Kabanata XXXVIII

125 7 0
                                    

Tahimik kong binuksan ang pintuan ng passenger's seat at dumiretso sa likurang bahagi ng kotse. 'Di ko na inintay pa na s'ya ang bumuhat sa aking anak kung kaya ako na mismo ang nagbuhat sa kanya papasok.

Dahan-dahan pa ang aking paglalakad para maiwasan gumawa ng malaking hakbang na makakapagpagising sa kanya. Si Khielve naman ay ramdam kong nakasunod lang sa aking likuran. Tahimik kong tinahak ang daan patungong silid ni Kennedy at nakitang naroon na ring tahimik na natutulog si Ashton. Ken and Ash share the same room, ayaw matulog ng anak ko na siya lang mag-isa sa kwarto kaya nagvolunteer naman si Ash na siya na lang daw ang katabi nito.

Napangiti pa ako nang maihiga ko na ng maayos si Kennedy sa sariling kama. Pinunasan ko pa ang kanyang noo na may namumuong butil-butil na pawis at dumiretso sa kanyang closet at kumuha na lang ternong night clothes.

Sa gilid ng aking mga mata ay kita ko pa rin ang pagsunod niya sa akin ng tingin habang nakaupo sa vanity chair ng kwarto.

Kumuha ako ng towel sa closet niya saka binasa ng marahan. I need to atleast wash her because she will have red spots tommorow if I did not do it.  Nang mapunasan ko na siya ay walang kahirap-hirap ko rin na pinaltan siya ng damit at tahimik na pumasok sa cr at inilagay roon ang basang towel.

Pagkatapos ay lumapit ulit ako sa aking anak at hinalikan ang noo niya matapos kong ayusin ang buhok na nakakalat na sa kanyang mukha. Nang masiguro na maayos at mahimbing na ang pagtulog ay saka ako tumayo sa kanyang kama bago binuhay ang lampshade na nasa tabi lang nito. Pinatay ko na rin ang main light ng kwarto at tuluyan ng lumabas.

Tahimik na nakasunod sa akin si Khielve nang humakbang ako pababa. But my steps stopped midair as I saw familiar built of a woman sat on our couch.

Tumikhim ako kaya kahit kusang tumatambol ang dibdib ko nang 'di ko sinasadyang tumikhim at mapatingin siya sa akin lalo na nang dumako ang mga mata niya sa aking likuran.

I composed myself before taking the last step of the stairs. "Why are you here? " I asked innocently as my eyes darted on the man that is now standing next to me. "Sinusundo mo?" Turo ko pa kay Khielve.

"Babe naman, pinapamigay mo na naman ako." Muntik- muntikan ng maparolyo ang aking mga mata nang lumingkis na naman ang kanyang mga braso sa aking bewang.

Vlaire chuckled and looked at uim arrogantly. "Ano? As if naman tatanggapin kita!"

She has a smile that brights. My heart hammered as if it will escape from my cage. Para akong nahuling nakikipag-flirt sa boyfriend niya ng harap-harapan.

Tumikhim ako at bumalik sa 'di maipinta ang mukha ko, I tried to be as usual as possible.  Ayaw ko na ng alitan between her and me,afterall she's still my sister. And she will stay as that.

"I'm sorry..." I uttered without gazing her back. "Nung una oo, I want to take revenge on what your mother had done that cause my mom to leave so early... "I sighed. Nilakasan ko ang loob ko na salubungin ang mga mata niya at ngumiti. Dahan-dahan na rin akong lumapit sa upuan kung nasaan siya saka ako pumwesto sa tapat nito.

She is looking at me without humor on her face.

"Siguro nagwo-worry ka kasi nandito na ako... "I gulped and chuckled. " But I want to make sure the real deal between Khielve and I," seryoso kong pagpapatuloy.

Khielve sat next to me ans held my hand firmly. Pinipilit kong tanggalin iyon pero lalong humihigpit ang pagkakakulong niya sa mga braso ko.

"He is my daughter's father... At hanggang doon na lang yon."

His gripped become tighter but after a second he loses it. Nasa baba na ang kanyang mga mata at kunot-noong nakatingin lang dito na akala mo ay may ginawa sa kanyang masama ang sahig.

Dela Cuesta Series #2: Captured By You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon