Blangkong Pamagat

7 2 0
                                    

@Ginoong_Gwapo

Minsa'y nawawalan ng pag-asa
Mga ngiti'y nabubura
Napapalitan ng nag-uunahang luha
Tumutulo galing sa aking mga mata

Utak ay blangko
Ngunit ikaw ang laman nito
Takot, nanginginig sa gabi
Kinamumuhian ang sarili

Ito ang mga araw na malabo ang tayo
Paulit-ulit, sirang plaka pero walang sumusuko
Sana patuloy ito
Habang inaayos ang sarili ko

Maikling tula alay sa iyo
Sinusulat habang isip ay blangko
Sa isang madilim na araw na bumabalot
Kahit sa akin minsan ay napopoot

PARA KAY: AKIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon