-kagat ang kuko na parang problemado.

Natatawa akong nakatingin sa kanya, talagang manang-mana sa pinagmanahan. I can totally see myself on her as I was on her age.

Kunot-noo itong bumaling sa akin at 'di pa talaga nakuntento dahil inilagay nito ang magkabilang kamay sa sariling bewang. "Why are you laughing, Mommy?"

Dela Cuesta Series #2: Captured By You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon