Nakakainis! Nasaan na ba ng mga babaeng iyon?
Luminga-linga ako sa paligid. I squinted my eyes para mas maipokus ko ang aking paningin sa paligid. Hindi ko na mahagilap ang anino ng mga haliparot kong kaibigan. Ang ingay-ingay pa ng tunog ng sound system! Bwisit!
Dahil madilim ang sa club na iyon at hindi sanay ang mga mata kong hindi naka-eyeglasses, mayroon akong nabundol. Kasabay no'n may tumilamsik na likido sa bandang dibdib ko. Ang puti kong St. Laurent T-shirt ay natapunan ng likidong tila kulay pula nang mailawan ng DJ lighting. I was horrified! Ang mahal ng bili dito ng sister kong nurse na nakabase sa London.
"Watch where you're going, piggy! Tabatsoy ka na'y bulag ka pa!" asik ng isang baritonong boses. Magagalit na sana ako pero nang makilala kong iyon ang crush kong Architecture student na forward namin sa basketball team, wala akong nagawa kundi ang mapanganga. Ni hindi ko nasita na tinapunan niya ng kung anong drinks ang t-shirt ko. Nagmarka na iyon sa bandang dibdib.
"Babe! There you are!" parang tili ng isang matinis na tinig sa bandang likuran ko. Hindi ko na kailangan pang lumingon para makilala kung sino iyon. Who else could it be kundi ang petite na kaaway ng best friend kong si Eula na si Vivi.
"Ang init naman yata agad ng ulo mo, babe. What happened?" sabi pa nito kay Mason De Vera.
"Hey, babe!" sagot ng loko. Saktong nailawan ng disco lights ang mukha niya. Umiba na ang timpla ng hunghang. He looked so charming now and, oh boy, very handsome! I had to restrain myself from touching his dimples.
Nakita ako ni Vivi. She looked at me with her usual taray stare. Tiningnan ko rin siya nang masama. She sneered at me while locking her arm with that of the shortest member of our basketball team!
Putsa! Akala mo naman kung sino. Eh forward lang naman na walang binatbat! Kung hindi ko lang crush 'to sarap hambalusin.
"Nothing, babe," sagot ng bwisit na Mason sa pang-uusisa ni Vivi kung ano'ng nangyari. "May nakabangga lang akong litson! I mean baboy-ramo!"
Nagsipagtawanan sila. Hindi ako nakapagtimpi. Tinulak ko ang gunggong na Mason saka tumakbo. Nadapa ako. Ang labo kasi ng paningin ko. Sana hindi ako pumayag kanina na ipaiwan sa locker ang glasses ko. Eh ano kung magmumukha akong manang with the glasses on? Kaysa naman ganito na halos wala akong nakikita.
I felt somebody grabbed my hair. I cannot believed it. It was Mason! Papatulan niya talaga ako! Parang piniga ang puso ko. Ni hindi na nga reciprocated ang feelings ko sa kanya, tapos hindi niya pa ako tinatrato na isang tao. Kahit iyon man lang sana.
"Get your hands off her!" asik sa kanya ng isang estranghero. Nang sundan ko ng tingin ang hitsura ng mama, medyo blurry ang nakita ko, but his features seemed well-proportioned. He sounded guwapo pa!
"Okay! You do not need to glare at me like that, pare. Iyong-iyo na si Taba. She's not worth the trouble anyway," tumatawang pakli ni Mason. Saka lumayo na sila ni Vivi sa akin.
Tinulungan ako ng lalaking makatayo. "Are you okay, Miss?" tanong nito.
Tumangu-tango ako. Now that he's barely a foot away from me, kitang-kita ko kung gaano siya ka-guwapo! And he looked very familiar! Saan ko kaya siya nakita noon?
"You must be new here. I haven't seen you here before," nakangiti niyang tanong. Lumabas ang mapuputi at pantay niyang mga ngipin. Para siyang model ng close-up! Oh, my gulay!
"Y-yeah. I was just dragged by my friends to this place. Hindi naman ako nagpupunta rito. But my friends are regular here," sagot ko, kinakabahan. Naisip ko lang, hindi kaya nagsasalpokan ang grammar ko? Susko. Napapa-Ingles ako kay Koya.
"So where are your friends now?"
"Hinahanap ko pa nga, eh."
Inalalayan niya ako papunta sa bar. Parang nagsitakbuhan kasi sa gitna ng dance floor ang mga tao nang ipatugtog ang isang Rihanna song. He bought me a drink. Hindi ko alam kung ano, pero non-alcoholic naman daw iyon.
"Oo nga pala, I'm JT. And you are?"
"F-Fe---" Naisip ko si Eula at ang kuwento nito lagi tungkol sa mga guys na name-meet sa club. Ang sabi niya sa amin noon, it's not wise to tell them your real name. So naiwan sa ire ang Fe. Hindi ko na dinugtungan. Kaya he started calling me Fe.
Iinumin ko na sana ang bigay niyang drinks na may masagwang pangalan nang may sumagi sa likod ko. Tumapon na naman ang inumin sa t-shirt ko. This time, all the way to my belly. Napanganga ako nang makitang lalong nadumihan iyon.
"Oh, sorry," sabi ng isang babae. Nang lingunin ko'y nakilala ko agad siya. Kaibigan siya ni Vivi. She smiled at me sweetly and apologized. Pero hindi ko ramdam ang sincerity niya. Tapos binalingan niya ang kasama ko. Mukhang kilala niya si JT dahil nakipagkuwentuhan agad ito rito na para bang walang nangyari. I saw JT bit his lower lip and just looked at her. Hindi siya kumibo. Hindi ko alam kung nakisimpatiya siya sa akin o ano.
"My gosh, Tabatsoy! Nandito ka lang pala! Hilong talilong na kami sa kahahanap sa iyo!" tili ng isang pamilyar na tinig. Nang makita ko si Eula na sinusundan nila Keri at Shane nakaramdam ako ng luwag ng dibdib. Pagkakita niya naman sa hitsura ng t-shirt ko binalingan niya si Kaisley, ang friend ni Vivi at kaagad itong sinita. "Did you do this to her?"
"Hwag kang war freak dito, Yolanda. This is not FEU anymore. Besides, hindi naman nasaktan si porky eh," sagot ni Kaisley. Hinatak ni Eula ang buhok ni Kaisley at siguro'y ingungudngod sa semento, pero napigilan ko agad ito.
"I'm okay, Eula! It's all right!"
"Nobody has the right to call my friend, porky, okay? Ako lang ang pupwedeng tumawag sa kanya ng tabachoy and no one else! Understood?"
"My God! War-freak!" asik nito sa kaibigan ko, saka dali-daling umalis.
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni JT. Nahiya ako. I mouthed 'sorry' to him. Hindi na ako nakapagpaalam pa dahil hinila na ako nila Eula na pumunta sa table namin.
"Kung bakit kasi nag-t-shirt ka ng puti. Saka, sis. Di ba sabi namin ni Keri sa iyo sa Job's tayo pupunta? Bakit ganyan ang get-up mo?" paninisi pa ni Eula.
I hugged her. Bungangera ang bwisit na ito at bully pa, pero maaasahan ko talaga. Siya lagi nagtatanggol sa akin sa tuwing inaapi ako because of my weight.
Tinampal niya ako sa balikat. Hwag daw akong yakap nang yakap sa kanya at hindi niya feel ang girl. Sa lalaki pa rin daw siya kahit dinidedma siya ni Sir Maurr.
Nang marinig ko ang pangalan ni Sir Maurr, naalala ko si JT. Nagpalinga-linga ako. Wala na siya sa bar. Saan na kaya nagpunta ang lalaking iyon?
Dahil alam ko na kung saan ang table namin, nagpaalam ako sa tatlo na may pupuntahan lang sandali. Hinanap ko ang guwapong lalaki na nagmagandang-loob sa akin. Nasulyapan ko siya sa gitna ng dance floor. Kasayaw na niya si Kaisley. Parang tinusok ng karayom ang puso ko. Inakala kong siya na ang pinadalang Prince Charming ni Kupido. Hindi pala. As always, napagkamalan ko na namang prinsipe ang isang palaka. Nalungkot ako.
BINABASA MO ANG
QUEEN SERIES #4: THE DRAMA QUEEN [COMPLETE]
RomanceFelina Claudia Elizabeth Fernandez has always been secretly embarrassed of her weight. From among her circle of friends, she has always been the chubbiest one. She blamed her weight for not having a suitor. At first, she is not bothered about it. Bu...