Yung pakiramdam na may nagmamasid sa 'yo mula sa malayo ay nakakapagbigay ng kakaibang pakiramdam sa 'di maipaliwanag na dahilan. Kagat-labi at nanginginig ang aking kamay nang abutin ko ang telepono.
Dahan-dahan at puno ng pag-iingat kong sinagot ang tawag. I nervously took a deep breath before clearing my throat.
"Hi!" pinilit kong pasiglahin ang aking boses.
I heard some noises from the other line. "Kelsie." Napakagat ako ng labi nang madinig ang pamilyar at malamig na boses na iyon.
I involuntary rolled my eyes but the smile on my face remained painted. "What?"
I heard him chuckled. "Huwag kang ganyan, baka nakakalimutan mong tinutulungan kita sa ngayon," Royce warned.
Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ko at agad napalitan ng sakit sa dibdib. My heart was aching because of him. "Kumusta?"
"Buddy! Someone's wanna talk to you!" I bit my lower lip as I heard him say that on the other line.
Ilang minutong natahimik ang linya. My tears streamed on my face. Mabilis ko itong pinunasan dahil takot akong matanong.
"He was busy playing with Kennedy," masuyo at dahan-dahan pang ani niya. Tila nanantsa kung dapat pa bang sabihin iyon.
I bity lower lip as I felt my eyes is getting sore.
I swallowed the lump on my throat before laughing. "I know he's busy playing."
"How's Kennedy? Is she okay? Is she eating healthy?" puno ng kasabikang tanong ko.
I miss that little girl.
I heard him chuckled. "Yes, she is. Ayon laging kalaro ang kuya niya."
I nodded. Napaukit ang maliit na ngiti sa labi ko. Buti na lang hindi siya galit kay Kennedy.
"Buti naman kung ganoon," nakahinga ng maluwag na ani ko.
He cleared his throat. "Kels? "
"Hmm?" wala sa sariling sagot ko.
I heard he sighed on the other line."Hindi naman sa nangingielam, pero anong plano mo?"
'Di man niya maderetso pero alam kong nahihirapan na rin siya. He sacrificed a lot just to help me. Nawalan siya ng trabaho dahil na rin sa pabor na hiningi ko.
Nang 'di ako nakasagot ay narinig ko ulit ang paghugot niya ng malalim na hininga. "Lumalaki na si Kennedy and Ashton keeps his anger towards you. "
"'Di ko alam." I laughed weakly. "Mas gugustuhin kong magalit siya sa akin, wag lang niyang maramdaman ang pakiramdam na maabanduna ni Daddy." Napailing-iling pa ako. Tiniklop ko sa maliliit ang strip ang table cloth na nasa harapan ko habang nakatuon lang ang aking mga mata sa baso na nasa aking tabi.
"Ashton needs his father as much as Kennedy needs her mom, "malungkot na ani nito.
No, he don't need his father. Hindi. Kahit na anong mangyari ay gagawin ko ang lahat para 'di niya maranasan ang sakit nang pang-iiwan ng isang ama.
Being left out or being abandoned.
"Hindi, I can get him a better life without his help," malamig na pahayag ko habang nakikipagsukatan ng tingin kay Khielve. "Tatawag na lang ulit ako," pamamalaam ko nang makita ang madilim na mga mata ni Khielve na papunta sa gawi ko.
Natatawa na lang ako sa tuwing nakikita ko ang masasamang tingin niya.
Pinanood ko siya hanggang sa makaupo siya muli sa aking tabi. Masama ang kanyang tingin pero iniwas ko na lang ang aking mga mata para hindi ito salubungin at hindi intindihin.
I stilled as he held my chin making me looked at me. "Why?"
His eyes remained darked. Kita ko ang pag-igting ng kanyang panga. Umiwas siya ng tingin nang bahagya niyang kinagat ang labi kasama ng hikaw. Napangiwi ako sa aking nakita at ako ang nasasaktan sa kanyang ginagawa.
"Who called?" malamig na tanong niya.
It was originally Royce's number but sa tuwing tumatawag naman ang number na iyon ay si Kennedy ang nakakausap ko. Kennedy is really special for me.
Maybe, mom already left but she gave me two treasures that I want to protect, no matter what.
Alam ko na alam niya kung sino si Royce. He was my ex before him. Also, he is one of the guys he hated.
I bit my lowerlip before glancing away. Nakatingin na lang ako sa baso na nasa aming harapan at tahimik na hinawakan iyon. I swirl the water in it.
"Sino iyon?" he asked again. This time, he held my hand that was holding the glass.
I sighed. Binalingan ko siya ng tingin at makikita ang gulat at pagkabahala sa mukha niya nang makitang walang kahit anong emosyon ang nasa aking mukha.
Itinaas ko ang isang kilay ko saka nilabanan ang kaba na kanina pa nagkakampo sa aking dibdib. "Royce called."
Muli,dumilim ang kanyang mukha. Tila nakapatong na ang mga itim na ulap at nag-iintay na lang sa aksyon nito para magpaulan.
Kilala ko siya, alam ko kung kailan siya nagpipigil, kung kailan siya galit at kung kailan nasasaktan. And I can say that he have this mixed emotions over him.
"Hanggang ngayon pala tumatawag pa rin siya?" Nasasaktan man sa pinapakita n'yang panghihina ay pinili ko ang tumango.
Hindi dapat...
Hindi na dapat...
Nang makausap ko si Royce at malaman ang tinatagong galit pa rin sa akin ni Ashton ay lalong mas gusto kong bumawi.
Pinagbigyan mo na ang sarili mo Kelsie kaya sa palagay ko ay sapat na iyong pabaon para bumitaw ka na ng tuluyan.
Huwag mo ng hayaan na magkaroon ka ng koneksyon sa kanila.
"Khielve!" Napabaling kaming dalawa sa tumawag sa kanya. Vlaire is wearing her daily halter top summer dress that was above her knees. Her fair skin blended well with it's cream color. Nakapusod ng maayos ang mahaba at alon-alon niyang buhok na nadedepina ang mahaba nitong leeg na bagay sa kanyang trabaho ngayon. At habang naglalakad ito ay makikita ko ang kahawigan nito kay Daddy. She have daddy's chinky cheeks and color. She also have his rounded eyes that was different from me because I got most of my features on my mom. Ang namana ko lang siguro kay Daddy ay ang kulay grayish na kulay ng mga mata nito at ang ilong na may katangusan.
Mabilis kong nahila ang kamay ko na nakahawak sa baso kung kaya't naiwan ang kanya roon. Mabilis kong pinatong ang aking kamay sa aking mga hita at iniwas muli ang aking mga mata sa kanila.
She waved before walking towards his direction.
"Excuse me, "mahinang pamamaalam ko sa kanya bago pa lumapit si Vlaire dito.
I don't think I can face her knowing that she has my father. She has the life that I wished to have.
Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang mainit ngunit mariin n'yang daliri na kumulong sa aking braso. "Stay,"malamig ngunit masuyong pakiusap nito.
"Please... " mariin kong saad. Please,let go Khielve. "Let go... I can't.." nanghihina kong saad.
I heard how he took a deep breath before slowly letting go my hand. "I'm sorry."
Nang tuluyan nang makawala ay saka ako napatakbo palayo sa kanya. Sa kanila...
Tama na Kelsie. You are a grown up woman. Huwag mong hayaan na pati ang Tita mo ay maapektuhan dahil nasasaktan ka pa rin.
***
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Dela Cuesta Series #2: Captured By You [COMPLETED]
RomanceHindi sang-ayon si Kelsie sa idelohiyang karapatan ng lalaki ang maghanap ng babae na magbibigay ng kaligayahan bukod sa asawa. She was fascinating with a thought of a man being family-centered man. Pero hindi iyon ang nasa isip ng mga tao na naka...