Dinig

11 2 0
                                    

@Ginoong_Gwapo

Isang elementong kay sarap sa tainga
Iyong mga boses ay parang musika
Kiliti ay aking nararamdaman
Pati aking pandinig ay nabihag nanaman

Mistulang baliw tuwing naririnig
Ramdam na ramdam ang isang pag-ibig
Kumakabog nanaman ang damdamin
Pati ba naman iyong boses, ako'y inangkin

Ikaw ang unang gumawa nito
Halos sakupin ang aking pagkatao
Mula sa iyong ugali hanggang sa boses
Binihag, tinali ang puso ng ilang beses

Iyon na ang musikang ayaw kong mawala
Sa bawat oras, gusto lagi sa tainga
Kinikilig ako! Pambihira!
Pakiramdam ko'y makita ka lang ay parang nasa langit na

Napakasarap naman nito mahal ko
Lalo na ang minamahal ay ikaw
Nananatili ang liyab sa aking puso
Nagsasabing, gusto kang makapiling araw-araw

Kapag nagkataon ay laking tuwa
Dahil harap-harapan nang masasabi ang mahal kita
At ang iyong boses ay personal na mapapakinggan
Hindi na lang sa tawag o puro letra ang usapan

Iniirog kita noon pa man
Kaya tayo'y maglalakbay papuntang kawalan
Hindi man alam ang hahantungan
Mananatiling kamay ay maghahawakan

PARA KAY: AKIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon