@Ginoong_Gwapo
Ang humanga sa isang dalaga
Ay isa sa pinakamasayang nagawa
Ang titigan kanyang maaamong mukha
Ang pangaraping siya'y makasamaMahalin ang lahat sa kanya
Maging masaya sa ikasisiya niya
Siya'y isipin sa bawat minuto
Aalagaan sa bawat segundoDalagang nagbibigay ng inspirasyon sa iyo
Binibining laging nagpapagaan ng kalooban mo
Babaeng iyong tinatrato na parang prinsesa
Hanggang sa iyong kaharian siya'y maging reynaSiya, siya nga ang tinutukoy ko
Ang dalagang nagpatibok ng iyong puso
Na ngayo'y nagagawa kang pangitiin
Siya, ang babaeng gusto mong angkininAng dilag na gusto mong pakasalan
Ipakilala sa mga magulang at sabihing 'kami'y nagmamahalan'
Oo, siya ang dalagang iyong ginugusto
Ang binibini na sana'y balang araw ay iyong matawag na 'asawa ko'
BINABASA MO ANG
PARA KAY: AKIRA
PoetryMga tulang sadyang ginawa para sa minamahal ng may akda. Matutunghayan ang paghanga ng isang manunula sa isang manunulat na iniirog sa loob ng ilang panahon. Ang lahat ng inyong mababasa ay batay sa mga naranasan ng may akda, anumang pagkakahalintul...