Kabanata XXXI

104 5 0
                                    

Puno ng katakahan ang mukha ng dalawang batang nasa lamesa habang pinipilit kong iwasan ang mga mata ng taong nasa sentro nito.

"Mommy who is he?" inosenteng tanong ni Kennedy nang mapatingin ako sa kanya. She was looking at Khielve who was silently eating the food on his plate.

I chuckled and ditched her sight. Umupo na ako sa aking upuan nang malagyan ko na ng pagkain ang pinggan ng dalawang bata.

"Mommy," pangungulit ni Ken at pasulyap pang tumingin kay Khielve.

"He is Mr. Khielve Dela Cuesta, famous photographer," simpleng pagsagot ni Ashton saka sumubo.

Nanlalaki ang mga mata ni Kennedy at sumimangot. "Paano mo nalaman? Are you a stalker?"

Ashton's brows furrowed before he divert his eyes on Kennedy. "I'm not a stalker. I'm just reading articles."

"Oh! You are a chismoso kasi." Dinilaan n'ya pa si Ash habang ang isa naman ay masama na ang tingin sa kaniya.

Ashton scratched his brows. "Can you focus at the food on your plate?" asar na tanong niya.

Kennedy just nodded and continue eating.

Marahan naman akong kumain-pinipilit na mag-iwas ng tingin kay Khielve na tahimik lang ngayon.

"I have something!" Mabilis na nabaling ang tingin ng dalawang bata sa pinanggalingan ng pamilyar na boses.

"Daddy!" Salubong ni Kennedy kay Royce na may dalang dalawang supot ng pagkain base na rin sa tatak ng mga ito. Kita ko sa gilid ng aking mata ang bahagyang paghigpit nito ng hawak sa mga kubyertos.

Mabilis naman tumikom ang bibig nito at unti-unting nawala ang ngiting malawak nang makita kung sino ang lalaking nasa lamesa.

"Oh! I didn't know that you have a visitor." Ngumiti lang ako ng tipid nang tumingin siya sa akin.

"Lika, upo ka," anyaya ko sa kanya na agad naman niyang pinaunlakan. Kumuha naman ng isa pang plato si Yaya at inilagay sa harapan niya. Ibinigay n'ya na rin ang supot an dala roon para maihanda na rin.

Kennedy on the other hand sat on his lap. Ayaw talaga nito mawalay kay Royce kapag magkasama sila kaya ramdam ko rin ang pamumuo ng tensyon kay Khielve.

I bit my lower lip as I divert my gaze downward. Itinuon ko na lang sa pagkain ang atensyon ko—iniiwasan na mapatingin sa kung sino sa kanila.

It took fifteen minutes to finished the morning set pf breakfast. Tahimik akong tumayo at isinaayos na ang mga pinggan na ginamit.

Dumiretso sila Ashton at Kennedy sa sala habang hinihila ng anak ko si Royce para maglaro. Naiwan naman na tahimik na nakatayo si Khielve pero iniwas ko na lang s'ya at dumiretso na sa kusina.

"About last night," panimula niya. Tumingin ako sa dingding sa lababo habang naghuhugas ng pinggan.

Hindi ako sumagot o nagbigay ng kung anong reaksyon. Tahimik ko lang na binanlawan ang baso bago ko naramdaman ang presensya niya sa likuran ko.

I sighed and close my eyes. "That was nothing," mahina man ay alam kong dinig niya.

He chuckled coldly. "That was something," he said monotonously. "I felt it."

Huminga muli ako ng malalim bago ko itinaob ang nahugasan ko ng pinggan sa tauban tsaka ko siya hinarap. Umiling-iling ako sa harapan niya. "Ilang beses kong sasabihin sayo wala na... Tapos na."

Tumango siya at sumandal sa hamba ng lababo sa kanyang likuran. Itinukod niya ang parehas na kamay roon. "Hindi pa... Hindi pa tapos."

"Khielve," seryoso kong pagtawag sa kanya.

"Lahat ng sinabi ko kagabi totoo yon," nilabanan niya ang kaseryosohan sa tinig ko. His blazing eyes were on mine. "I want you back... I still want in my life."

Tila natulos ang paa ko sa kinatatayuan, gustuhin ko man siyang itulak palayo ay tila ayaw makisama ng katawan ko—hinahayaan at dinadama ang init ng katawan na matagal ng hinahap-hanap.

He gently held my hand as he caressed the back of my palm habang ang mga mata niya ay bumaba rin doon. "Please, give me the chance to know my daughter."

"Kailan mo ba maiintindihan na hindi na pwede? " I asked monotonously without his eyes on mine. Bumaling ako sa mga bata na naglalaro lang sa living room. Pasimple akong ngumiti ng bumaling si Royce sa gawi namin. I signalled okay to him and he just nodded and continued his attics.

Marahan ang naging paghawak niya sa aking pisngi—pinipilit na humarap ako sa kanya. "Mahal mo na ba s'ya?" ramdam ko ang sakit sa pagbibitaw niya ng katanungan. "Are you inlove with him? "

Paano kung oo? Anong gagawin mo? Kung oo ba ang magiging sagot ko, titigilan mo na 'to at babalik ka na sa babaeng para sayo?

Inilaban ko ang sipa na naramdaman ko at nilabanan ang tingin niya. I sighed and glanced at him seriously. Wala akong pinabakas na emosyon sa aking mukha. "Paano kung oo? Titigilan mo na ba 'to?"

He smirked and chuckled sarcastically. Umiling siya ng ilang beses. "Hindi, hindi ako titigil hangga't 'di ka bumabalik sa akin. "

"Kailan mo ba maiintindihan na hindi na ako babalik sa 'yo?" Dinuro ko pa siya at kunot-noong tinignan siya sa mga mata. "Ayoko na, I want a simple and not complicated life."

He massaged his forehead habang may nakaukit na ngisi sa mga labi. He even bit his lips at nakagat niya pa ang hikaw niya roon. "Pero sumagot ka sa halik ko!  You answered my kisses with much intensity kaya huwag mong sasabihing ayaw mo na dahil hindi yon ang pinaramdaam mo! " pigil ang emosyon n'yang saad.

My cheeks automatically burned. Kumalat ang pula ng aking pisngi habang 'di ko magawang ibaling ang tingin ko. "That was just a kiss, it's not a big deal.  I can even kiss anyone with that kind."

His jaw clenches. Mabilis niyang kinain ang distansya naming dalawa saka mabilis na hinawakan at bahagyang pinatingala ako. He instantly brushed his lips on mine, not minding the three people on the living room. Hindi rin naman nagtagal ang paglapat ng labi n'ya kung kaya mabilis akong humakbang palayo sa kanya. His smirk was evident tila nang-aasar pa. Marahan niya rin kasing pinaglandas ang hinlalaki niya roon habang nakatingin sa akin. "I owned your lips as much as I owned your heart..." He smirked. He gave me a quick smack as he brushed his thumb on my lips. "Do not forget that," dagdag niya pa habang ang mga mata ay nakatuon pa rin sa nakaparte kong mga labi.

***
To be continued...

Dela Cuesta Series #2: Captured By You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon