Kabanata XXXVI

121 5 0
                                    

Mabigat ang naging huling paghakbang ko palabas ng bahay niya. Pero sadyang malas lang talaga dahil hindi pa ako nakakarating sa aking kotse ay kusang bumuhos ang ulan. Kahit na basa na nang ulan ay tinakbo ko na ang layo ng kotse ko at sarili.

Inis kong pinunasan muna ang aking kamay bago ko kinuha ang car keys na nasa pouch kong puti na basa na rin. My eyes was blurry due of the raindrops and the tears that can't vividly see.

Mabilis kong binuksan ang pinto ng driver seat at tahimik na tumingin sa harapan. Kahit na ramdam ko ang pagkabasa ng aking inuupuan ay isinawalang-bahala ko na lang. Kusa na naman at naging sunud-sunod ang bawat pagpatak ng luha sa mga mata ko nang bumalik sa isipan ko ang pagluhod niya—pag-asa na ako ay babalik sa kanya sa kabila ng natuklasan kong kasal na siya.

Mahal ko siya, ramdam ko yon. Bukod kay Khielve ay siya lang ang lalaking hinayaan kong makapasok sa sistema ko.

Bakit kung kailan akala mo masaya na dahil sa wakas nakapili ka na, dahil sa wakas akala mo tama na ang desisyon mo, sa wakas akala mo, wala ng mali dahil pinili mo yung taong tingin mo na mas magbibigay sa 'yo ng masayang buhay, yung walang halong sakit. Yung walang luha dahil purong saya lang ang ibibigay niya. Tapos bigla kang bubulagin sa relasyong puro tuwa,yung relasyon na pinangarap mo. Pero magiging ka na isang araw, hindi pala pwede iyong ganoong relasyon. Kinulong ka lang sa isang ilusyon ng perpektong relasyon.

Ramdam ko ang panginginig dahil sa lamig dulot ng aking pagkabasa, isama pa ang pagkabasa ko sa ulan kaya mabilis kong napatay ang aircon bago ko isinubsob ang aking mukha sa manibela.

I can't be home like this. 'Di ako pwedeng maging mahina. Kailangan kong maging malakas para sa anak at kapatid ko.

Huminga ako ng malalim saka diretsong tumingin sa daan. Tumango-tango ako bago ngumiti.

I started the engine. Mabilis ang maging pagmamaneho ko. My eyes drifted with water making it to be blurry. Malabo rin ang naging daan dahil sa malalakas at malalaking patak ng ulan sa windshield. Kaya 'di ko namalayan at huli na makita ang malaking puno na ilang sandali na lang sana ay bumangga na sa kotse ko kung hindi ko lang mabilis na nahila ang preno.

Nanginginig pa at nanlalaki ang mata na nakatingin ako sa puno nang biglang bumukas ang pinto ng kotse.

"Fuck shit!" galit na sinalubong ako ni Khielve ng mapag-akusang tingin. "Magpapakamatay ka ba?"

Bumaling ako sa kanya at hindi inabalang magpunas ng luha. I heard his soft curses before lifting my butt from my seat.

Tahimik at buong-ingat niya akong sinakay sa passenger's seat ng kotse niya. Nakapamewang pa siyang tumingin sa akin sandali bago siya humigit ng hininga at sinarado ang pinto kung nasaan ako.

Mabilis lang ang naging pagsakay niya sa driver's seat at wala pa yata siyang balak paandarin yon. Hawak niya ang manibela at kita ko mula sa gilid ng aking mga mata ang paghigpit ng hawak niya sa manibela. "I'm sorry," his voice broke.

Bakit ang bigat ng dibdib ko nang magsorry siya? Bakit ka nagsosorry? Bakit sa kabila ng 'di ko pagpili sa yo nandito ka pa rin? Hindi ba dapat tinatawanan mo ko dahil mali ang naging desisyon ko.

Nag-iwas ako ng tingin saka niyakap ang an ng sarili. I even caressed my arms to feel the heat. "Kumusta pala ang lakad ninyo ni Ken?" iniba ko ang naging takbo ng pinag-uusapan. Marahan kong nilandas ang aking hintuturo sa bintana ng sasakyan at inenganyo ang sarili na panoorin ang pagpatak ng ulan.

I heard his sighed as I saw from the window that we are moving. "Inuwi ko na sa bahay ninyo and she fell asleep fast. Pero sadyang madaldal siya at nasabi niya kung nasaan ka."

Dela Cuesta Series #2: Captured By You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon