Suyo

12 2 2
                                    

@Ginoong_Gwapo

Napakanatural sa bawat magkasintahan
Mag-aaway, hindi magkakabaitan
Parang mga batang naghahanap ng kalinga
Lambing, kumabaga

Lintik na pag-ibig ang saki'y tumama
Kupido, sinadya mo naman ito hindi ba?
Ang dating ako na hindi marunong manuyo
Tila nagbabago nang napunta sa iyo

Wew. Hanggang ngayon nama'y hindi ko pa rin alam.

Hindi man alam ngunit sinusubukan
Nang hindi magtagal ang hindi pagkakaintindihan
Dahil ang isang mali ay puwedeng lumaki
At baka humantong sa paghihiwalay na hindi kakayanin ng sarili

Hindi ako mapapagod na manuyo
Manlambing at sabihing ikaw ang mahal ko
Kahit paulit-ulit sa loob ng isang linggo
Basta alam kong mahal mo rin ako

Dahil din naman ito sa iyong mga ginagawa
Iniintindi mo ako lagi rin, hindi ba?
Pinaramdam mo sa akin na mayroon akong halaga
Kaya ikaw ang inspirasyon sa aking bawat tula

Nilalambing mo ako sa tuwing ako naman ang nagpapabebe
Hay buhay, sayo ako'y napakaswerte
At hindi ko ito ikakahiya ninuman
Sapagkat iilan nalang ang babaeng ganyan

Mahal na mahal kita Akira
Huwag mo nang isiping nakakapagod ka
Sapagkat dahil diya'y minahal kita
Ang lahat sayo, ako'y napahanga

PARA KAY: AKIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon