Kabanata XXIV

103 5 0
                                    

"Ashton." Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa saka naman itinukod ang aking tuhod sa sahig para maharap siya.

Hindi na ako nag-abalang magpunas ng luha kaya hilam ang mga mata ko na nakatingin sa kanya.

"Bakit ang unfair mo!?" gigil na tanong niya.  He pointed his finger on my chest whilst looking at me. "Bakit hindi ka pumapayag na makita ko siya!?" Nasa lalaki sa aking likuran ang mga mata niya na napupuno rin ng luha kaya nabaling din ang atensyon ko sa kanya.

Two years before mom died and months after daddy left us, she was diagnosed being pregnant. Masyadong naging maselan ang pagbubuntis niya dahil hindi na rin naman biro ang edad no Mom,plus the fact that she was also diagnosed having a malignant brain tumor.

Ang sakit ng ulo niya na minsanang umaatake ay nakakadagdag sa hirap niya sa kanyang pagbubuntis. She was completely bed-ridden throughout the pregnancy period.

Kung kaya't laking pasasalamat ko nung tuluyan na siyang nanganak at nagamot. She was a fighter. Not until, that day...

Nanginginig ang labi na lumapit ito sa anak, his hands quivered as he took a hold of Ashton's cheeks. Kapansin-pansin ang mga mata nito na maluha-luhang nakatingin sa batang masama pa rin ang tingin sa akin.

"A-anak," naiiyak na bigkas ni Dad. My heart shattered as I saw how Ashton's eyes watered whilst he diverted it to our Dad.

Napatingin ako sa teresa sa taas at mabilis na hinila si Ashton palayo nang makita si Beatrice at Vlaire na papababa rito.

"Let go!" Naiiyak na pahayag ng aking kapatid ngunit hindi ko siya binitawan. I held him tighter—scared that Daddy might get him
"Mommy," kusa ang pagbilis ng tibok ng puso ko kasabay ng mahigpit at maliliit na kamay na nakahawak sa aking damit.

Kunot-noong humahakbang si Khielve, hindi maintindihan kung ano ang nangyayari. Napunta ang mga mata niya sa akin kasunod sa batang mahigpit na nakakapit sa laylayan ng aking damit.

I glanced at Royce and he obligely knelt in front of Kennedy. Mabilis na binuhat niya ito at humakbang palabas ng bahay.

Lihim akong nakahinga ng maluwag saka hinarap si Daddy na naluluha pa ring nakatingin sa anak.

Puno ng katanungan ang kanyang mga mata nang itinago ko si Ashton sa aking likuran. Nagpupumiglas ito ngunit hindi ko pinagbigyan.

I'm sorry Ashton, magalit ka man sa akin ay hindi na mahalaga, ang mahalaga lang sa akin ay wala kang maramdamang sakit na piniling iparamdam sa amin ng taong gustung-gusto mong makita o makilala.

I felt how his gripped get tighter as he saw Beatrice and Vlaire on Daddy's side. Hinawakan pa ng madrasta ang kamay ng ama habang nagtatakang nakatingin sa bata na nasa aking likuran.

Mabilis na kumawala sa aking pagkakahawak si Ashton nang maintindihan ang nangyayari. Galit at marahas niyang itinulak ang ako palabas kaya dali-dali akong sumunod sa kanyang paghakbang.

"Ashton!" tawag ko sa aking kapatid. He stopped from running and looked at me with his waterfall eyes.

"That is why?" mahina niyang tanong. Matalinong bata si Ash, kaya alam kong naiintindihan na niya ang estado namin sa sarili naming ama.

"Ash." I knelt in front of him making my eyes labeled as him.

Nanginginig ang kanyang labi at namumula na ang kanyang mukha dahil sa pinipigilang emosyon.

"Kaya ayaw mo ipakilala kasi may iba na siyang pamilya?" konklusyon niya. "Iniwan niya tayo, hindi ikaw ang lumayo." Marahas ang naging pagpunas niya ng luha saka mabilis na itinapon ang sarili sa akin.

Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha sa mga mata niya. Kita sa maliit at nakakuyom na mga palad ang galit niya. "You are just protecting me."

His arms snaked on my nape as he nuzzled it. Ramdam ko ang pamamasa ng aking leeg dahil sa kanyang luha at ang impit na hagulgol niya na nagpapabigat sa aking dibdib.

My heart clenches, muntik ko na itong mahawakan para mahilot dahil sa bigat at sakit ngunit nakayakap ang aking mga braso sa kapatid. Kahit naman galit ako kay Daddy at ayaw ko siyang ipakilala roon ay hindi maiiwasan na hindi masaktan. Alam ko na ganito ang mangyayari pero may parte pa rin sa akin na umasa na hahabulin niya si Ashton sa pagtakbo kahit na hawak na siya ng pamilya niya.

Madidinig sa kabila ng kanyang mga hikbi ang paulit-ulit na paghingi ng sorry sa akin.

"Ate." Doon na tumulo ng sunud-sunod ang luha ko. My heart ached not because of sadness but because of happiness. "I'm sorry. "

This is the first time he called me that. He preferred calling in names or even just my name.

Paulit-ulit akong umiling nang maghiwalay ang katawan namin. I upcurved my lips as I wipe off the tears from his cheeks. "I love you, Ashton. You and Kennedy are my life now," mahina kong pahayag. "I don't want anyone to hurt you. Hindi ko hahayaan na masaktan kayo kahit nino."

"Asus! Ang cheesy!" Naparolyo ako ng mata nang madinig ang pamilyar na baritonong boses na iyon. Suminghot sko ng isang beses bago tumayo at hinawaka si Ashton sa kamay.

I saw Royce walking towards us, bitbit niya sa isang braso si Kennedy habang hawak naman ng isang kamay niya ang dalawang apa ng ice cream.

Malambing niya itong inabot kay Ashton habang nakayuko. Bumaling naman ito sa akin at sinubsob sa aking pisngi ang dala.

"Ano ba!?" asar kong saad. Mabilis kong inilapit ang aking palad sa malamig na pisngi at saka tinignan siya ng masama.

"Ang arte naman!" He chuckled. "Parang hindi nagdrama kanina!"

Tinignan ko siya ng masama saka idinikit ang ice cream na hawak sa kanyang mukha. I smirked and stucked my tongue out.

Hinawakan n'ya rin ang kanyang pisngi saka saglit na tinignan. "Ah ganoon!"

Bago pa siya makabawi ay tatawa-tawa na akong tumakbo. Dinig ko ang munting halakhak nila Ashton at pagchi-cheer sa akin kaya mas binilisan ko pa.

"Mommy run!"

"May reward daw na kiss si Daddy kapag nahabol ka niya!" irit na tili ni Kennedy na sinundan ng halakhak ni Royce.

Awtomatikong bumaling at kumunot ang  noo ko sa nadinig na tawag ni Ken kay Royce.

"Run Mommy!" may panunuyang bigkas ni Royce habang patuloy sa paghabol sa akin.

Pero napatigil ako sa pagtakbo kasabay ng mabilis na pagkakakulong ng aking bewang sa matigas na mga bisig. Malakas pa ang kabog ng kanyang dibdib habang hinahabol nito ang kanyang hininga. "Got you!" he mumbled.

My heart raced. Dinamdam ko pa ang unti-unting pagbabalik sa normal ng hininga niya. Hindi ako gumagalaw sa aking naging pwesto. Hanggang sa tumama ang malambot na bagay sa aking pisngi kasabay ng matinis na tili ni Ken.

"Ayyy! Mommy!" tili nito kasabay ng aking pamumula.
***
Itutuloy...

Dela Cuesta Series #2: Captured By You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon